Chapter 41

2.6K 157 19
                                    


Balot na balot ako ngayon ng makapal na kumot na inalok ni Otis. Napag-alaman ko na madalas magniyebe sa Thilawiel. Kaya pala sobrang lamig ang naramdaman ko pagkatuntong ko dito kanina. Hindi katulad sa Cyan na sakto lang ang init at lamig ang klima doon. Pagkatapos ko matanggap 'yon ay lumipat siya sa pinakadulo ng kama. Mahigpit kong niyakap ang aking mga binti. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Sa loob ng ilang oras ay marami nang nangyari. Pumikit ako ng mariin saka isiksik ko ang mukha ko sa aking mga tuhod. Nagsisimula na akong mainis sa sarili ko.

Ang kailangan ko lang, masahista. Hindi kahalikan... Argh.

Tinagilid ko ang aking ulo para silipin si Otis. Kung ano na ang ginagawa niya. Nakatalikod siya sa akin. Hindi niya ako magawang harapin pagkatapos sa nangyari. Pero kung mananatili kaming ganito, wala rin mangyayari.

"Otis?" sinubukan kong tawagin ang kaniyang pangalan. Wala akong marinig na reaksyon mula sa kaniya. "Galit ka ba...?" saka binawi ko ang aking tingin mula sa kaniya. Pumikit ako saka isiniksik ko na naman ang mukha ko sa mga tuhod ko. Para sa akin, alam ko na kung ano ang isasagot niya.

"Hindi ako galit, Rini." narinig ko mula sa kaniya.

Kusa ko inangat ang aking tingin. Agad ko siya tiningnan.

Lumingon siya sa akin. Ginawaran niya ako ng isang marahan na ngiti, tulad ng ngiti niya nang nasa Loray pa kami. "Hindi ako galit sa iyo, Rini. Sadyang hindi lang ako makapaniwala na naririto ka ngayon sa Thilawiel. Ang akala ko makikita kita sa mismong kaarawan ko." kahit ang tinig niya, nahihimigan ko ng pagiging banayad nito.

Lumabi ako. "Talaga bang... Hindi ka galit sa akin?" maingat kong tanong. Agad siyang tumango. Binawi ko ang tingin ko mula sa kaniya. Kumawala ako ng buntong-hininga. "Ang totoo kasi niyan, kailangan ko ng masahista. Bigla kitang naisip dahil naalala ko noong mga bata palang tayo, nagawa mo akong pagalingin mula sa pagkatapilok ko. Wala naman akong ideya kung papaano kita tatawagan... Nag-isip ako ng paraan, may naisip ako kaya sinubukan ko ito. Ginamit ko ang hangin, ang akala ko makakalipad ako pero sa pagdilat ko narito na ako at nagawa akong dalhin ng hangin patungo sa iyo, Otis."

Natigilan siya sa sinabi ko. May mali ba ulit sa sinabi ko para mabigyan niya ako ng ganyang reaksyon? Sa huli ay napangiti siya. "Kung kailangan mo pala ako, maaari mo akong tawagan, Rini." bigla niyang sabi.

Nasopresa ako sa pahayag niya. "Talaga? Papaano?"

Bago man niya ako sagutin ay gumapang siya sa kama hanggang sa magawa niyang tumabi sa akin. Nanatili ako sa ganitong posisyon. "Naalala mo ba ang ibon na ipinadala ko bilang regalo ko sa iyo?"

"Ah, si Ruby."

"Ruby? Iyan ba ang ipinangalan mo para sa kaniya?" wari'y nagulat pa siya.

Tumango ako. "Oo, ang ganda ng pagiging pula niya. Bigla kita naalala sa kaniya." lumihis ang aking tingin sa kaniyang buhok. Kusang gumalaw ang isa kong kamay. Sa oras na ito ay para akong nahihipnotismo. Ngayon ko lang napagtanto na bagay pala sa kaniya ang kulay ng kaniyang buhok. Nagawa kong hawakan ang kakaunting hibla nito. "Kasing pula ng rosas." nagtama ang aming tingin. "My rose..."

"My... Rose?" ulit pa niya. May halong pagtataka.

Matamis akong ngumiti. "Ibig sabihin n'on, aking rosas."

"Iyan ba ang tawag n'on ng mga Cyanian?" sunod niyang tanong. Nabubuhayan siya ng kuryusidad sa histura niya ngayon.

"Hindi, pero sa ibang lugar, Otis." isinandal ko ang aking ulo sa aking mga braso na nakapatong sa mga tuhod ko. "Sikreto lang natin 'to, ha?"

Tumango siya bilang sagot. "Pero, Rini... Pwede ba ako humingi ng pabor sa iyo?"

"Ano 'yon?"

"Maaari bang tawagin din kita sa ganoong lengguwahe? At tawagin mo din ako sa ganoon?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon