Chapter 152

693 30 3
                                    


Nakalapat ang magkabilang kamay ni Prinsesa Eglantine sa kaniyang sikmura habang tahimik siyang naglalakad sa mahaba at malapad na pasilyo ng Palasyo. Nakasunod naman sa kaniya ang kanang-kamay at iilang sa mga tagapagsilbi ng mga Cairon na may mga kani-kaniyang dala. Mga iilang mamahaling tela at mga kahon na naglalaman ng mga mahalaga at mamahaling mga alahas.

Lumiko siya sa kaniyang kanan. Tumambad sa kaniya ang mga nakahilerang mga iilang kawal ng Palasyo. Tahimik din na nakatayo sa mga pwesto, subalit hindi 'yon ang hadlang upang tuluyan niyang magampanan ang kaniyang pakay niya sa lugar na ito. Patuloy pa rin siya naglalakad hanggang sa tumigil ang kaniyang mga paa sa tapat ng matayog na pinto. Bumaling siya kay Egos na tila kanina pa naghihintay sa kaniyang pagdating. Nagpalitan sila ng tango sa isa't isa. Kusang gumalaw ang personal na tagapagsilbi ni Egos. Dahan-dahan man ay maingat pa rin itong binubuksan ang naturang pinto.

Nang tuluyan nang lumaki ang awang ng pinto ay muli siya nagpakawala ng hakbang papasok sa silid. Nanatili paring nakasunod sa kaniya ang mga tagapagsilbi na nasa kaniyang likuran. Tumigil lamang siya nang masilayan niya ang mga nakahilerang mayordomo na naghihintay sa kanilang pagdating. Agad din nagsilapitan ang mga ito upang kunin ang mga gamit na kanilang dala. Habang abala ang mga mayordomo at mga tagapagsilbi ay lumipat ang kaniyang tingin sa isang tao na kanina pa naghihintay. Nakatalikod ito sa kanila. Nasa likod ang mga kamay nito. Alam niya na nababalutan pa rin ito ng labis na kalungkutan kahit na napaka-espesyal ang araw na ito para sa kaniya. Kahit ganoon ay hindi rin niya maiwasan na makaramdam ng simpatya kung kaya pinili niyang lapitan ito ng kaunti at binigyan ng espasyo.

"Kamahalan, Prinsipe Hadden." pormal niyang tawag sa nakakabatang pinsan.

Doon na gumalaw ang kausap. Humarap ito sa kaniya na ganoon pa rin ang tindig. Tulad ng kaniyang inaasahan, blangko man ang ekspresyon sa mukha nito, nababasa niya ang kalungkutan sa mga mata.

"Oras na upang ika'y bihisan. Ilang oras na din ang nalalabi ay mag-uumpisa na ang seremonyas." dagdag pa niya.

Hindi agad nakasagot ang binatilyong prinsipe. Sa halip ay tahimik lang siyang tumango na agad din siya dinaluhan ng mga mayordomo upang umpisahan nang bihisan. Mula sa pagpalit ng uniporme nito, isa-isa din ikinabit ang mga mahahalagang medalya sa dibdib nito. Nang inilabas na ng isa sa mga mayordomo ang isang tela ay doon na lumapit pa lalo si Eglantine. Tumigil siya sa mismong harap ni Hadden. Siya mismo ang nagkabit ng pula at ang pinakamahalagang roba (ermine robe), na tanda na ipinapakita ang kapangyarihan at kayamanan mula sa simula ng kanilang pamumuno.

"Naniniwala ako na magagampanan mo ng mabuti ang pamumuno sa Thilawiel kahit sa maiksing panahon lamang, kamahalan." pormal niyang sambit nang matapos na niyang ipasuot ang roba.

"Ate Eglantine..." may bakas na pag-aalala sa boses nito. Pumikit ito ng mariin. "Ayokong madismaya sila sa akin. Hindi ko maiwasan na kabahan sa oras na matapos ang araw na ito."

"Pero sa tulong ng mga Eryndor, matitiyak ko na matatagumpayan natin ang lahat. Malalagpasin din namin kung ano ang sakuna na ikinahaharap ng Thilawiel." sumilay ang maliit niyang ngiti. "Alam kong malaki din ang pag-aalala mo dahil hindi ka tulad ni kuya Otis, ngunit, ikaw ay ikaw. Gawin mo ang lahat upang iligtas ang bansang ipinamana sa 'yo sa paraang alam mo."

Hindi makapagsalita si Hadden. Nanatili lang itong nakatitig sa kaniya. "Hangga't hindi pa nakabalik ang mga prinsipe na tagapagmana at si ate Styriniana, sa ganitong paraan lamang ay makatulong ako." tila pinapalakas ang sarili.

Marahan siyang tumango. "At tandaan mo, hindi tayo nag-iisa. May apat na Imperyo pa ang handang tumulong sa atin."

"Mga kamahalan, oras na po upang dumalo na para sa gaganaping sermonyas." biglang nag-anunsyo si Egos na malapit lang sa kanila.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon