chapter 126

111 13 5
                                    


*****Continuation of flashback/s*****

____

Nang makarating sila mito mula sa babaan ng ōsaka train station, agad silang tumungo sa sakayan ng bus.. nang makasakay silang lahat, hindi naman maiwasan ni rukawa na hindi mapatingin sa gawi ni mito na nasa unahan nila ngayon, may pagtataka sila kung bakit alam na alam nito kung saan ang pupuntahan nila, unless.. noon pa  kinakausap ni mito iyong taong iyon. Tsaka kilalang kilala  na ba talaga nito ng lubusan ang tinutukoy nitong balak tumulong kay sakuragi. Mukha kasing tiwalang tiwala ito.


Umatras si rukawa mula sa pagkakatayo sa loob ng bus dahil punuan na, hanggang sa magpantay sila ni takamiya, napatingin sakanya si takamiya.


"Nahihiwagaan ka rin ba sa ikinikilos ni mito kaya ka nandito ngayon sa harap ko para mag tanong?" Bulong na tanong ni takamiya, tumango si rukawa dito.


"Hindi ko rin alam kung bakit siguradong sigurado si mito sa pupuntahan niyang tao na makakatulong kay sakuragi. Eh ni minsan di pa namin iyon nakitang tatlo e." Saad ni takamiya na pabulong


"Ibig mong sabihin, ngayon araw niyo lang mismo makikita iyong taong tinutukoy niya?" Tanong ni rukawa kay takamiya pabalik, tumango si takamiya kay rukawa


"Pero ang sabi naman samin ni mito, kilala rin daw iyon ni sakuragi dahil noon pa naman ay may balak na itong ampunin si sakuragi.." sagot ni takamiya


"Sa tingin mo? Matutulungan parin kaya niya si sakuragi, sabi mo noon pa nito balak na ampunin si sakuragi pero mukhang tinanggihan naman ni sakuragi. Eh paano kung pumunta lang pala tayo sa wala?" Saad ni rukawa na mukhang narinig ni mito ang usapan nilang dalawa.



"Nakita niyo narin takamiya iyong tinutukoy ko na mag aampon kay sakuragi, noon pa iyon nung first year high school pa tayo ni sakuragi." Saad ni mito na nakapag pakunot noo kay takamiya


"Sino?" Takang tanong ni noma


"Malalaman niyo mamaya, tutal malapit na rin naman tayong bumaba. Tsaka, sinabi ko na rin naman sainyo na iyong mismong matanda ang may gustong malaman kung ano ba ang nangyayari kay sakuragi sa buhay niya. Taga balita lang ako para makuntento at hindi na mag alala." Ngising saad ni mito



"Hindi kaya? May gusto iyon kay sakuragi kaya ganon nalang ang pagpupursige nitong maampon si sakuragi na pati hanggang ngayon ay consistent ito sa pamamalita." Saad ni ohkusu, ngumiwi si takamiya samantalang tawang tawa naman si mito sa sinabi ng kaibigan.



"Siraulo, imposible iyang sinasabi mo dahil lolo iyon ni sakuragi. HAHAHA!" tawang tawa paring saad ni mito, kasabay ng pag hinto ng kanilang sinasakyan na bus ay bumaba na rin sila dahil malapit na sila sa village, kung saan mismo nakatira ang lolo nito.


"LOLO!?!" Sigaw ng tatlo dahil sa pagkagulat sa sinabi ni mito


"Oo, lolo. Lolo iyon ni sakuragi, tatay iyon ng tatay ni sakuragi.. hindi niyo ba napapansin mga patagong picture sa bahay ni sakuragi noon. Pilit itinatago ni tito kasi ayaw ipaalam ni tito kay sakuragi na may iba pa silang kamag anak." Paglalahad ni mito, kunot noo parin ang tatlo habang may malalim na iniisip. Pinipilit kasi nilang isipin iyong sinasabi ni mito na pictures e.



"Ayy putek! Iyon ba iyong nasa labas ng bakuran nila? May mga nakatipon kasing mga envelope doon, mukhang balak sunugin ni tito kaya kinuha ko para ipag paalam sana kung sinadya bang itapon." Tumango si mito habang nakangiti sa sinabi ni takamiya.



"Mismo, nadali mo rin ang sinasabi ko." Saad ni mito


"Teka, may tanong ako? Bakit ayaw ipaalam ng tatay ni sakuragi na ay kamag anak pa sila?" Takang tanong ni rukawa, napag hahaataang sobrang nacu'curious na sa pamilya ni sakuragi.


"Kwento kasi sakin ni lolo fermin, nagkagulo raw ang pamilya nila dahil mas pinili ni tito nejie si tita carmen kesa sa pamilya nila, kaya itinakwil sila ni lolo fermin. Mahal na Mahal kasi ni  tito si tita na kahit magkaaway ang magkabilang angkan, mas ipinag laban ni tito at tita ang pag mamahalan nila sa isa't isa at mas piniling maging ordinaryong mamamayan." Pagkwento ni mito kay rukawa, napatango tango naman ang tatlo


"Pambihira, so ibig sabihin mayaman pala talaga si sakuragi noon pa.. pero dahil mas pinili ni tito at tita na lumayo ay naging mahirap sila para sa kapakanan din ni sakuragi." Saad ni takamiya, tumango si mito.


"Mismo, kung iisipin niyong mabuti. Parang nasa isang teleserye lamang ang takbo ng buhay ni sakuragi." Ngising saad ni mito



"Pero bakit ngayon lamang naisipan ng lolo ni sakuragi na kunin siya kung kailan nasanay na si sakuragi na wala sila." Muling karagdagang tanong ni rukawa


"Dahil ang akala ni lolo, walang naging anak si tito at tita dahil itinatago nga nila si sakuragi sa kanila. Nalaman nalang ni lolo na si sakuragi ang apo niya ng marehab si sakuragi, isinulat ni sakuragi ang buong pangalan ni tito at tita sa isang record book ng pasyente para malaman kung may guardian ba si sakuragi o wala.. at dahil ayaw sabihin ni sakuragi na patay na si tito at tita, nag sinungaling na lang siya para hindi na maungat pa ang lahat." Saad ni mito na unti unti nang nauunawaan ni rukawa ang buong pang yayari.


"Nabuhay si sakuragi nawalang tumatagayod at gumagabay sakanya, napakaastig niya kasi nagawa niyang lumaban kahit na mag isa na lamang siya." Saad ni ohkusu


"Oo, kaya ganon na rin ang pag pupursige ko na itulak si sakuragi na pumayag na sa alok ni lolo para maging maayos na ang buhay niya. At sa gayon din ay maipakita niya na hindi siya basta si sakuragi lang, dahil isa ang pamilya ni sakuragi ang pinakamayaman dito sa ōsaka. At itong pinakamagandang villa na papasukin natin, pag aari ito mismo ng lolo ni sakuragi." Saad ni mito na tila proud na proud na inaannounce ang karangyaan ng buhay ni sakuragi.



"Pambihira, buhay prinsipe pala talaga si sakuragi.. pero kahit na ganon, mas masarap makasama ang walang perang si sakuragi haha! Nakakagawa kasi tayo ng diskarte pag siya ang kasama natin." Pagkwentong saad ni noma na dahilan para matawa ang tatlo pa.



" Ito ang totoong reyalidad para sakanya, naging okay na rin na nangyari ito atleast alam nating nasa mabuting kamay na si sakuragi." Saad ni mito


"Tama ka!" Saad ng tatlo, tahimik lamang si rukawa na nakamasid sa kanila.


Hanggang sa matapat sila sa main gate ng villa, lumabas ang dalawang gwardiya at hinarangan sila.


"Boss, nandito ako para kay Don fermin.. inaasahan nila ang pag dating namin." Anas ni mito sa mga ito, nagkatinginan pa ang dalawa, ngunit tumango ang isa upang pumunta sa loob ng maliit na pinag lalagyan ng telepono.


Ilang minuto pa ay tumango ang guard na nasa loob ng guard house. Yumukod pa ang isa bago umalis sa pagkakaharang, may pinindot sila na kung ano para lang umangat ang barricade na mahaba para makapasok kami.


Nang makapasok ay nag simula na kaming mag lakad, hindi naman kalayuan ang bahay ni lolo fermin dahil nasa pinaka gitna ito ng lahat ng bahay na nandito. At isa ang bahay nito ang pinaka malaki.



"Nandito na tayo." Paglahad ni mito sabay muwestra ng kamay sa gate na kulay itim na malaki.



"Tangina, ang laki be at ang taas ng... Mansyon na ito hindi bahay." Bulalas ni takamiya na tila nalulula sa laki ng bahay.


Kumatok si mito sa gate, may maliit na slit sa may gate at bumukas iyon, mata lamang ng guard ang nakikita.


"Kayo ba si sir mito?" Tanong ng guard


Tumango si mito kaya pinagbuksan na sila ng guard, pagkapasok nila bumungad agad sa harapan nila ang napaka lawak na daan papuntang main door ng mansyon. As in may big fountain pa sa gitna.



"Ang angas pre!" Bulalas nila habang nakanganga


"YOHEI MITO!!?" sigaw mula microphone, napatingala sila mula sa third floor.



"Lolo fermin." Anas ni mito bago yumukod bilang paggalang at pagbati.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now