chapter 128

97 13 6
                                    


*****continuation of flashback/s*****

"Sir, nakahanda na po ang sasakyan." Bungad na sabi ni butler lee ng pumasok ito mula sa main door ng mansyon.

Nagkatinginan si rukawa at ang kasamahan nito bago sinilip ang sasakyang tinutukoy ni butler lee, at ganon nalang ang pag awang ng kanilang labi ng makitang limousine ang sasakyang gagamitin nila patungong kanagawa.


"Shit pre, ang angas ng sasakyan. Ang haba." Bulalas ni takamiya na hindi mapakali sa kakasilip, narinig ni don fermin ang sinabi nito kaya bahagya itong natawa.


"Mas maganda rin sa loob ng sasakyan, kaya sige na.. pumasok na kayo sa loob." Saad nito kila mito, medyo nag alangan naman si rukawa dahil sa pakiramdam na nahihiya siya.


"Iho, ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ni don fermin kay rukawa ng tumingin ito sa gawi niya ng nakakunot ang noo.


"Kaede rukawa ho, isa rin po ako sa mga kaibigan ni sakuragi. At ako rin po ang kapatid ng kasintahan ni sakuragi." Pag amin ni rukawa, napatango ang lolo ni sakuragi.


"Ayos lang ba sayo kung ikwento mo kung paano nagkakilala ang apo ko at ang kapatid mo?" Tanong ni don fermin kay rukawa, nahinto ng ilang segundo si rukawa bago kiming tumango sa pakiusap nito.


"Sige, simulan mo na ang pagkekwento. Mahaba haba rin ang byahe natin kaya hindi ako mabobored habang nasa byahe." Saad ng lolo ni sakuragi


"Si sakuragi po, nag aaral siya sa shohoku high dati, myembro din ng basketball team, nag kakilala po sila ni aki 'nung itakwil po si sakuragi sa shohoku at maliitin ng kapwa nito manlalaro. Si aki, iyong kapatid ko, sa okaido siya nag aaral, inofferan niya si sakuragi na doon na mag patuloy ng pag aaral at tutulungan maging mas magaling na manlalaro sa buong japan. Nung una po, sobrang saya pa nila dahil mahal na mahal nila ang isa't isa, Pero dahil sa tatay ni aki, nagkaproblema ang relasyon nila. Ayaw ni tito kotaro kay sakuragi para kay aki dahil wala raw itong magandang maidudulot sa anak niya. Hanggang sa mapunta po sa puntong ito, na nakulong si sakuragi dahil tumakas si aki kasama ang nanay niya. Ang kapalit non para makita si aki'ng muli, gagamitin nila si sakuragi para lumabas si aki." Kwento ni rukawa, imbes na matuwa ang lolo ni sakuragi sa naging kwento ni rukawa ay mas dumilim pa ang anyo ng mukha nito.


Napapansin na iyon ng apat na nasa likod ni rukawa, gusto na nilang pigilan sa pagkekwento si rukawa pero hindi ito maawat dahil seryoso lamang itong nakatingin sa lolo ni sakuragi.


"Gaano ba kayaman ang kotaro na iyon at kailangan pang umabot sa ganito ang lahat?" Nawala ang kalmadong boses ni don fermin ng itanong iyon kay rukawa, nakatingin na ito ng matiim habang inaabangan ang sasabihin ni rukawa.



"Ang alam ko lang ho, may business sila pero hindi ko po alam kung ano." Sagot ni rukawa


"Anong apelyido ng kotaro na yon?" Muling tanong ni don fermin sa malamig na tono.



"Hayashi kotaro." Sagot ni rukawa


Hindi maintindihan ng apat kung bakit walang takot na sinasagot ni rukawa ang lahat ng tanong ni don fermin sakanya. Bat parang mas natutuwa pa itong nakikitang galit galit habang sinasabi ang lahat ng nalalaman niya.


"Sir, Pwede bang magtanong? Magiging straight forward na po ako ha?" Saad ni rukawa, napatingin ng may gulat ang apat sakanya.


"H-hehe, rukawa pre! May drinks dito, baka gusto mo?" Alok ni takamiya na may kiming ngiti.


Hindi siya pinansin ni rukawa, nakatingin lamang ito kay Don fermin na mukhang nag eenjoy sa pinapakita ni rukawa sakanya.


"Sige. Ano ba iyon?" Tanong na balik ni don fermin


"Bakit ipinapakwento niyo pa po sakin lahat ng bagay na iyan? Kung gayo'y alam niyo naman na po ang lahat ng iyan?" Napanganga si ang tatlo samantalang si mito ay hindi maipaliwanag ang paghanga kay rukawa dahil nagawa nitong makipag titigan sa lolo ni sakuragi.


"Dahil gusto kong malaman kung may nag sasabi ba sakin ng totoo. Mag mula ng malaman ko ang mga nangyayari sa apo ko matapos siyang irehab, hindi ko na siya nilubayan.. sa tulong na rin ni mito na pinakiusapan ko na magsabi sakin ng kung ano, tungkol sa apo ko, naging madali iyon para sakin." Saad ni don fermin


"Ibig niyo pong sabihin, alam niyo ang nangyayari kay sakuragi sa tulong ni mito?" Paniniguradong tanong ni rukawa, hindi sumagot si don fermin sa kanya bagkus ay ngumisi lamang ito.


"Ang apo ko, lumaki siyang naging malakas kahit na parihas ng nawala ang kanyang mga magulang. Huli ko mang nasaksihan ang paglaki niya, sa pagkakataong ito babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko bilang lolo niya." May bahid na kalungkutan ang tono ng pananalita ni don fermin kahit na kasalungat ng expression nito ay galit.



"Paano niyo po sasabihin kay sakuragi na lolo ka po niya? Baka magalit lamang ho iyon sainyo." Saad ni noma


"Inaasahan ko na mangyayari yan, sa tinagal ba naman ng taon na hindi ko siya nakasama, baka nga mas nasanay na ang apo ko na mag isa na lamang." Saad ni don fermin


"Sir, matagal na po naming nakasama si sakuragi, kahit na minsan po'y napakamainitin ng ulo non. May mabuti parin po iyong kalooban, mas lalo na po kung maayos niyo pong sasabihin sakanya ang naging dahilan niyo mula sa simula." Pagsingit ni mito, tipid lamang ang ngiti ni don fermin.


"Sana nga maintindihan ako ng apo ko bago mahuli ang lahat. Hindi na ako bumabata, gusto ko bago ako mawala maibigay ko ang lahat ng ari arian ko sa apo ko. At bilang pasasalamat na rin sainyo sa pagiging totoong kaibigan niyo sakanya, gagantimpalaan ko rin kayo." Saad ni don fermin



"Sir, bukal po sa loob namin ang tulungan si sakuragi kahit wala na pong kapalit." Anas ni mito


"Sira ka pre, gagantimpalaan na nga tayo tatanggihan mo pa." Singhal ni ohkusu, natawa naman ang lolo ni sakuragi sa sinaad nito.

"Manahimik ka nga ohkusu, hindi kana nahiya." Asik ni takamiya.. "pero kung talagang ipipilit niyo po na magkaroon kami ng gantimpala sir, tatanggapin po namin." Ngising saad muli ni takamiya, napahilamos na lamang ng palad sa mukha si mito dahil sa kahihiyan sa mga kaibigan.



"HAHAHHAHAHA! kayong mga bata talaga kayo, wag kayong mag alala, kahit ayawan niyo pa ang ibibigay ko, sainyo parin iyon at hindi ako tumatanggap ng 'hinding sagot'." Pangising saad ni don fermin


Maya maya pa'y natahimik ang lahat ng tumunog ang cellphone ni don fermin.. naging instant malamig na naman ang aura nito.


"Yes attorney? Papunta na kami... Ikaw na ang bahala sa apo ko, make sure na pagdating ko ay malaya na ang apo ko." Saad ni don fermin sa kausap mula sa kabilang linya.


"Okay Sige! Ako na ang bahala sa mga umapi sa apo ko." Nangilabutan ang lima sa narinig dahil sa sinabi ni don fermin.


"Sige.." huling sinabi nito bago pinatay ang tawag


The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now