chapter 147

97 13 9
                                    

(a/n: ilang chapter nalang po ang gagawin ko e'end ko na po ito. Maraming salamat po sa mga suporta niyo sa sunod na bagong story ulit po)

****

Continuation...

             Nasa loob palang ng sasakyan si sakuragi patungo sa bahay ni aki nakaramdam na siya ng hindi maganda, pumasok ang sasakyan nila sa mismong village kung saan nakatira ang nobya at mommy nito. Pinagmasdan ni sakuragi ang biniling small red box galing mula sa kanyang ipon dahil sa kanyang pagtatrabaho. Hindi na rin niya nakasama pa si hajime, sokomo, jun at sachi sa kanyang trabaho. Nabalitaan nalang ni sakuragi na umalis na ang mga ito.

"Sir, nandito na ho tayo." Pagbibigay alam na saad ni lee kay sakuragi, tumango si sakuragi bago iniligay ang maliit na kahon sa kanyang bulsa.

Bumaba na siya sa sasakyan at malaking ngiting pinindot  ang doorbell na nandoon, ilang minuto pa'y ang mukha ni rukawa ang nakita niya nakasimangot ito dahil mukhang expected nito ang pag dating niya. Ang dala naman ni sakuragi na pasalubong kay aki at akira ay ibinigay niya kay rukawa. Nagulat pa ito ng ibigay sakanya ito ni sakuragi, tatawa tawa itong naglakad papasok.

"Gago ka! Ginawa mo pa akong tagabitbit nitong regalo mo." Angal ni rukawa kay sakuragi

"Susss,meron ka rin naman dyan. Ikaw pa ba makakalimutan ko." Ngising saad ni sakuragi na tinignan pa si rukawa ng may pang aasar.

Ngumiwi si rukawa na parang nandidiri sa inaasta ni sakuragi ngayon sakanya.

"Ulol, mandiri ka nga. Di ko naman sinabi sayong bilhan mo ako ng pasalubong." Laban na sabi ni rukawa, huminto si sakuragi sa paglalakad at blangkong tinignan si rukawa. Napaatras naman si rukawa ng makita nitong masama siyang tinignan nj sakuragi.

"Ayaw mo?" Malamig ang tono ng boses na tanong ni sakuragi pabalik.

"Tsk! GUSTO.." tumango si sakuragi bago tumango.

"Mabuti, gusto mo pa nang sinusuyo ka e. Tatanggapin mo naman pala." Pang aasar ni sakuragi

"Buset ka!" Singhal ni rukawa

Pagkapasok ni rukawa sa loob ng bahay, nasa labas parin si sakuragi na naghihintay sa pag dating ni aki at akira. Nakita siya ni rukawa at tinignan siya ng nagtataka.

"Bakit di ka pa pumapasok?" Takang tanong ni rukawa

"Hindi dapat ako basta basta pumapasok ng walang pahintulot ni aki at mommy niya." Rason na sagot ni sakuragi.

"Ang arte mo! Bahala ka dyan maghintay." Gatol ni rukawa at chill na naupo sa single sofa. Hawak na nito ang dala ni sakuragi para sakanya.

Naiiling na tinignan lamang siya ni sakuragi na prenteng nakaupo doon habang nilalantakan ang pagkaing dala niya.

"Mabulunan ka sana!" Bulong na saad ni sakuragi, bigla namang naubo si rukawa na kinatawa ni sakuragi.

"Deserve!" Anas ni sakuragi sa kaibigan na nauubo parin. Dumating naman si aki at akira na kakababa lang ng hagdanan.

"Sakuragi!" Tiling saad ni aki, agad naman siyang inilalayan ni sakuragi ng bigla itong madapa

"Aki!? Bakit naman kailangan mo pang tumakbo?" Singhal ni sakuragi, nagulat si aki at ang dalawa pa nilang kasama sa ginawa ni sakuragi.

"Paano kung nadapa ka at nasaktan ka, paano si baby?" Patuloy paring pag sasalitang ani sakuragi.

Yumuko naman si aki bago tumango..

"Sorry na, namiss lang naman kita e." Bulong na saad nito. "Dalawang linggo ka ba namang hindi nakita e." Dagdag pa nito na ikinabuntong hininga ni sakuragi.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now