chapter 49

243 22 7
                                    


okaido 92
shohoku 79

"sakuragi tapusin na natin to! Dalawang minuto nalang ang natitirang oras bago matapos ang laban." Saad ni tetsu ng lumapit ito kay sakuragi, hinihingal na kasi ang mga ito dala ng pagod. Maging ang kabilang team ay pagod na pagod na rin.


"Sige captain." Tugon ni sakuragi, nang hawak ni miyagi ang bola ay agad itong umatake sa depensa ni takasugi. Mabilis itong nakawala sa pagbabantay ni takasugi kaya wala ng sinayang na pagkakataon si miyagi na ipasa kay akagi ang bola, pagkakuha palang nito sa bola ay agad itong tumira ng gorilla dunk na usual nitong ginagawa.


Okaido 92
shohoku 81


Nang dumaan si akagi sa direksyon ni sakuragi ay huminto ito at tinapik sa balikat si sakuragi. Napatingin si sakuragi sa kanya ng may blangkong expression bago tinanguan.



"Salamat sakuragi." Saad ni akagi na ngumiti pa kay sakuragi. Tanging tipid na pag tango lang muli ang ginawa ni sakuragi kay akagi.



Nang umalis na si akagi ay ipinapasok naman ng team okaido ang bola, agad nila itong pinasa kay sakuragi na agad namang naka one on one kay mitsui, todo bantay ito ngunit hindi iyon alintana kay sakuragi na dinidribble ang bola sa harapan nito mismo, sinubukan ni sakuragi na mag cross over pakaliwa ngunit nasusundan ito ni mitsui. Alam niya naman kasi na malalaman ni mitsui ang bawat galaw niya kaya marahil madali lang para dito na sundan siya.



Maya maya pa ay gulat si mitsui ng bigla nalang mabilis na kumilos si sakuragi pakaliwa't pakanan, bibilis at babagal sa pag dribble na minsan ay napapaatras pa sa twing susubukan ni mitsui na e-steal ang bola ngunit gayon pa man ay hindi niya parin masundan ang bawat galaw nito dahil napakabilis talaga nito hanggang sa mabilis na inatake ni sakuragi ang depensa ni mitsui dahilan para ma ankle break si mitsui. Napaupo rin ito dala ng pagpwersa sa ginawa niyang pagpipilit na sundan ang bawat galaw ni sakuragi. Napahiyaw ang mga manunuod sa ginawang pag lock ni sakuragi sa kinalalagyan ni mitsui na ngayon ay nakaupo parin sa sahig.




Nagbantay rin si shin at kyoushi upang mabawasan ang pace ng pag galaw ni sakuragi ngunit nalusutan lang sila ni sakuragi dahil sa ginawa nitong pag fake pass sa kasamahan, kasabay ng mabilis na pag cross over kay shin, pinapagitnaan nila si sakuragi. Nang makadaan siya sa pagitan ng dalawa ay agad niyang tinalon ang free throw line upang idunk ang bola pero nandoon na agad ai akagi at nakatalon na kaya wala siyang nagawa kundi ipasa kay rukawa na nasa three point line na libreng libre dahil si shin na nagbabantay dito ay kasama si akagi. Mabilis iyong nasalo ni rukawa na ikinagulat ng team shohoku. Wala namang sinayang na pagkakataon si rukawa at agad niyang inirelease ang bola. Tagumpay nitong naishoot bago pa maubos ang oras.



"Bantayan niyo?" Sigaw ni ayako na tumayo pa mula sa pagkakaupo. Ngunit huli na para sa sigaw na iyon.



Titig na titig naman si coach anzai kay sakuragi na tila pinagmamasdan ang bawat gagawin nitong kilos. Nakangiti si coach anzai habang may mumunting emosyon na dumaan sa kanyang mukha, marahil naramdaman ni sakuragi na may nakatingin sakanya kaya tinignan niya rin ang direksyon non.


gulat na gulat siyang napatingin sa coach ng shohoku at kasabay din non ay ang malakas na pag tunog ng buzzer dahil tapos na ang laro ng okaido at shohoku.



naging emosyonal naman ang team shohoku dahil sa nangyari, nagyakapan ang mga ito samantalang si mitsui ay nakaupo parin sa sahig habang nakayuko. Nilapitan ito ni kyoush upang alalayan ngunit tumanggi lamang ito kaya wala ng nagawa pa si kyoushi kundi ang iwan ito.




Okaido 95
Shohoku 81


Napatalon ang lahat ng okaido team at agad na sinugod sila rukawa at sakuragi dahil sa pawinning shot na ginawa ni rukawa. Wala naman karea reaction si sakuragi na tumungo sa direksyon ng team shohoku, natahimik ang buong okaido at maging ang shohoku dahil sa biglaang pag yuko ni sakuragi sa harapan ni coach anzai bilang pag bati at paggalang.




The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα