chapter 46

229 28 8
                                    

okaido 85
shohoku 70

Nag patawag ng time out ang shohoku upang muling makapag usap sa panibago nilang gagawin na taktika. Habang ang team okaido naman ay nag uusap usap tungkol sa ginawang trio ng tatlo, ang laki pa ng pagkakangiti ni kiyo habang bukang bibig naman ni shintaro ang napanuod na eksena kanina.

"Heh, sobrang sarap sa pakiramdam iyong nagawa kung three points tapos si sakuragi at rukawa pa ang naging tandem ko." Tila nag de-daydream na saad ni kiyo, napangiwi naman si takasugi sa ginagawa ni kiyo dahil para itong tangang hindi matigil sa pag mamalaki sa ginawa nito.

"Tss, parang iyon lang kaya ko rin naman gawin iyon e." pagmamayabang din na saad ni takasugi, nanunuya naman siyang tinignan ni kiyo.

"Amputs.. nag seselos ka ba pre?" Tanong ni kiyo na inaasar pa si takasugi, namula naman ang mukha nito at hindi nakapag react sa paratang ni kiyo.



"Nonsense. Wag mo akong kausapin, bwesit ka." Inis na sagot ni takasugi bago tumayo at naglakad patungo sa kuhaan ng tubig



Samantalang sa apat na babae naman ay busy sa pakikipag usap, nang biglang tumayo si hinata dahilan para tignan siya ng mga kasamahan. Nakakunot ang mga noo nito at may nakabalatay na pagtatanong sa mga mukha nito.


"Saan ka pupunta hina?" Tanong ni akemi


"Sa cr lang, kanina pa ako naiihi." Sagot nito sa nahihiyang boses.


"Ganon ba. Gusto mo pa bang samahan ka namin?" Umiling naman si hina at nagpaalam na aalis na ito.


Habang naglalakad si hina palabas ng gym, nakita niya ang babaeng nakadikit kay sakuragi sa bench kanina. May hawak itong tupperware at mukhang may laman na mga pagkain. Napasimangot si hinata bago dali daling sinundan ito kung saan man ito pupunta.


"Saan naman kaya pupunta ito?" Tanong ni hinata sa kanyang sarili hanggang sa mahinto siya dahil papasok pala ito sa pintuan patungo sa loob ng court.

"kaasar, mukhang para kay sakuragi ang bagay na dala dala niya." Inis na bulalas ni hinata at wala ng nagawa pa kundi ang tumungo sa CR nang magawa ang ipinunta niya doon ay dali dali siyang nagtungo papasok sa loob.Nang makita siya ng tatlo ay agad siya nitong inusisa.




"Bakit ang tagal mo? Sa CR ka ba talaga pumunta o may dinaanan ka pa?" Tanong ni lesley na tinititigan si hinata at sa kung paano ito kumilos sa oras na sumagot ito.



"Tss. Yung babae na yon, nakita ko siya kanina na may dala dalang tupperware. I assume para kay sakuragi ang mga iyon." Saad ni hinata na tinuturo pa si aki mula sa ibaba. Napatingin sila doon at tinignan ang bagay na tinutukoy ni hinata.




"Ah iyon ba, para sa lahat naman iyon e. Hindi lang para kay sakuragi." Sagot ni akemi na kinagitla ni hinata. So ibig sabihin mali ang paratang niya doon sa babae.




"Hindi lang iyon, nang makita ko siya ng medyo malapitan kanina ang ganda ganda niya rin, may maliit na mukha at napaka inosente kong titignan." Pag dedescribe ni hinata kay aki na malayang pinapanuod ng mga ito mula sa itaas. Nakatawa ito habang nakikipag usap sa mga member nito.




"Hindi posibleng magustuhan din siya ni sakuragi o masaklap pa ay baka nga... sila na e." Napasinghap ang mga ito sa narinig mula kay hinata. .





"No! Imposible yang sinasabi mo. Hindi n-naman sila ganon kasweet sa isa't isa kapag malapit e." Saad ni miya na tinitignan si sakuragi at aki mula sa ibaba na nag uusap na ng seryoso.



"May plano ako.." saad ni lesley na kinatingin ng tatlo dito



"Anong plano mo? Wag naman sana iyong ikakasama natin sa paningin ng lahat o ni sakuragi." saad ni akemi na medyo nakaramdam ng kaba sa naisip na plano na gagawin nila.




The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα