chapter 1

1.5K 41 17
                                    

(A/n; sisimulan po muna natin iyong dahilan niya kung bakit siya tuluyang magbabago. Sana suportahan niyo parin ako.)



'yan ba iyong tinutukoy nila miyagi, iyong kulay pula ang buhok na walang ginawang maganda kundi makipag basag ulo?'

'yuuck, feel niya siguro napakagaling niya na dahil lang siya ang nakatalo sa sannoh.'

'matangkad nga siya, wala namang silbi sa pag lalaro ng basketball.'

Samo't saring pang iinsulto na ang naririnig ni hanamichi sakuragi sa mga taong nakapalibot sa kanya. Kilala siya sa pagiging mainitin ang ulo, palaaway at hanap lagi ang gulo. Ngunit binago niya naman iyon magmula ng matuto siyang mahalin ang paglalaro ng basketball at si haruko na nakapag pabago sa kanya.

Mahigit ilang buwan na akong nag lalaro sa basketball, nanalo nga kami sa sannoh pero isang buwan naman akong inirehab dahil sa natamo ko na injury sa likod.

Sa loob ng isang buwan ay halos mamatay ako sa pagka buryong dahil puros pagpapagaling at tulog lang ang nagagawa ko. Kaya nang matapos ang isang buwang pag papahinga, nakabalik na nga ako sa wakas subalit ..

Ito na agad ang bumungad sakin, ang mga pang huhusga nila na wala namang katuturan simula't simula pa lamang. Hindi ko maintindihan kong bakit nag uumpisa na naman sila, inis na ikinamot ko ang aking daliri sa sentido ko bago nakabusangot na naglakad sa koridor.

Habang naglalakad, automatic na napapaiwas lahat sa akin na tila ba'y may nakakahawa akong sakit dahil sa paraan ng pag iwas nila. Hindi ko dapat nararamdaman ito pero nasasaktan ako sa ginagawa nilang pag iwas sakin.

Isang buwan akong nawala pero ito na agad ang maabutan ko? Ang saklap Naman ng buhay ko.

Makapunta na nga lang ng gym. Baka sakaling mawala inis na nararamdaman ko dahil sa mga chismosang nakapaligid sakin.

Kamusta na kaya silang lahat?

Habang nag lalakad biglang sumagi sa isip ko ang mga nangyaring laban sa sannoh, oo aaminin ko napakalaki kong gunggong dahil hindi ako nakatulong sa mga kakampi ko. Ginagawa ko naman ang makakaya ko dahil alam ko namang may magagawa ko, pero habang naririnig ko sa iba kung gaano ako kawalang kwenta pakiramdam ko dapat baguhin ko na ang nakasanayan ko mula sa umpisa.

Naiinis rin naman ako sa sarili ko e, hindi naman ako nagmamagaling sa totoo lang ginagawa ko lang ang pag yayabang, dahil doon ako mas napapansin.

Kainis, sa sobrang pag iisip ko ay bigla nalang may nakabungguan ako, napaupo ito sa sahig kaya napatingin ako dito.

Nakayuko ito kaya hindi ko pa makita ang mukha niya, pero napakaputi niya, maliit at payat base na rin sa nakikita ko sakanya.


"Pasensya na miss, hindi ko sinasadya." Inilahad ko ang kamay sa harapan nito pero ganon nalang ang gulat ko ng malakas lamang nitong hinampas ang kamay ko.


"kainis, bat ba kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" Bulyaw nito dahilan para magkatinginan ang mga taong nasa hallway, napa singhap nalang ako at napangisi, dagdag na naman ba to sa ichichismis nila tungkol sakin.


"Nag sorry na ako miss, alam kong mali ang nagawa ko kaya nga tinutulungan kitang tumayo e. Sorry okay." Saad ko sa mahinahon na boses. Tila natigilan ito sa sinabi ko kaya napaangat ito nang tingin, hanggang sa unti unting nanlaki ang mga mata nito.


tss. Alam ko na, matatakot siya sakin kasi isa akong basagulerong player ng shohoku, tsk. Dapat masanay na ako sa mga pang huhusga nila pero bakit ang sakit sa puso.


The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now