Chapter 130

1.4K 94 8
                                    

Ramdam ko ang malamig na tubig sa aking balat. Abala ako sa paghihilamos habang nasa likuran ko sina Nesta, Faila at Regie. Inaabangan nilang akong matapos sa aking ginagawa para matulungan na nila ako sa pagbihis. Nang matapos na ako ay humarap na ako sa kanila. Agad ako nilapitan ni Nesta na may hawak na tuwalya. Tinanggap ko 'yon saka nagpasalamat. Marahan kong dinampian ng malambot na tela na ito ang aking balat hanggang sa matuyo. Pagkapatapos ay nilapitan na ako nina Faila at Regie para bihisan at ayusin na ang aking buhok. Inayos naman ni Nesta ang kama.

Pangalawang araw ko na dito buhat na nakabaalik na ako. Tulad sa Cyan, nagkaroon ng maliit na pagtitipon sa Palasyo ng Thilawiel para sa selebrasyon ng aking pagbabalik---iyon ay naisip ko pero ang reyalidad ay mala-pyesta ang naganap. Hindi lang ang Maharlika at Pamilyang Imperyal ang nagdiriwang, kahit ang mga mamamayan na nasa labas ng Palasyo, sa Kabisera ay masyang nagdiriwang. Hindi rin nawawala ang sunud-suno na tanong nila sa akin na agad ko din sinasagot. Curious daw sila kung ano ang mga sunod kong hakbang ngayon ay nakabalik na ako. Inamin na wala pa akong balak, sa halip ay ipagpapatuloy at maging focus muna sa mga itinatayong proyekto na naiwan ko bago man ako nawalan ng mga panahon na 'yon. Lalo na ang daungan, kailangan ay matapos na siya para sa barko na gagamitin upang itawid ang mga kalakal at para sa turismo. I remember how they amazed once again.

Nang matapos na akong bihisan at ayusin ang aking buhok ay nagpasya na akong lumabas. Nakasunod lang sa akin ang mga ladies-in-waiting. Sinalubong naman ako sa labas sina Ramas at Raymound na pawang may kagalakan sa kanilang mukha. Ginantihan ko naman sila ng malapad na ngiti at binati na din.

"Binabati po namin ng magandang umaga, ang prinsesa na tagapagamana, Prinsesa Styriniana!" sabay na bati ng dalawa sa akin.

"Ikinagagalak ko kayong makita at makausap ulit, Ramas, Raymound." kahit na nakangiti ako, pormal kong wika sa kanila. "Teka, kayo pa rin ba ang inatasan na maging personal kong mga tagapagbantay?"

Pareho silang napangiti pa. "Ang totoo po ay hindi na, Prinsesa Styriniana dahil sa tumaas na po ang ranggo namin ngunit, pareho namin pinagpasyahan ni Raymound na nais pa rin namin kayong bantayan." si Ramas ang sumagot, he's still energetic as ever.

Tumango ako. "Masaya ako at tumaas ang inyong ranggo."

Umiling sila. "Hindi po, kamahalan. Kami nga po ang dapat magpasalamat sa inyo. Binigyan ninyo po kami ng malaking oportunidad. Kung hindi ninyo po kami isinali noon sa malaking paligsahan sa Azmar at tinuruan ng mga dapat pa namin malaman, hindi po namin mararating kung ano po ang kinalalagayn namin ngayon." si Raymound maman ang nagsalita.

"Ginagawa ko lang dahil pinakitaan ninyo ako ng malaking ninyong potensyal sa pakikipaglaban." wika ko. "Siya nga pala, kakausapin ko din kayong mamaya kapag tapos na ako sa mga gawain."

Sabay silang nagbow. "Masusunod po, kamahalan."

Nagsimula na akong maglakad. Nabanggit nga pala sa akin ni Nesta na kasalukuyan pala akong hihintay ni Otis sa dining area. Nag-iwan siya ng mensahe na sabay na daw kami mag-almusal kapag nakahanda na daw ako mula sa aking paggising. Dahil request ng asawa ko, pinagbigyan ko. Naisip ko din na kailangan ko din bumawi sa kaniya sa mga ilang buwan na nawala ako sa kaniya.

Nakaplano na din kung ano ang mga trabaho na gagawin ko sa oras na nakatapak na ako dito sa Thilawiel. Ngayong hawak ko na si Berrian, maghahanap na din ako ng oras upang magsanay sa pakikipaglaban. Alam kong malaking adjustment na naman ang mangyayari pero pipilitin ko na maging maayos ang istilo ko pagdating sa pakikipaglaban. Bukod pa d'yan, ihahalo ko din ang mga pinag-aralan ko sa parran ng pakikipaglaban ng Jian Yu sa oras ng digmaan.

Speaking of digmaan, hindi kaya may koneksyon din ang lalaking nais dumukot sa mga anak ko sa paparating na digmaan?

Pero bago 'yan sagutin ay medyo gutom na din ako.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon