chapter 108

102 11 5
                                    


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted


Chapter 108:


Continuation...

*****


Nakauwi na si aki at ang ama nito sa tinitirahan nila, hindi parin maampat ang luha sa mga mata ni aki kahit na anong gawin nitong pag punas sa kanyang pisngi. Nakita iyon ng ama kaya agad niyang nilapitan si aki para sana yakapin subalit galit lamang iwinaksi ni aki ito palayo.


"Galit ako sayo daddy, galit na galit ako sayo.." biglang saad ni aki na hustong kinagulat at kinakirot ng puso ni kotaro, ito kasi ang kauna unahang beses na sinabihan siya ng anak kung gaano ito kagalit sakanya.


Nakita ni aki ang pag daan ng kirot sa mga mata nito ngunit mas pinag tibay niya ang kanyang paniniwalang prinsipyo. Aakyat na sana siya nang pigilan siya ng kanyang ama sa braso.


"Anak mag usap muna tayo kahit saglit lang." Pakiusap ni kotaro subalit sarado ang isipan ni aki para pag bigyan ang ama sa gusto nitong pakiusap.


"Gusto ko na pong mag pahinga, hindi po ako kakain dahil busog pa po ako." Anas ni aki dahil magtatanghali na rin ng mga oras na iyon.


"Bakit bigla kang nagkaganyan aki? Hindi ka naman ganyan dati e, lagi mo akong sinusunod sa mga gusto ko." Natigil sa paglalakad si aki at hinarap ang ama ng hindi makapaniwalang tingin


"Dad? Talaga po bang kailangang itanong pa ang bagay na iyon kung alam niyo naman po kung ano ang dahilan ko." Sarcastic na saad ni aki sa ama, ngunit hindi nagustuhan ni kotaro ang sinabi ng anak


"Napapansin ko na lagi mo nalang akong sinasagot sagot ah? Dahil ba dyan sa sakuragi na yan ay natuto ka na ring maging bastos." Naiiyak na napailing si aki sa frustration dahil sa ama. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit sa twing nakakagawa siya ng bagay na ikinagugulat nito, agad siyang nanininisi ng tao.



"Dad, ano ba? Si sakuragi na lang ba palagi ang nakikita niyo? Wala na ba akong karapatan mag salita ng sarili ko? Sinasabi ko ito dahil sumusobra na kayo daddy, opo alam kung mahal niyo ako at Mahal ko rin po kayo, pero sana maramdaman niyo rin ang nararamdaman ko." Nanginginig ang boses na saad ni aki


"Inintindi ko naman ang nararamdaman mo ah! Kaya nga kita inilayo sakanya kasi sinasaktan ka lang niya at ayaw ko makitang umiiyak ng dahil lang sakanya." Sagot ng ama na pagak na kinatawa ni aki


"Daddy, parang ni minsan di niyo naranasang mainlove ah! Bakit po? Kapag ba nasaktan po kayo ng taong Mahal niyo? Agad niyo po bang iiwan kasi ayaw niyong mas masaktan pa? Daddy, hindi po ganon ang pagmamahal na itinuro niyo sakin dati." Pagqu'question ni aki sa ama habang nakakunot noo.


"Iba ang naranasan ko sa sitwasyon mo anak, oo nasaktan ako dati pero kaya ko iyon ihandle dahil lalaki ako." Sagot pabalik ng ama nito


"Daddy, kung kaya mo, kaya ko rin naman ihandle yan. Hindi ako mahina kagaya ng iniisip mo. Kaya sana kung ano man ang nararamdaman ng isang tao wag niyo pong tignan sa kung anong panlabas nila dahil iyong taong minamaliit niyo, nagsusumikap po para lang matanggap niyo. Dad, si sakuragi Mahal na Mahal po ako non, na handa siyang isakripisyo ang relasyon namin alang alang sa nararamdaman niyo, kagabi po.. nag usap kami at ang nakakatuwa pa po doon, kahit na humadlang kayo sa amin mas pinanigan niya parin po kayo kasi naiintindihan niya rin kung ano ang gusto niyo para sakin." Mahabang lintanyang saad ni aki na nakapag patahimik kay kotaro, tila may malalim itong iniisip kaya hindi nakaimik ng ilang minuto.


"Alam ko hindi mababago ng mga salita ko ang katotohanang mas pinipili niyo parin kung ano sa tingin niyo ang mahalaga para sakin. Sige dad, kung saan ka po masaya gagawin ko nalang, tutal kahit anong gawin ko talo pa rin naman ako.." anas ni aki bago umalis at umakyat na upang tumungo sa kwarto nito para magpahinga.


Nang mapag isa si kotaro doon lamang ito seryosong tumingin sa anak na nakaakyat na bago nag salita.


"Alam ko na magagalit ka sa gagawin ko, ngunit buo na ang desisyon ko anak.. ilalayo kita kung iyon ang makakabuti para sayo." Anas nito sa sarili bago kinuha ang cellphone sa bulsa nito at may tinawagan


"Hello? Ready na ba iyong pinakiusap ko sayo na plane ticket?... Oo, dalawa kami ng anak ko... Sa sunod pa na araw? ... Oo, Sige okay na yan... Okay, salamat pare." Anas ni kotaro sa kausap mula sa kabilang linya na kaibigan nito.


"Marahil nakarating na siya dito ngayon, mas mabuti sana kung mapapaaga ang alis namin ng anak ko." Anas muli ni kotaro sa kanyang sarili


Sa kabilang dako naman kung saan kakauwi palang ni rukawa, agad siyang pumasok sa gate nila at dumeretso na agad sa pintuan. Hindi pa siya tuluyang nakakapasok ng marinig niya ang matinis na tili sa loob ng bahay.


"Oh my God, ang gwapo naman ng anak ko." Anas ni tita mommy Niya, ang pangalawang asawa ng kanyang ama. Napaka sweet nito at mabait.


"Tita mommy, mabuti naman po at nakauwi na rin po kayo. Sobrang namiss po kita at ni daddy." Sabi ni rukawa na kinangiti ito ng sobra.


"Sobrang namiss ko rin kayo, ilang buwan din akong nawala." Anas nito, maya maya pa ay tila lumingon lingo ito na parang may hinahanap.


"Si aki ba ang hinahanap mo Mahal?" Tanong ng tatay ni rukawa


"Oo, nandito ba siya?" Tanong ng tita mommy Niya


"Bakit tita mommy?" Takang tanong ni rukawa


"Anak.. pasensya na ha? Alam ko wala ako sa posisyon para sabihin iyon sayo nitong nakaraan dahil iyon ang gusto ng tita Mommy mo. Pero ngayong nandyan na siya, Pwede mo na siyang tanungin tungkol sa bagay na iyan." Anas ng tatay ni rukawa na naiintindihan naman niya.


Hinila siya ng kanyang tita mommy paupo bago hinawakan sa kamay, may malungkot itong ngiti habang nakatingin sakanya.


"Anak, Diba? Nasabi ko naman noon sayo na may isa pa akong anak Diba?" Hesitant na napatango si rukawa dahil hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa nitong sabihin iyon bigla.


"Opo." Sagot Niya


"Babae ang anak ko, rukawa.. si aki, si aki ang anak ko na matagal ko nang hinahanap." Napanganga si rukawa sa narinig kasabay ng malakas na pagkalabog ng puso niya sa kaba.


"You mean tita mommy, si aki na anak ni coach kotaro po?" Automatic na nagdilim ang mukha nito ng marinig ang pangalan ni kotaro.


"Oo, siya nga.. marahil marami na itong nasabi sa anak ko kaya baka pagnagkita kami ay kamuhian ako ni aki.. kilala ko si kotaro, napaka manipulated nito na maski ako nga nagawa niyang manipulahin, natatakot ako para sa anak ko kaya ako gumawa ng paraan para mas lumakas, salamat sa daddy mo at tinulungan niya ako." Anas nito kay rukawa na hindi parin talaga makapaniwala sa rebelasyong narinig

"Kaya anak, sorry kung di ko nasabi sayo nung una palang, nag hahanap pa ako ng tyempo para sabihin iyon." Dagdag na anas nito.. maya maya pa ay naiyak ito kaya nataranta ang dalawa. "Baka sinabi ni kotaro sa anak ko na patay na ako.. sa sobrang galit non sakin ay baka ganon ang ginawa niya talaga." Umiiyak na sabi nito, pinatahan naman siya ng papa ni rukawa habang malalim na napaisip si rukawa.




'kaya pala ganon nalang ang pagbabago ni coach, marahil ay alam nitong mang yayari ang bagay na ito kaya siya gumawa ng ganitong desisyon.' anas sa isipan ni rukawa

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant