chapter 8

386 38 18
                                    

           ꧁AilaMae345 hay bebe, thank you sa long message mo. Hehe, nainspired ako.. thank you rin sa  suporta guys.꧂

★★★★★★★

GAYA nga ng inaasahan puros panlalait na naman ang natatanggap ni sakuragi mula sa mga taong nakapaligid sakanya. Hindi man halata kay sakuragi na nasasaktan siya pero alam ni aki at nang mga taong kilala siya na nasasaktan ang kaloob looban nito.


23-25 ang score tapos na ang first half at second half na ang susunod, sa second half kailangan na namang eendure ni sakuragi ang pisikalang ginagawa sakanya ni mitsui,  mga salitang binabato sakanya ng mga tao na wala namang katotohanan. Imbes na magreklamo ay hindi niya nalang pinansin  ang mga sinasabi nila at ang ginagawa ni mitsui sakanya.



Sa kabilang dako naman kung saan hindi na rin maipinta ang mukha ni rukawa dahil sa naririnig, mga salitang ang sakit sakit pakinggan na tiyak si rukawa na sobrang masasaktan si sakuragi. Hindi man makita sa itsura ni sakuragi na nasasaktan ito pero awang awa na si rukawa para sa kateammates niya.


"manahimik kayo, kung ayaw niyong ako mismo ang magpalabas sainyo." Walang emosyong saad ni rukawa sa mga taong hindi matigil sa pag uusap tungkol kay sakuragi.

Natahimik ang mga taong nakarinig sa sinabi ni rukawa, nakita iyon ni mitsui kaya nilapitan siya nito para akbayan ngunit inalis naman ito ni rukawa na kinagulat naman ni mitsui.


"Rukawa, hayaan mo na ang mga tao na mag usap tungkol kay sakuragi, totoo naman kasi na wala siyang kwent--." inis na humarap si rukawa sakanya dahilan upang matahimik sa pag sasalita si mitsui.


"Ikinakatuwa mo pa na walang kwenta si sakuragi, imbes na kampihan mo siya at pagsabihan ang mga taong nasa paligid na tumigil na, ikaw naman itong sobrang saya pa. Kailan ka pa naging ganyan kasama mitsui?" Saad ni rukawa na siyang sobrang kinagulat ni mitsui. Tila nakaramdam din siya ng kahihiyan dahil sa lakas ng impact ng salita non sakanya.

aalis na sana si rukawa upang makaiwas sa mga tao ng may maalala siya...

"Atsaka wag mong sabihin sa isang tao na wala siyang kwenta, dahil sa oras na matauhan sila iyang pagiging mataas mo ngayon sa taong nilait mo ang siyang dudurog din sayo." makahulugang saad ni rukawa bago iniwan doon si mitsui na tinatawanan ng mga taong nakarinig sa sinabi ni rukawa.

napatiim bagang naman si mitsui  dahil sa kahihiyan na natamo niya ngayong araw at dahil sa inis ay muli siyang napatingin kay sakuragi.

'kasalanan mo ito eh? Kung hindi ka nalang sana bumalik, magiging maayos pa kaming lahat.' Galit na galit na saad ni mitsui sa sarili

muling nag simula ang laban, hawak ng team mitsui ang bola ang kaninang binabantayan ni sakuragi na si mitsui ay napunta na kay rukawa. Nagulat din si mitsui dahil sa ginawa ni rukawa na biglaang pagpalit ng dedepensahan. Ang binabantayan na ngayon ni sakuragi ay si shin, kasing tangkad rin ito ni rukawa at kasing katawan din.

"Sakuragi? Pasensya na sa mga kateammates natin ah? Hindi ko rin alam kong bakit naging ganyan sila bigla.. alam kong baguhan ako pero naka isang buwan mahigit na ako sa shohoku kaya kahit papano kilala ko na ugali nila." Hindi nakaimik si sakuragi sa sinabi ni shin

"Hayaan mo nalang sila, kung saan sila mas komportable edi pagbigyan natin sila mag usap usap ng masasama tungkol sakin." Saad ni sakuragi na kinamangha naman ni shin, hindi nito akalain na ganito pala mag isip ang isang hanamichi sakuragi.

nang mapunta sa direksyon nila ang bola agad na binantayan ni sakuragi si shin, samantalang si shin ay automatic nawala ang pagiging madaldal at napalitan ng pagiging seryoso.


The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now