chapter 73

152 14 5
                                    


Okaido 26
Shoyo 17

One minute and 56 seconds remaining before the first quarter ends. Hawak na ng team shoyo ang bola at this point tila hinahayaan na ng team shoyo na malamangan sila ng team okaido kaya sobrang laki ng tuwang nararamdaman ng ilang fans dito. Tanging ang kakaibang titig ni rukawa lamang ang nakapag bigay katanungan sa ilang mga member ng team okaido, kabaliktaran sa nakikitang saya sa mga mata ni sakuragi na mukhang nakatuon lamang sa paglalaro. Walang emosyong nakabalatay sa mukha ni rukawa habang nakatingin ng masinsinan kay fujima.


'Parang may mali? Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari sa oras na matapos ang first quarter na ito?' Anas sa isipan ni rukawa, kaharap nito si minato na nakatingin din pala kay rukawa dahil nahihiwagaan din siya sa biglaang pag kawala sa wisyo ng kaharap niya.


Sinundan nang tingin ni minato ang tinitignan kanina pa ni rukawa at it turns out na si fujima talaga ang nakita nito. Napakunot naman ang noo ni minato at napaisip sa maaaring dahilan ng paninitig nito dito.


"may binabalak ka ba na masama sa captain namin?" Hindi mapigilang bigkas na saad ni minato kay rukawa na tinignan siya saglit bago nito pinag taasan ng kilay.


"Ezekiel ba pangalan ko? Kasi kung 'oo? Baka kanina pa nabalian ng buto iyang kasama mo." pasarcastic na sagot ni rukawa na may malalim na boses habang nakatingin ng deretso kay minato.


"Aba'y malay ba natin, hindi ko naman nababasa inisip mo kaya nag guess lamang ako." Sagot naman ni minato.


"tss. Wag mo nalang akong kausapin." Saad ni rukawa na nawalan na ng mood.


ipinagkibit balikat nalang iyon ni minato bago muling nagfocus sa pagbabantay kay rukawa.


Ipinasa ni eichi ang bola kay hanagata kaya si captain tetsuya at hanagata ang nagharap sa ilalim ng court. Hindi talaga siya nito inaalisan ng tingin, habang nag aabang naman ang ilang mga player sa gagawin ng mga ito. Maya maya pa ay mabilis na inihagis ni hanagata ang bola patungo sa direksyon ni fujima ng makitang free ito, pupuntahan na sana ito ni sakuragi ng bigla siyang harangan ni ezekiel.



Naghiyawan ang mga umiidolo kay fujima kasabay ng pagfade away shot nito. Shoyo 19 at ang remaining time nalang ay one minutes and 10 seconds.




Hawak na ng referee ang bola at agad na ibinigay iyon kay takasugi na magpapasok nito sa loob, pinasa niya kay rukawa ang bola. Dinidribble niya ito hanggang sa mabilis nitong inatake ang depensa ni minato kasabay ng mabilis na pag takbo pataas sa kanilang basket. Sinundan siya ni takasugi upang gumawa ng screen ng biglang mabilis na nawala sa kamay ni rukawa ang bola sa kadahilanang nadanggil ito ni fujima. Napasinghap si rukawa dala ng gulat dahil sa biglaang pag sulpot sa kung saan ni fujima.




'FUJIMA'


'FUJIMA'


'FUJIMA'



sigawan ng mga tao na mukhang nananabik na ulit sa ipinapakita ng kanilang idolo. Nang maagaw nga ito ni fujima ay wala na itong sinayang na pagkakataon, hinarangan pa ito ni takasugi ngunit mabilis lamang na nag cross over sakanya si fujima kaya mas lalo lang nag ingay ang mga manunuod.




Nang makalayo si fujima habang dinidribble ang bola ay agad niyang inirelease ang bola kaya tagumpay ngang naipasok nito ang bola.



Nakanganga parin ang ilang mga manunuod sa nakitang pangalawang puntos na ginawa ni fujima para sa team niya.


Okaido 26
shoyo 21


ilang puntos nalang ay maaabutan na ng team shoyo ang okaido, napatingin sila kay sakuragi na nakatulala lamang habang nakatingin sa kung saan. 46 seconds nalang ang natitira para sa first quarter.




"ito na ba ang sinasabi niyong paghahanda ni fujima?" Tanong ng kung sino mula sa audience. Walang nag salita o nagkomento man lang sa narinig bagkus ay pinaka tinitigan nila si sakuragi na walang pakialam sa nangyayari sa paligid nito.



nagulat pa sila ng humingi ng time out/break si sakuragi sa kanilang coach na bahagya pang nagulat. Napansin nila ang pagkakakunot ng noo ni sakuragi na at ang madilim nitong mukha, bagamat makikita mong ayos lang ang paglalakad nito ay meron pala itong iniindang sakit sa katawan.




"Anong nangyari sakuragi?" Takang tanong ni aki sa kasintahan na pinunasan pa ng towel ang mukha at leeg nito. Kinuha naman iyon ni sakuragi sa kamay ng girlfriend ng hindi ito tinignan at pagkuwa'y ay kumuha ng tubig at uminom doon.




"hindi ako papasok sa kalahating oras sa second quarter. Magpapahinga ako." Saad ni sakuragi sa malamig na boses na kinataka naman ng lahat. Si rukawa naman ay nakatingin lamang habang nag mamasid sa kinikilos ng kaibigan. Tumingin siya sa kabilang koponan na wala rin namang ginagawa kundi ang magpahinga.


Aalisin na sana ni rukawa ang paningin sa mga ito ng mapansin niya si ezekiel na may kakaibang ngiti sa labi, napakunot noo nalamang si rukawa bago walang sabing tumayo. Tinignan siya ng mga kasamahan ng may pagtatanong sa kanilang mga mata.



"hayaan niyo na muna siyang magpahinga, ako na muna ang bahalang lumaban. May gusto lang din akong malaman." Anas ni rukawa na nag bibigay assurance sa mga kasamahan. Hindi nalang nag komento pa sila aki sa sinabi ni rukawa at pumayag nalang sa nais nitong gawin.



"naiintindihan ko. Magpahinga ka nalang muna sakuragi. Kami na ang bahala sa lahat." Anas naman ni aki na seryoso namang tumayo at tinignan ang mga team nito.




"mukhang may nahahalata na kayo. Pero kahit na ganon gawin niyo parin ang makakaya niyo, hindi tayo basta basta magpapatalo. Ibigay niyo ang lahat para sa inyong kasamahan na umaasa sainyo." Anas ni aki na nag bigay muli ng lakas sa mga kasamahan na napapangiti na at nabuhayan na ng loob.




"Makakaasa ka samin, manager. Okay! Team! Okaido wins." Captain tetsuya shouted na kinalingon ng lahat ng manunuod at player ng shoyo. Naramdaman nila ang kakaibang enerhiyang nababalot sa mga myembro ng okaido kaya nangilabutan ang ilang dito.




"kakaiba ang fighting spirit ng mga okaido team, maging ang team work nila ay walang katulad." Anas ng isang manunuod na sinang ayunan naman ng ilan.



Nang matapos ang time break ay agad ng tumayo ang limang maglalaro. Nagulat ang lahat at nagbulungan ng hindi na kasama si sakuragi, nakaupo lamang si sakuragi habang natatabunan ng towel ang mukha nito na tila natutulog.




"Hindi papasok si sakuragi?" Gulat na saad ni hanagata.



Sa kabilang dako naman ay may isang taong nag diwang sa nakita, 'mabuti naman, akala ko kasi hindi pa iyon uubra e. Tiyak na mananalo kami dito ng hindi inaalala si sakuragi.' Anas ng kung sino sa shoyo.





Napatingin ang lalaki sa mga papasok sa court ngunit mas nagulat siya ng makita niyang nakatingin sakanya si rukawa ng may malamig na titig at nakakakilabot na ngisi sa labi nito.



'tsk! Nakita niya ba ang ginawa ko?' Tanong sa sariling anas nito.




Sa isip isip naman ni rukawa, 'humanda ka, dudurugin kita.' Anas ni rukawa sakanyang isipan bago tumalikod.




okaido 26
shoyo 21





The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon