chapter 72

141 19 4
                                    


Dalawang minuto na may sampung segundo ang natitirang oras sa first quarter, okaido 24 at ang shoyo naman 17 hindi man ikinakabahala iba ang pagkapuntos ng captain ng shoyo ngunit alam nilang hindi ito basta basta mag papatalo.



hawak na ng team okaido ang bola, si sakuragi na mismo ang nagpapasok nito sa loob at si fujima naman ang nag babantay dito. Nakatuon ang manunuod sa dalawa habang seryosong nagkakatinginan, walang emosyon silang nag papakiramdaman sa isa't isa habang malaya namang nag aabang ang mga kakampi nito sa gagawing hakbang ng dalawa.


Sinubukan ni sakuragi na umatake pakanan sa depensa ni fujima ngunit nababasa lamang nito ang pinaplano niya kaya sa loob loob ni sakuragi ay napapangisi siya sa sobrang kasabikan.. Inatake ni sakuragi ng harap harapan si fujima na bahagyang kinagulat nito dahilan para mapaatras ng bahagya ngunit tila hindi parin ito alintana sa kanya.


Inaabot ni fujima ang bola kay kamay ni sakuragi habang dinidribble nito iyon ngunit mabilis lang na naiilipat ni sakuragi ang bola sa kabila na tila inaasar si fujima. Nang biglang nadanggit ni fujima ang bola ng bahagya kaya nagsinghapan ang lahat pero mas nagulat sila ng mabilis na pinalo ni sakuragi ang bola patungo sa pagitan ng hita ni fujima dahilan para lumusot ito. Mabilis naman nag cross over si sakuragi kasabay ng pag kuha ng bola na babagsak na sa ere at aabutin sana ni eichi ngunit mabilis lamang itong naiiwas ni sakuragi kasabay ng mabilis na pag atake sa harapan ni eichi na nakikipag sabayan din sa kilos ni sakuragi na tila si kyrie irving kung umiwas at mag dribbling.. nagagawa din ni sakuragi'ng iiwas ang bawat atakeng ginagawa ni eichi sa twing binabalak nitong abutin ang bola. Nang biglang mabilis na lumusot si sakuragi sa kanya kasabay ng malakas na pag upo dahil sa pagkabigla.



Hinarangan din si sakuragi ni ezekiel ngunit mabilis lamang na nakalagpas si sakuragi kaya naiwang nakanganga si ezekiel doon. Ititira na sana ni sakuragi ang bola ng mabilis na humarang si fujima kaya napaatras siya at muling nag dribble, malapit na mag 30 seconds violation kaya wala ng nagawa pa si sakuragi kundi tumalon na sinabayan naman ni hanagata, fujima at ezekiel kaya kahit tatlo pa silang nag babantay ay mabilis lamang naiikot ni sakuragi ang kamay na may hawak ng bola sa pagitan ng braso ni hanagata at fujima sabay release ng bola na tila nag slow motion pa sa paningin ng mga ito ang nangyari.


Hinihingal silang apat ng makababa sila kasabay ng malakas na pag papalakpakan at hiyawan dahil pinamalas na galing ni sakuragi sa paglalaro, halos lahat ng mga basketball player na matagal ng nag lalaro ay napahanga sa ginawang pag lalaro ni sakuragi.

Nakabalatay sa kanilang mga mukha ang totong kagalakan dahil nasaksihan nila ang kakaibang paglalaro ni hanamichi sakuragi. Nakaramdam din ng kaba ang team ryonan, kainan at ang ilan pang mga manlalaro dahil may chance na makalaban nila si sakuragi.




Samantalang sa bench naman kung saan nandoon si aki na sobra sobra ang saya sa nakitang ipinamalas ng kasintahan, sobrang proud siya dito dahil lahat ng pagod at pag sisikap niya ay ngayon nailalabas niya na ng buong buo.



"Ang galing galing na talaga ni sakuragi." Puna ng isang manunuod na katabi ng shohoku team na nanunuod din sa laban, si akagi na nakanganga parin ay hindi parin makapaniwala sa nakita. Namumuo ang paghanga sa kanya dahil sa ipinakitang galaw ni sakuragi.



Si miyagi na nanlalaki parin ang mata ay nais sumigaw ng malakas dahil sa kasabikan na puriin ang dating kaibigan sa ginawa nitong galaw na gustong gusto niyang gawin ngunit nahihirapan siya.



"Ang laki ng pang hihinayang ko na ngayon ay wala na siya sa team natin, sobrang nakakaproud dahil isa na siya ngayon sa kinakatakutan ng lahat dahil sa galing na ipinapakita niya." Saad ni ayako na nakatingin mula sa ibaba.




"Hindi na natin maibabalik pa ang nangyari, pero pwede nating baguhin ang nagawa natin. Maging masaya nalang tayo sa nakikita natin sakanya kasi lahat naman ng mga ginawa niya ay ikinabuti niya rin naman niya." Anas ni akagi na ikinatango naman ni ayako, kahit ngayon ay dinaramdam niya parin ang nangyari noong mga panahong iyon.



kung naging magaling lamang siya na manager sa kanila siguro ay hanggang ngayon nasa amin parin si hanamichi at rukawa, ang dalawa sa pinaka mahalagang taong nawala sa team shohoku.



"Si mitsui? Nasaan siya?" Tanong ni ayako kay miyagi ng mapansin na wala dito si mitsui.




"lumabas muna saglit para magpahangin. Marahil magpapalamig at mag iisip isip." Anas ni miyagi na kinatango nalang ni ayako at wala ng sinabi pa.




Meanwhile, sa team kainan naman ay hindi parin makaget over sa nakitang pagpapakitang gilas ni sakuragi.



"Parang mahihirapan na talaga tayo sa team okaido, si sakuragi palang ay parang mahihirapan na tayong makahabol pa sa oras na lumaban tayo sakanila." Nang hihingkatakutan ni fukatsu na isa sa member ng kainan (new member po) tinignan naman siya ni jin at nobunaga ng masama kaya napangiwi ito at hindi nalang nag bigay ng komento pa.





"Ano naman kung malakas siya at magaling, magaling din naman tayo eh. Noon pa at hindi iyon mag babago." Pagpapalakas ng loob na saad ni nobunaga na tinignan pa si maki na tahimik lang na tila may malalim na iniisip dahil hindi talaga ito kumikibo, nakamatyag lamang ito sa ibaba habang malayang sinusundan ang mga manlalaro sa iba.




"hindi pa tapos ang laban, nasesense ko na babaliktad ang laro at ang okaido team naman ang mag hahabol ng puntos sa ikawalang quarter." Anas ni maki na tila na pe'predict ang mangyayaring kapalaran sa mga naglalaro ngayon.



"ano ibig mong sabihin maki? May mangyayari ba?" Tanong ni jin na hindi nakatiis dahil na curious din siya sa kakaibang sinabi ni maki.



"First quarter palang nailalabas na lahat ni sakuragi ang lakas na meron siya, samantalang si fujima naman ay tila paeasy easy lang. Napapaisip ako sa bagay na iyan kanina pa, kaya pala wala siyang pakialam sa nangyayari dahil iniipon niya ang lakas niya sa second quarter." Saad ni maki na nakapag bigay kilabot sa mga kateam nitong nakikinig din pala. Tinignan nilang lahat si fujima na tila walang kagana gana samantalang si sakuragi ay tila ganadong ganado sa ginagawa. Tinignan pa ng iba ang mga kakampi ni sakuragi at lahat ng mga ito ay hinihingal dahil sa pagod.




"sa tingin mo captain? Babaliktarin ni fujima ang mangyayari at ang okaido naman ang pahihirapan nila?" Tila naniniguradong tanong ni nobunaga.




"Hindi ako sigurado sa conclusion ko ngunit may posibilidad na maaaring tama ang naging prediction ko." Sagot ni maki na kinatahimik naman ng mga kakampi nito.




"kung ganon, panuorin nalang natin ang mangyayari." Anas naman ni jin na tila nasabik rin sa narinig.




****
(a/n: hello guys! How are you? sobrang busy sa school works, sa pag practice ng sayaw na folk dance para sa second grading at practical research na gagawin namin. Okay pa naman ako, kahit papano.🤧😭) godbless you all guys..

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon