Chapter 142

869 63 13
                                    


Payapa na kaming nakabalik sa Manor ng gabi ding 'yon. Nadatnan pa namin sina Vencel at Theavia, maski ang pamilyang Stodge na nakatayo sa labas, tiyak nakaantabay sa aming pagbabalik. Hindi na nila mapigilan ang kanilang sarili, halos patakbo na sila palapit sa amin saka sinunggaban kami ng yakap ng emperador at emperatris ng Cyan, ganoon din ang mga kapatid namin. Bakas sa mga mukha at boses nila ang sobrang pag-aalala nila sa amin, lalo na kay Rina na medyo ipinagtataka ko. Mukhang naramdaman 'yon ni Cederic kaya siya mismo ang nagpaliwanag sa akin. Ngayong naitindihan ko kung bakit labis ang pag-aalala na ipinakita nila, talaga ngang hindi maaaring lumayo sa amin ang aking kakambal lalo na't hindi pa siya permanenteng nabubuhay.

"Sino ang kasama ninyo?" biglang tanong ni Vencel sa amin. Tumingin kami sa kaniya pero hindi siya nakatingin sa amin. Napako ang kaniyang tingin sa aming kasama, si Hyrus! "May kinalaman ba ito sa pagkawala ni Rina?"

Sasagot sana ako pero bigla ako inunahan ng pagtawa ni Hyrus. Mas lalo kumunot ang noo ni Vencel sa inakto ng kasama namin. Sa hitsura niya ngayon, para siyang napipikon na ewan. Para bang sinasabi ng ekspresyon ng mukha niya ngayon na kaunti nalang ay papatulan na niya ito! "Sa tono ng pananalita mo ay halatang nagmana sa kay Maion, kamahalan." sagot ni Hyrus.

Tumalim ang mga mata ng aming ama. "Kilala mo ang aking ama, lalaki?" mas bumaba ang boses niya, mas lumalamig ang kaniyang pananalita.

Nagkibit-balikat si Hyrus. "Syempre naman, kilalng kilala ko ang 'yong ama, Emperador Vencel Eryndor. Sa katunayan pa nga ay kilala ko din ang 'yong lolo..."

"Anong kinalaman mo sa aking pinagmulan?" sunod niyang tanong.

"Vencel," biglang tawag sa kaniya ni Miriel. "Hindi mo siya nakilala dahil umalis siya sa pagiging mandirigma at mga tungkulin niya habang ika'y sanggol pa lamang."

"Panginoon!" malakas na tawag ni Theavia sa kasama namin. Bigla siyang lumuhod sa harap nito. "H-hindi ko po inaasahan ang inyong pagdating mula sa inyong pahinga."

Mas lalo nagtataka si Vencel, kahit ang mga kapatid ko. "Kilala mo siya, Thea? Bakit Panginoon ang tawag mo sa kaniya?"

"Dahil siya ang unang Panginoon ng Cyan, Vencel." pormal na sagot ni Theavia. Rinig namin ang singhap at nakikita namin ang hindi makapaniwalang reaskyon.

"Ah! Maaari ka nang tumayo, Theavia. Hindi ako karapat-dapat na pagluhuran ninyo. Sapagkat ay matagal na akong umalis mula sa aking tungkulin." saka malakas siyang tumawa pero agad din natigilan. "Teka, may naaamoy akong mabango." napasapo ito sa kaniyang tiyan. "Tamang-tama, nagugutom na ako."

"K-kung ganoon, ay maaari na tayong pumasok. Nakahanda na ang mga masasarap at espesyal na hapunan para sa inyo." wika ni Biscondessa Stodge. Nilahad niya ang kaniyang palad, itinuro niya ang direksyon papasok sa kanilang manor.

"Sa wakas! Makakain na ako! Una na ako, ha?" at talagang siya pa ang naunang pumasok sa naturang manor. Sinadya niyang iwan kami dito sa labas. Okay, we looks dumbfounded.

Wala na rin kami magawa kungdi pumasok na rin kami sa loob. Bago man kami dumiretso sa silid-kainan, nagpaalam muna ako na dadaaan muna ako sa silid pampanauhin para magbihis. Nagpaalam naman si Otis na kukunin naman niya ang magkakambal. Ako ang lumihis ng daan. Tahimik kong tinungo ang silid. Pinihit saka marahan kong itinulak ang pinto. Medyo madilim ang silid. Nilagitik ko ang aking mga daliri, kusang sumindi ang isang lampara sa silid sa pamamagitan ng aking mahika na elemento ng apoy.

Tumambad sa akin si Berrian na nakatayo sa tabi ng bintana. Nakayuko ito saka nakahalukipkip. Isang malamig na ekspresyon sa mukha ang iginawad ko sa kaniya. Humkbang pa ako palapit sa kaniya.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon