Chapter 43

2.5K 184 8
                                    


Sabay na kaming lima habang pabalik ng Palasyo. Kinokonsidera din ni Otis na kinakailangan na namin magpahinga gawa ng napahaba naming byahe. Sumang-ayon na din kami dahil medyo nakakaramdam na din ako ng pagod at gusto na rin magpahinga o matulog, dahil bukas na gaganapin ang kaniyang kaarawan. Speaking, natapos ko na din gawin ang regalo ko para sa kaniya bago man kami nakarating dito. Siguro ito ang pinakasimpleng regalo na maibibigay ko. Kung hindi man niya gusto, bahala siya. Basta ako, pinaghirapan ko gawin ang bagay na 'yon.

Pagpasok ko sa loob ng silid ay agad ako dinaluhan ni Nesta pati na din ng dalawa pang maid na isinama namin. Inaalalayan ako ni Nesta na hubarin ang aking winter coat, habang ang dalawa naman ay inaalalayan ako na magtanggal ng sapatos. Naglakad ako nang kaunti saka lumingon sa kanila. "Siya nga pala, hinahanap ba ako ni papa?" tanong ko.

"Hindi naman po, mahal na prinsesa." maagap niyang sagot sa akin.

Binawi ko din ang aking tingin. Siguro nga ang alam niya din na kasama ko si Cederic na kitain ang tatlong prinsipe. Mukhang kumbinsido siya na hindi ako papabayaan ni Cederic.

Nagsabi ako sa kanila na maliligo muna ako saka magbibihis para makapagpahinga na. Sa totoo lang ay wala akong gana kumain sa ngayon. Kung may maghahatid man ng kakainin ko ay ibinilin ko na mamaya ko nalang ito kakainin sa oras na magising ako.

Sa kabila ng lamig ng klima sa bansa na ito. Masarap sa pakiramdam ang tubig na pampaligo nila. Pakiramdam ko ay nasa hot spring ako. Salamat talaga sa mana stone na inilubog dito sa bath tub. Naglalabas kasi ito ng init kaya mas gumagaan ang pakiramdam ko. Nang matapos na ako sa pagligo ay nagbihis na ako ng simpleng damit para makatulog na. Nilapitan ko na ang malapad at malambot na kama sa silid. Hinawi ko ang makapal ngunit may kaunting bigat na kumot. Nilapitan ako ni Nesta upang tulungan akong makahiga nang maayos. Tahimik akong gumapang sa ibabaw ng kama at pumuposisyon na ako ng higa saka itinaklob na sa akin nang maigi ang kumot hanggang sa unit-unti ko na naipipikit ang aking mga mata.

**

Medyo abala si Caldwell sa pagbabasa ng mga hawak na dokyumento na iniwan sa kanila ni Rini, habang ito'y wala at kasalukuyang nasa Thilawiel upang dumalo sa selebrasyon ng nalalapit na kaarawan ng unang prinsipe at ang prinsipe na tagapagmana na si Prinsipe Otis Cairon. Nais man niyang sumama para personal niya din bantayan ang ipinaglilingkod niyang prinsesa ay tumanggi ito, sa halip ay nagsuhesyon ito na mas maganda kung may mananatili sa Cyan upang ipagpatuloy ang mga kaso na na hindi pa nareresolba.

Wala na siyang magagawa dahil mismo si Rini ang nagbigay ng kautusan para sa kanilang dalawa ni Houstin.

Marahan niyang binitawan ang mga papel. Ibinalik niya ang mga ito sa drawer ng desk ni Rini. Bumaling siya sa sofa kung saan abala sa pagbabasa si Houstin, ang isa sa mga tao na tinulungan ni Rini. Nakakatuwa lang isipin na hindi lang buhay nito ang nagawa niyang iligtas. Pati ang puri nito ay nagawa ding isagip. Galing din naman sa ordinaryong pamilya si Ceola ngunit mataas ang antas nito dahil kilala na ito na nanggaling sa isa sa mga kilalang Unibersidad ng Ibilania. Sa Houstin naman ay nag-uumpisa lang sa una. Hindi marunong magbasa at magsulat. Pinag-aaralan nito kung ano ang tunay na mundo sa loob ng Palasyo. Kahit ganoon ay nakikita niya kung papaano nagsusumikap si Houstin upang hindi madismaya si Rini---na hindi ito nagkakamali na pinili niya ang tulad ni Houstin.

Pinili na niyang tumayo saka dinaluhan si Houstin. "Tapos ko na basahin ang mga dokyumento na iniwan ng mahal na prinsesa. Sunod naman natin puntahan ay si Binibining Ceola." wika niya.

Tumigil ito sa pagbabasa saka tumingala sa kaniya. "Oh sige." saka itiniklop na nito ang hawak na libro. Tumayo na din ito saka ibinalik sa bookshelf ang binabasang libro.

Nauna nang siyang lumabas. Nakasunod naman sa kaniya si Houstin. Nang pareho na sila nasa labas ay dinukot niya ang susi ng opisina mula sa kaniyang bulsa. Nilock niya 'yon saka naglakad na sila sa pasilyo upang makalabas na sila ng Palasyo. Ibinilin din sa kanila ni Rini na kinakailangan nilang bisitahin si Ceola upang malaman kung ano ang estado ng itinatayong Unibersidad.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon