Chapter 50

249 27 14
                                    

Tatlong oras na ang nakakalipas matapos ang laro ng okaido at shohoku, lahat sila ay nag tipon tipon sa likod kung saan may malawak na hardin na bahay ni coach kotaro para icelebrate ang kanilang pagkapanalo. Nag imbita rin ang mga ilang team upang makisalo sa kanila, nandoon din ang ryonan, kainan at shoyo na nakicongratulate sa pagkapanalo nila.

Tanging ang team shohoku lang ang wala doon dahil dala narin ng nangyari, malawak ang bakuran ng bahay ni coach kotaro may malaki rin itong bahay kung tutuusin ay mayaman talaga sila. Ngunit simple lang talaga silang mag ama.


Habang nagkakatuwaan ang ilan ay agad na tinungo ni sendoh at fujima ang direksyon ni aki para makipag usap at kwentuhan na rin. Nagkasimangutan pa ang dalawa dahil balak talaga ng isa sa kanila na masolo si aki ngayong gabi, abala rin si aki na nag iihaw ng barbeque.

"Gusto niyo ba? Kuha lang kayo, marami rami na rin naman akong na grilled e." Saad ni aki na medyo madungis na ang itsura. May uling na kasi ang ilong nito at noo.


'Ang cute cute niya parin kahit na ang dungis na.' Saad ni sendoh sa kanyang isipan na ngiting ngiti sa nakikita sa harapan. Hindi man yon ramdam ni aki dahil sa usok sa kanyang harapan.



nagulat si aki at sendoh ng bigla nalang hawakan ni fujima ang mukha ni aki dahilan para magawi ang mukha ni aki kay fujima. May hawak itong panyo at magaan nitong pinunasan ang ilong at noo nito na may uling. Napasimangot si sendoh at inis na tinignan si fujima.

"Tss. Ayos din ah!" Sarcastic na anas ni sendoh kay fujima ng hindi na ito nakatiis pa para punain ito sa ginawa, ngunit ngisihan lang siya ni fujima bago patay malisyang kumuha ng barbeque stick at kumain.

Binalingan ni sendoh si aki na bumalik na muli sa pag babarbeque habang si sendoh naman ang taga lagay ng mga luto na sa plato. Nag uusap din naman sila ng kung anong pwedeng pag usapan hanggang sa makarinig sila ng ingay ng boses mula sa gilid. Kung saan may gazebo din doon na pwedeng pag tambayan, may maliit na falls din kasi doon.

(a/n: imagine lang ha? Wag seryoso! Thanks po)

Nagtaka sila sendoh at aki dahil halos ang lahat ng bisita ay nasa hardin. Kaya sabay silang nag tungo doon na naiwan naman si fujima para mag bantay sa iniihaw ni aki balak din sana nitong sumama.

Nang makalapit si sendoh at aki ay agad silang sumilip, maingat na hindi makagawa ng ingay.

"Sakuragi? Gusto ka namin. May gusto kami sayo. Please! Wag mo naman samin sabihin na may iba ka nang nililigawan." Naluluhang saad ng isang babae. Apat kasi ito at nakita na ni aki ang isang babae kanina lang.


blangko naman ang expression ni sakuragi ng tignan niya ang babae pabalik. Napatingin siya sa iba pa nitong kasama bago umiling, aminado si sakuragi na hindi siya gustuhin mag mula ng umibig siya, ginawa niya ang lahat ng effort para magustuhan lang din siya ng babae. Pero nung nasawi siya at muling nakaramdam ng importansya sa sarili hindi niya rin akalain na masasaktan din siya dahil sa iba naman nagka gusto ang babaeng nagugustuhan niya. (Haruko x rukawa)



Nang makilala niya si aki nagbago ang pananaw niya sa buhay at alam niya na hindi siya iiwan nito kahit na anong mangyari, naramdaman niya rin naman ang effort na ginagawa nito sakanya kaya hindi siya makakapayag na masira lang iyon o masira siya kay aki dahil lang mayroong nagkakagusto sakanya.

"Pasensya na, may iba na talaga akong nagugustuhan. Wala na akong ibang magugustuhan kundi siya lang. Sana maintindihan niyo, wala akong balak na saktan siya dahil lang sa gusto niyo ako." Walang kabuhay buhay na saad ni sakuragi na ikinatambol naman ng puso ni aki. Ganito pala talaga magmahal si sakuragi, napakaloyal nito at totoo sa nararamdaman niya.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon