Chapter 26

3.3K 214 4
                                    


Hindi madrawing ang mga mukha ni Vencel, Raegan at Eomund nang nakaharap namin sila dito sa Throne Room. Hindi matanggal ang malapad at matamis kong ngiti. Alam ko rin kasi kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga ito. Sa mga tingin palang nila, nag-iisip na sila kung anong klaseng pagpatay ang gagawin nila sa kasama namin. Pinagitnaan ako nina Cederic at Houstin. Sabay kaming nagbigay-pugay sa mga kaharap namin.

"Binabati po namin ang mga kamahalan." sabay naming bati sa kanila.

"Sino ang kasama ninyo, Prinsesa Styriniana, Prinsipe Cederic?" si Vencel ang unang nagtanong, gamit ang malamig niyang tono.

Nilahad ko ang aking palad kay Houstin na nasa kaliwa ko. "Siya po si Ginoong Houstin, aming mahal na Emperador. Siya po ang tinutukoy ko na magiging parte ng aming pangkat sa darating na Pyesta ng Pangangaso." malumanay kong saad. "Siya po ang tinutukoy ko na malaki ang maitutulong niya sa amin."

Naniningkit ang mga mata nila. Mukhang diskumpyado sila. Anyway, alam ko na ganoon ang magiging reaksyon nila. They can't recognized Houstin as a member of a noble family. Base na din sa suot niya ngayon na napakasimple. Walang bakas na may suot o may pagmamay-ari na kung ari-arian. Hindi rin siya anak ng isang negosyante.

"Ano ang maitutulong niya sa inyong pangkat, kung ganoon?" si Raegan naman ang nagtanong.

I beamed at them. "Ang kaniyang mga kamao po ang magsisilbing sandata niya sa oras ng pakikipaglaban, mga kamahalan." malumanay kong tugon.

Kita ko kung papaano sila nawindang sa naging pahayag. Alam ko din na ganoon din ang magiging reaksyon nila. Kitang kita ng dalawa kong mga mata kung gaano siya kalakas kahit mga kamao lang ang mga gamit niya. Tulad ng sabi ni Houstin, ang mga kamao niya ang nagsisilbi niyang mga sandata para makasurvive siya sa malupit na mundong ito. Atnother good thing is, nakita ko na ang kaniyang nakaraan at kung ano ang pinagdaanan niya. Hindi ko mapigilang maawa sa kaniya. Sa pamamagitan ng nalalapit na Pyesta, ito ang pagkakataon para makatulong ako sa kaniya. Sa oras na manalo kami, imumungkahi ko kay Vencel na gawin siya na isa sa mga kawal o mga bantay ko. Masasayang lang ako sa talento niya kung mapupunta ito sa wala.

"T-tama bang narinig ko, pangatlong prinsipe? Totoo bang sinasabi ng prinsesa na kamao lang ang magagamit niya sa pakikipaglaban?" nababahalang tanong ni Eomund.

"Siya nga pong tunay, mahal na pangalawang prinsipe." magalang pero seryoso na sagot ni Cederic. "Sa katunayan po ay nasaksihan ko din kung gaano siya kalakas nang makita namin siya kung papaano nakipaglaban kagabi."

Umawang ang kanilang mga bibig sa naging tugon ni Cederic. Mabuti nalang ay kasama ko si Cederic nang gabing 'yon. Atleast may witness, sa gayon ay umayon nang maayos ang aking mga plano bago mag-umpisa ang Pyesta. Kaunti nalang, makokompleto na ang inihanda ko taktika. Nangingiti-ngiti ako sa loob-loob ko. Hindi ko na mapigilang maexcite pa lalo. Alam kong magaling si Otis pagdating sa pakikipagdigma, pero hindi ako magpapatalo. Kahit na mga kaibigan ko din sina Calevi at Dilston, hindi pa rin mabubura ang katotohanan na magiging kakompetensya sila sa araw na 'yon. Okay, mukhang sinasaniban na ako ng kademonyohan sa isipan ko.

Huminga ng malalim si Vencel. "Mukhang wala na akong magagawa pa. Ngayon, naikompleto na natin kung ano ang mga kailangan tulad ng nakasaad sa mga patakaran at tuntunin. Ibibigay ko naman ang posisyon para sa inyong dalawa." kalmado niyang wika. "Una, ibibigay ko ang posisyon kay Prinsipe Cederic bilang kapitan ng grupo, habang si Prinsesa Rini naman ang magsisilbing taktiko."

Natigilan ako. Hindi ko inasahan 'yon. Ilang saglit pa ay marahan akong pumikit saka muli kami yumuko sa kanilang harap. "Ikinalulugod po namin itong tinatanggap, kamahalan, mahal na Emperador." pormal naming sabi. "Pero mayroon pa po akong gustong imungkahi..."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon