Chapter 44

2.3K 156 12
                                    


"Nakahanda na po ang mahal na prinsesa, kamahalan." rinig kong wika ni Nesta, sinabayan pa niya ito nang pagbati nang pumasok si Vencel sa silid ng panauhin na ipinahiram sa akin ng mga Cairon.

Marahan kong idinilat ang aking mga mata. Tumayo ako mula sa kinauupuan na nasa harap lang ng dresser ng silid na ito. Suot ko ang magarbong color silver off shoulders ball gown. Nakakabit sa pagitan ng aking dibdib ang brooch na yari sa dyamante bilang palamuti nito. Maganda din ang pagkaburda sa bandang palda ng aking gown, mga hugis paru-paru. Kahit ang suot kong mga gwantes ay may burda din na paru-paru bilang pares sa aking suot ngayon. Nakakabit naman ang mga flower hair pin sa mahaba at kulay blonde kong buhok. Idinapo ko ang mga palad ko sa aking sikmura saka humarap kay Vencel

Isang matamis na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. "Papa," may halong lambing kong tawag sa kaniya. Nagbow ako sa harap niya, kasama na din sa aking pagbati. "Patawad po kung natagalan po ako." saka tumayo na ako ng tuwid.

"Walang problema, aking bunso." tuluyan na niya ako dinaluhan. Inalok niya sa akin ang isa niyang braso. Mas lumapad ang aking ngiti. Walang alinlangan kong idinapo ang isa kong palad sa kaniyang braso. "Tara?" matamis niyang aya.

"Opo, papa."

Nagsimula na kami naglakad palabas ng silid panauhin. Nasa labas na din pala ang mga kapatid ko. Tulad ng dati, hinihintay pa rin nila ako. Binati ko sila saka ipinagpatuloy namin ang paglalakad dito sa Pasilyo. Hindi mawala ang ngiti namin habang nakikinig kami sa pagdadaldal ni Cederic. I admit, I miss this kind of moments. Biglang sumagi sa isipan ko ang mga nakita ko sa aking panaginip. Hindi ko maiwasang mag-alala na baka nga mangyari nga 'yon sa hinaharap at 'yon ang hinding hindi ko mapapayagan. Pero dahil may usapan na kami ni Otis, magagawa kong mag-imbisitiga nang mas malapitan at matutukoy ko kung sino ang utak ng magaganap na trahedya. Sa tingin ko, hindi lang ang Cyan ang gusto niyang pabagsakin. Maski din ang Thilawiel. Pero bakit? Sa anong dahilan?

Sa ngayon, hindi ko muna sasabihin sa mga Eryndor tungkol sa plano ko. Maaari ko lang ito sabihin sa oras na nakabalik na kami ng Cyan, o hindi kaya sa tamang panahon.

Huminto kami sa paglalakad nang nasa pinto na kami ng mismong bulwagan. Tulad ng dati, inanunsyo sa mga bisita maski sa Imperial Family ng Thilawiel ang aming pagdating. Nang tumapak na ang mga paa namin sa sahig ng bulwagan ng pagtitipon ay agad sila napatingin sa aming direksyon. Pawang mga blangko ang ekspresyon sa mga mukha namin. Inabala ko ang aking sarili na tingnan ang mga tao dito. Kailangan ay may matunugan ako na kahina-hinalang tao dito. Nagbabakasakali kasi na baka naririto siya sa paligid nang hindi nalalaman ng mga Eyrndor at ng mga Cairon---ang nakita kong lalaki na sumakal kay Vencel sa aking pangitain.

Naputol lang ang maagang kong imbestigasyon nang narinig ko ang pagbati ni Emperador Audrick. Agad ko ibinigay sa kaniya ang aking atensyon. Tulad ng aking napag-aralan sa etiquette subject, nagbow ako sa harap niya na may kasamang pagbati. Pagkatapos ay muli ko iginala ang aking paningin sa paligid. May napansin ako. Wala nga lang may kinalaman sa partikular na tao na hinahanap ko. Sa ibang bagay pa.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-iba ang tingin mula sa mga mata ng mga bisita. Well, hindi na rin siguro nakakapagtataka. Hindi lang siguro sila sanay na may bisita dito na hindi rin kapwa nilang Thilian o dayo. I understand. But it's kinda insulting for me. They don't even say it directly but they make us feel we don't belong here. Ha!

"Ipagpaumanhin ninyo po sana, mahal na Emperador Audrick ng Thilawiel," bigla kong sabi. Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Sigurado po ba talaga kayo na maaari ninyo kaming imbitahan dito?"

Mas lalo siya nagtataka sa aking tanong. Kahit sina Vencel at mga kapatid ko ay ganoon din ang naging rekasyon.

"Anong ibig mong sabihin, Prinsesa Styriniana?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon