chapter 107

90 11 2
                                    


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted

Chapter 107:

*****

Continuation... :>

Nang tuluyan ng makaalis si aki at ang ama nito ay siya namang paglapit ni rukawa kay sakuragi para tulungan ito, hawak hawak parin kasi ito ng mga police.

"Mga sir, okay na po. Bitaw niyo na po siya, hindi naman po siya masamang tao, maling accusations lang ang ipinaparatang ni coach sakanya.." saad ni rukawa na may mababang tono ng pananalita. Iyak parin kasi ng iyak si sakuragi at nahihirapan si rukawa sa nakikita niya para dito.

"Bakit ba kasi humantong sa ganito? Wala naman palang ginawang masama bakit pa tayo tinawag?" Bulalas ni pulis 1 na naiiling sa naging sitwasyon nila.

"Pasensya na po talaga sir, malaki lang po talaga galit ni coach sa kaibigan ko dahil iyong anak nito ay Mahal ang kaibigan ko." Hindi dapat ikekwento ni rukawa dahil sobrang pribado na non pero di niya maiwasang magbigay simpatya sa kaibigan.

"Iwan ko sainyo, dyan na nga kayo." Anas ng pulis bago naglakad paalis.

"Ano iyon? Parang di mga pulis kung umasta." Naiiling na saad ni rukawa na kunot noong pinagmasdan ang dalawang lalaki na papalayo.

"Sundan natin siya, di ako makapapayag na umalis nalang siya at iiwan ako. Sobrang sakit na.." iyak na saad ni sakuragi na napaupo pa sa sahig

"Tsk, gunggong intindihin mo naman naging desisyon ni aki sa sitwasyon niyo, inipit kayong parihas ni coach sa sitwasyong di niyo matakasan. Kaya nag sakrispisyo si aki para sa kapakanan mo." Anas ni rukawa na pilit hinihila si sakuragi patayo subalit nagmamatigas lamang ito.

"Wala naman akong ginagawang masama Diba? Minahal ko lang ang anak niya, nagkamali ako 'oo, at itinatama ko na iyon." Humihikbing paliwanag ni sakuragi, bumuntong hininga si rukawa bago nailing.

"Edi patunayan mo kay coach na mali siya ng itinaboy, alam mo imbes na magsenti ka dyan, gumawa ka ng paraan para maging maayos ang buhay mo." Tila nabuksan ang isip ni sakuragi ng maalala niya ang mga napag usapan nila ni aki kagabi.

Bagamat di parin maimpat sa pag agos ng luha sa mata ni sakuragi, sinubukan niyang tumayo kahit na nanlalambot parin ang mga tuhod niya.

"Kung alam ko lang na huling beses ko na siyang makakasama kagabi, Sana hindi na lamang ako natulog." Puno ng pag sisising saad ni sakuragi

"Tama na nga yan, magpakatatag ka para sainyong dalawa, dahil mukhang kahit si aki nahihirapan din sa sitwasyon niyong dalawa dahil sa ama niya." Pagpapaintinding anas pa ni rukawa bago tinapik sa likod si sakuragi.

Pilit paring inaalalayan ni rukawa si sakuragi kahit na nakatayo naman na ito, iyak parin kasi ito ng iyak, hanggang sa makita nilang tumaktakbong lumapit ang apat na kaibigan ni sakuragi na sila mito.


"What the hell? Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni mito na dinaluhan agad si sakuragi at hinawakan sa balikat.


"Nakita namin si aki na may kasamang matanda, nagtataka lang kami dahil umiiyak siya ng makita namin siya." Saad ni takamiya na pinagmasdan si sakuragi sa sitwasyon nito ngayon.

"Ama ni aki ang nakita niyong kasama niya, nakapang abot sila dito dahil nalaman ni coach kotaro na dito natulog si aki kagabi imbes na sa bahay namin." Nagulat ang apat sa narinig


"Kaya pala, pero bakit siya umiiyak ng ganyan?" Takang tanong ni ohkusu

"Nang makita kasi sila ni coach kotaro may dala ng pulis ito para ikulong, ang sabi nito kinidnap nito si aki na hindi naman talaga totoo, si aki ang pumunta sa bahay ni sakuragi dahil gustong makasama ni aki si sakuragi. Obvious naman." Pasarcastic na saad ni rukawa na halos lahat nangyari ay detilyado niya ang bawat eksenang nangyari.


"The hell? Grabe naman pala iyang tatay ni aki, akala ko pa naman okay siya para kay sakuragi, hindi pala." Anas ni mito na naiiling at punong puno ng disappointment na nakabalatay sa mukha nito.


"Mukhang may kulang sa mga sinabi mo? Sobrang iyak naman ng isang to, baka may iba pang dahilan? Kilala ko itong si sakuragi, hindi ito basta iiyak lang kapag sinabi sa kanyang ikukulong siya, baka nga mabukulan pa ang pulis bago siya mahuli." Pagbibirong saad ni takamiya na sinadya talagang mag biro ngunit hindi nito nakuha ang kiliti ng mga ito.

"Balak ni coach kotaro na isama si aki sa canada kapalit ng kalayaan ni sakuragi, hindi siya ikukulong kapalit ng pagpayag ni aki na sasama siya paalis." Muling naiyak si sakuragi ng marinig ang mga katagang iyon. Nailing naman si rukawa.

"So, anong plano?" Tanong ni mito na seryosong tinignan si sakuragi, dito niya kasi itinuon ang kanyang tanong.

Ngunit wala siyang natanggap na sagot dito instead ay unti unti itong natahimik habang nakayuko ang ulo, wala na rin ang mga hikbi nito kaya mas kinabahan sila sa biglaang pag babago ng mood nito.

"Makikiusap ako kay coach na wag na umalis, magpapakulong nalang ako--." Hindi na natuloy ni sakuragi ang sinasabi niya ng sabay siyang sinuntok ni rukawa at mito dahilan para mapaupo ito sa semento. Galit na napatingin si sakuragi sa dalawa at anytime ay parang susugod din ito at gaganti sa ginawa sa kanya.


"Tangna, anong problema niyo?" Galit na sigaw ni sakuragi na tumayo mula sa pagkakaupo, hinawakan niya ang dalawang pangang nasuntok ng dalawa.

"Mukhang kailangan mo ang mga yan ng magising ka naman, tangina pre.. hindi ko akalain na mas dodoble pa pala pagiging tanga mo, akalain mong nagsakripisyo na nga iyong isa para sayo tapos ikaw magpapakatanga bigla. Nakuu!" Naistress bigla si rukawa ng sabihin nito iyon kay sakuragi na nakakunot noo parin habang seryosong nakatingin kay rukawa.

"Tama siya hanamichi, hindi magiging maganda ang gagawin mong desisyon kung pupunta ka doon, sa tingin mo ba? Kapag ipinalit mong mapunta sa kulungan, hindi parin ilalayo ng tatay ni aki si aki? Diba mas lalo mo lang siyang hindi nakita." Pagpapaintinding saad ni mito na sinang ayunan ng lahat.

"Tumpak, buti pa kaibigan mo may utak. Ikaw, ayy nevermind. Wala ka pala non." Pang iinis na saad ni rukawa kay sakuragi na sinamaan siya nang tingin pabalik pero inirapan lang siya ni rukawa.

"Anong gagawin ko? Aalis parin naman siya kahit na hindi ako nakulong, hindi ko parin naman siya makikita.." puno ng frustration na saad ni sakuragi


"Haynaku! Poor mindset talaga,.. makinig ka ha? Intindihin mong mabuti ang sasabihin ko at nanggigigil na ako sayo." Anas ni rukawa at hinarap ng seryoso si sakuragi.    "Hindi mo ba napansin nung pumayag si aki sa tatay niya na samama siya sa ama niya kapalit ng kalayaan mo, hindi mo ba nakitang punong puno ng pag asa ang mga mata niya na magagawa mong maging matatag kahit wala siya sa tabi mo. Diba? Nag usap naman kayo kagabi? Kung ano man ang mga pinag usapan niyo, isipin mo kung ano iyon at kung bakit ganon nalang kalaki ang kompyansa sa mga mata ni aki na magtatagumpay ka sa gagawin mo." Tila natigilan si sakuragi sa mga binitawang salita ni sakuragi, nandoon ang pangungumbinsi sa mga salita nito na mukhang nakuha naman niya ang ibig sabihin nito.


Nang dahil din sa mga salitang iyon, sumagi sa kanyang isipan ang mga sinabi niya kay aki na gagawin niya ang lahat para maging worth it sa kanya at matanggap siya ng ama nito. Doon palang ay unti unti ng nilalamon ng kahihiyan si sakuragi dahil sa mga sinabi niya kanina.

Napahawak ito sa ulo na parang hindi makapaniwala sa nasaksihan sa sariling katangahan.


Nagkatinginan ang mga kaibigan ni sakuragi sa isa't isa at pagkaraan ay ngumisi, mukhang alam na nila kung bakit ito nagkaganyan bigla. Mukha kasing narealize na nito ang gusto nilang iparating dito.

"Tsk! Ang tangkad tangkad mo, utak gunggong ka naman." Pang aasar parin ni rukawa bago natawa at ang apat pa na kasama nilang sila mito.

"Tssk! Manahimik ka.." singhal ni sakuragi bago tinignan ng masama si rukawa.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now