Chapter 27

3.2K 221 9
                                    


Nakahalukipkip ako. Hindi maalis ang tingin ko kay Houstin na abala sa pag-eensayo. Tumangu-tango ako na tila pinag-aaralan ko ang bawat suntok at sipa na kaniyang pinakawalan. Maigi talaga na ginawa ko ang bagay na ito. Sa lagay na ito, ay nagpapraktis siya ng muay thai nang wala sa oras. Lihim ako napangiti. Sa loob ng dalawa at kalahating linggo, nakikita ko na ang improvement niya. Sa totoo lang ay kani-kaniya kami nagsasanay, kaya lang ako naririto ngayon ay dahil nais ko makita ko ang development para kay Houstin, lalo na't unang beses palang siya papasok sa isang kompetisyon, ganoon din naman ako pero sa kaso ko, may ideya na ako kahit kakaunti kung ano ang magaganap sa pyesta.

"Magpahinga ka muna." malakas kong sambit.

Tumigil siya sa kaniyang ginagawa sabay tumingin siya sa aking direksyon. Naliligo na siya sa sarili niyang pawis. Hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na punasan ang mga 'yon sa pamamagitan ng kaniyang mga braso. Lumapit siya sa akin. Kinuha ko naman ang baso na may lamang tubig. Nang umupo na siya sa aking tabi ay agad ko din inabot ang maiinom.

"Maraming salamat po, kamahalan." nakangiti niyang wika nang tinanggap niya ang aking inabot. Mabilis niyang ininom 'yon.

Nakatingin lang ako sa kaniya. Pinagmamasdan ko ang hubad niyang upper body. Pinag-aralan kong maigi kung may nadevelop na din ba ito. Magandang balita lang ay nagiging tone na ang kaniyang mga muscle, especially his biceps and abdominal area. Nice, nice. Buti effective din sa kaniya ang mga sinabi at itinuro ko kung anong mga wam up at work out na gagawin niya. Natutunan lang ito noong nag-aaral ako ng arnis, dinagdag ko lang din kung anong mga natutunan ko sa mundo na ito lalo na't nag-aaral din ako kung papaano makikipaglaban.

"Anong nararamdaman mo habang inuugali mo na ang pagsasanay, Houstin?" kaswal kong tanong sa kaniya. Parte din ito ng evaluation ko.

Marahan niyang ipinatong ang baso sa kaniyang tabi. Ibinuka niya ang kaniyang palad na may suot pang hand wraps. Tumitig siya doon. "Hindi na po tulad ng dati, mas gumagaan na po ang bawat sipa at suntok na pinapakawalan ko. Nagagawa ko na din po makontrol ang mana na nasa aking katawan, tulad po ng turo ni Binibining Ceola." matapat niyang sagot.

Tumango ako saka ngumiti. It's a good sign. "Kung ganoon ay ipagpatuloy mo lang 'yan---" hindi ko madugtungan ang sasabihin ko nang may napansin ako sa kaniya. I touch my chin. Naniningkit ang mga mata ko. Mukhang napansin niya ang ginawa ko kaya medyo inatras niya ang kaniyang katawan pero bakit namumula ang kaniyang tainga?

"A-ano pong problema, kamahalan?"

Tumalikwas ang isang kilay ko. "Hindi ka ba nahihirapan na makipaglaban noon na ganyan kahaba ang buhok mo? Nakakakita ka pa ba n'yan?" usisa ko.

Ibinuka niya ang kaniyang bibig. "Siguro po ay nasanay na ako." sagot niya.

Lumabi ako. "Siguro ay kailangan kitang pagupitan." walang sa sarili kong suhesyon. "Sa gayon ay makakilos ka ng maayos." tumayo na ako ng tuwid saka lumingon sa kaniya. "Tapos na ang ensayo mo ngayong araw. Hindi mo muna kailangan pwersahin ang sarili mo. Bukas na bukas din ay tutulak na tayo sa Loray."

"Sige po." tumayo na din siya pero agad din siyang tumigil, parang may napagtanto siya. Nahihiya siyang tumingin sa akin. "Mahal na Prinsesa, maaari po bang maligo muna ako?"

Tumitig ako sa kaniya ng ilang segundo. Tinakpan ako ang aking bibig. Natawa ako nang mahina. "Oh sige, pupuntahan ko muna si Ceola, may ipapagawa lang ako sa kaniya. Magkita nalang tayo sa bakuran." nagpahabol pa ako ng ngiti bago ko siya tinalikuran at iwan doon.

Agad ko pinuntahan ang silid ni Ceola. Wala naman siyang pupuntahan sa loob ng Palasyo, maliban lang sa Library at silid niya. Nang narating ko ang harap ng pinto ng kaniyang kuwarto ay kumatok ako ng tatlo. Rinig ko nag boses niya mula sa loob. Binigyan niya ako ng pahintulot na pumasok. Pinihit ko saka itinulak ko ito. Agad hinahanap ng aking paningin ang bakas ni Ceola. Nakahinga din ako ng maluwag nang makita ko siya na nakaupo siya sa kaniyang study table, hawak niya ang kaniyang kuwaderno at panulat. Nasa harap niya ang kaniyang mga aparato na ginagamit niya sa experiment.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon