chapter 89

115 8 2
                                    


Nang maipasa ni takasugi kay sakuragi ang bola agad nag posisyon si sakuragi na susugod sa pagdedepensa ni fujima, samantalang si fujima naman ay pilit inaabot ang bola mula sa pagkakahawak ni sakuragi.

Hanggang sa sumugod nga si sakuragi sa pagbabantay ni fujima, akala ni fujima ay masusundan niya pa ito subalit agad siyang nascreenan ni takasugi kaya napangisi si sakuragi sa biglaang ginawa nito.

Todo takbo lang siya hanggang sa mapatigil siya ng harangan siya ni ezekiel, kaya nag slow pace dribbling na muna si sakuragi

Nang makita niya si rukawa na nakaopen ang pagbabantay sa kanya ay agad niyang pinatalbog ang bola sa direksyon nito.

Nakuha naman ito ni rukawa at gaya kanina, sobrang higpit na magbantay ng shoyo kaya sinubukan ni rukawa'ng makipag banggaan sa katawan ni minato.

Kaya habang dinidribble niya ito at pinoprotekhan na wag masteal ay agad niyang pinatalbog ang bola kaya shintaro, na binabantayan ni eichi.

"Ipakita mo nga ang galing mo." Pang hahamon na saad ni eichi kay shintaro

Tinignan na lamang siya ni shintaro at walang ano ano'y sa isang mabilis na pagkurap ni eichi ay bigla nalang siyang natakasan ni shintaro mula sa pagbabantay niya.

Maging si sakuragi at ang ilan sa kanila ay hindi inaasahan ang ginawa nitong speed attack mula sa harapan ni eichi.

Kahit na nakabantay na si hanagata at ready na iblock si shintaro, nagkakagitgitan na rin sa gitna dahil nakahabol din si eichi.

Subalit mabilis lang na ipasa ni shintaro mula sa gilid patungo sa direksyon ni sakuragi na nasa ilalim na pala ng ring.

"Woah! Nice pass!" Bulalas ni takasugi na bilib pa rin sa ginawa ni shintaro na pag pasa.

Trinible na muna ito ni sakuragi sabay talon ng mataas para maitira ang bola ng easy lay up.

Matagumpay nga nitong naishoot ang bola kaya muling nag hiyawan ang mga tao. Bukambibig na rin nila si shintaro na magaling pala ito at kung ano pang positive feedback mula sa kanila.

Tinapik ni sakuragi si shintaro sa balikat bago ngumiti dito.

"Gaya nga ng inaasahan namin mula sayo, shintaro. Hindi ka basta basta manlalaro lang, kundi isa kang magaling na tanging sa okaido lang nararapat." Ngising anas ni sakuragi

15 seconds nalang ang natitira bago matapos ang third quarter.

Okaido 74
Shoyo 65

Binigay ng referee ang bola sa shoyo na magpapasok nito sa loob, si minato iyon, pinasa niya ito agad kay fujima na agad namang umatake sa pag babantay sakanya ni takasugi.

Medyo malayo layo pa ay agad siyang huminto kasabay ng mataas nitong pag talon at pag release ng bola mula sa three point line.

Napatingin sila sa bolang pababa mula sa ring ng shoyo at ilang saglit nga ay matagumpay nga iyong pumasok bago matapos ang oras.

Okaido 74
Shoyo 68

"Mukhang maghihimala pa yata si fujima kung hindi papabayaan ng okaido ang kanilang pagdedepensa." Anas ni maki sa mga kasamahan


"Mukhang iyon nga rin ang napansin ko, sa twing hinahayaan ni sakuragi na makahabol ng puntos sila fujima, tinatake advantage niya iyon at nagagawa niya nga ng sobra." Anas naman ni jin na kinakalkula ang mga posibilidad na gawin ni fujima sa fourth quarter.



"Hindi dapat hayaan ni sakuragi na makakuha pa ng puntos si fujima, dahil malakas ang pakiramdam ko na baka sa isang iglap lang ay bumaliktad ang sitwasyon." Anas muli ni maki na nakapag pakaba sa mga kasamahan para sa sitwasyon ni sakuragi na paeasy easy lang.


Ngunit iba naman ang nasa isip ni nobunaga sa mga oras na iyon, may kung ano talagang binabalak si sakuragi sa mga ngiting pinapakita nito e.



"Hindi ganon ang napapansin ko, pre! May hinala ako na may kakaibang iniisip itong si sakuragi kaya niya ginagawa ang bagay na yan. Hindi ko nga lang makuha ang tamang sagot pero parang pinag lalaruan niya lang ang nakakalaban niya." Bitaw na saad ni nobunaga na nakapag palingon ni maki at Jin sa kanya, nakakunot ang noo ng mga ito.



"Anong pinag sasabi mo?" Takang tanong ni Jin


"Imagine niyo iyong mga panahong wala pang alam si sakuragi sa pag babasketball at isang buwan pa lamang siya sa kanyang paglalaro, ngunit na andoon ang determinasyon niya para manalo. Ang pino'point ko is kung hindi siya nakikisabay sa mga kalaban niya ngayon? Sa tingin niyo ba may pag asa pa kayang manalo si fujima? Knowing na kakaiba na ngayon ang sakuragi'ng nakikita at nasasaksihan natin ngayon." Napaisip ang dalawa sa malalim na ibinahagi ni nobunaga sa kanila.


"Mas lalo akong naguluhan pero at some point is totoo nga na magaling na siya at pwedeng kahit na nag iisa lang siyang nag bubuhat sa team niya ay magagawa niya paring manalo. Kakaiba pa naman ang stamina niya at kilos sa paglalaro." Anas ni maki na tinignan pa si sakuragi



"In short, halimaw talaga siya sa galing, nailabas niya ang tunay niyang kakayahan nung balewalain siya ng dating team niya. Sayang." Anas ni Jin na naiiling pa


"Kung binigyan lamang ng shohoku ng pagkakataon si sakuragi na mapatunayan ang sarili niya, maaaring ang shohoku team na ngayon ang nangunguna sa distrito ng kanagawa." Anas pa ni maki na wala ng pag dududa pa sa mga oras na iyon.

Nasa acceptance na siya na maaaring sa oras na magkaharap sila ay baka matalo din siya ni sakuragi, ngunit nandoon parin naman ang determinasyon niyang manalo para sa team niya at sa school niya.



"What if? Tayo iyong kumuha Sana sakanya that time? Wala na sigurong makakatalo sa atin." Napatigil ng panandalian ang mga kainan team sa sinaad ni nobunaga.


Samantalang ang kabilang team na ryonan ay naririnig ang usapan ng kabilang koponan which is ang kainan. Nararamdaman din ni fukuda ang kakaibang sensasyon sa buo niyang katawan habang pinag nire'replay niya sa kanyang isip ang mga nangyari kanina.



"Hindi ko alam kung exaggerated lang ba talaga sila sa mga komento nila mula kay sakuragi, kaso.. Si maki na yan e? Ang numero unong manlalaro sa kanagawa." Anas ni ikegami na mukhang unti unti nang napapaniwala sa naririnig nila kanina pa.



"Hindi ko rin maipaliwanag iyong mga nasaksihan ko na laban kanina, nandoon iyong kasabikan na makakaharap ulit natin sa wakas si sakuragi at mapapatunayan kung totoo bang malakas siya. Pero... Habang lumilipas ang oras, naiintindihan ko na iyong pakiramdam na na'iintimidate ka sa isang tao kahit hindi mo siya kaharap. Iyong bang alam mong nandyan lang iyong presensya niya kikilabutan ka na. " Anas ni fukuda



"Noon pa naman talaga bilib na ako sa kanya, bukod kay rukawa si sakuragi ang gustong gusto kong magkaharap. Nandoon kasi ang paniniwala ko na may ilalabas pa siyang potential na hindi pa nakikita ng iba, at tama nga ako sa hinala ko na iyon. Nasasaksihan na natin iyon ngayon." Nakangiting saad ni sendoh na mukhang proud na proud pa kay sakuragi dahil sa pinamalas nitong galing.



Halos lahat ng tao sa buong stadium ay hangang hanga kay sakuragi at maging sa ilan pang mga member ng okaido team.


"Nasasabik na akong malaman kung sino ba talaga ang mananalo sa laban nilang dalawa." Anas ni sendoh



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant