chapter 137

101 12 7
                                    


Continuation...

"So, totoo nga!? Mayaman ka ngang talaga." Saad ni ace

Napatingin si sakuragi kay ace ng walang kagana gana bago muling dumeretso sa paglalakad. Wala siyang panahon para sa mga taong kulang sa pansin.

Nang lagpasan lamang si ace ni sakuragi, nakaramdam siya ng inis sa ginawa nitong pang babastos sa kanya. Buong buhay niya kasi walang bumastos sakanya dahil karamihan naman ng tao sa buong campus sa ōsaka high kilalang kilala siya, pero nang dahil kay sakuragi nawala iyong respeto na gustong gustong makuha ni ace sa mga taong nakakakita sakanya.

Hinawakan niya sa balikat si sakuragi para mapatigil ito sa paglalakad, huminto naman si sakuragi at hindi lumingon man lang dito. Hinayaan niyang pwersahin siya nitong ipaharap, ngunit hindi iyon magawa ni ace dahil sa steady'ng pagkakatayo ni sakuragi.


Wala tuloy nagawa si ace kundi siya na lamang ang humarap kay sakuragi na may galit..


"Ginagalit mo bang talaga ako?" Asik ni ace sa pag mumukha ni sakuragi, tinignan naman siya ni sakuragi na may pang aasar na halo..


"Bakit? Nagagalit ka na ba?" Balik na tanong ni sakuragi dito. Kwenilyuhan ito ni ace na kitang kita ng lahat na pumapasok sa loob ng gate ng school.


"Ang angas mo ah? Bakit may pinag mamalaki kana ba? Sino? Iyong may ari ng restaurant na pinuntahan mo kahapon? Iyong lolo mo? Haha, pipitchugin lang ang restaurant na meron ka samantalang ako meron ng isang malaking kompanya." May pag mamalaking saad ni ace sakanyang sarili, sinadya rin nitong laksan ang boses upang iparating sa mga taong nakapaligid sa kanila na dapat mahiya sila kung sino ang kababanggain nila.



"Hindi ko ipinag mamayabang ang yaman na hindi ko naman pinag hirapan. Iyang kompanyang sinasabi mo, kompanya iyan ng mga magulang mo. Hindi sayo." Anas ni sakuragi na pinag kadiin diinan ang bawat salitang ibinigkas niya para dito.


Napahiyaw naman sa pagkabilib ang mga estudyanteng nakarinig sa sinabi ni sakuragi, napaiwas naman si ace nang tingin habang tinitignan ang paligid nila na may pang huhusga sa kanilang mga mata.

"Kompanya ko parin iyon, dahil balang araw sakin din iyon ibibigay ng mga magulang ko." Pagpupumilit paring saad nito upang maalis ang pagkapahiyang naranasan.

"Oo, sayo nga marahil ipapasa ang titulong pag mamay ari ng kompanya ng magulang mo. Ang tanong, worth it bang ibigay sayo ang pamamahalang iyon? Alam mo, imbes na makipag talo ka sakin, Sana itinuon mo nalang sa pag aaral ang oras mo at hindi sana nasasayang iyong oras nating dalawa dahil sa walang kwentang rants mo." Asik ni sakuragi na tinulak pa palayo si ace mula sa balikat nito, dahilan para mapaout balance ito.

"Kita mo iyon, mahinang tulak lang iyon ha? Pero natumban kana, tapos balak mo pa akong banggain." Ngising saad ni sakuragi na labis labis naman ang pang mamaliit ng mga tao kay ace dahil sa nasaksihang sagupaan nilang dalawa ni sakuragi.

Namuo ang galit ni ace kay sakuragi kaya dali dali siyang tumayo at naglakad na palayo, agad itong tumungo sa tambayan ng kanilang magtotropa at sinabi ang mga bagay na gusto niyang ipagawa sa mga ito.

"Seryoso ka ba sa gusto mo ace?" Gulat na tanong ni sato kay ace, galit naman siyang tinignan pabalik ni ace.

"Mukha ba akong nagbibiro sa itsura ko na ito. Labis na labis ang pagkainis ko sa tao na iyon, matapos niya akong ipahiya at ipamukha kung gaano ako kawalang laban sa harapan niya. Gusto ko bumawi, kaya tutulungan niyo ako." Naiiling naman ang apat na kaibigan pa nito.

"Ace, graduating na tayo this year. Ayoko namang masangkot pa sa gulo at tiyak na magagalit na naman daddy ko sakin, ayoko namang madissapoint mommy ko." Saad ni kaito na nakikiusap na tono n baka pwedeng labas na siya sa dawit na gusto nito.

"Kaibigan ba talaga kita? Ano? Papabayaan mo nalang ako ng mag isa?" Saad ni ace kay kaito na hindi na maipaliwanag ang nararamdaman para sa inaakto ng kaibigan.

"Ace, tama si kaito. Hindi na dapat tayo gumagawa ng kalokohan dahil graduating na tayo. Galit sakin daddy ko dahil puros pang bubulakbol lang ang alam niyang ginagawa ko. Gusto kong baguhin ang expression ng daddy ko sakin." Saad naman ni kaoru bilang pag sang ayon sa sinabi ni kaito.

"Tangina, ano bang klaseng mga kaibigan kayo? Akala ko ba tutulungan niyo ako sa kahit na anong laban dahil mag kakasangga tayo, pero bakit pinapabayaan niyo ako?" Galit na asik ni ace sa mga ito. Naiiling naman si kaito, kaoru. Samantalang tahimik naman ang dalawa na si sato, riku.

"Oo kaibigan mo kami ace, kasangga sa anumang laban pero sana naman intindihin mo rin kami. May pinag dadaanan din kami sa buhay, galit samin mga magulang namin kasi kakasama namin sayo, hindi mo ba alam na kaya sila galit dahil hanggang ngayon sumasama parin kami sayo. Kaya nga hanggang ngayon, nandito parin kami sa tabi mo dahil kaibigan mo kami, pero sana naman wag mong question'nin ang pagiging kaibigan namin sayo." Sigaw na saad ni kaito dito.

Natahimik parin si sato, riku at kaoru sa biglaang pag sigaw ni kaito. Naiintindihan naman nila ang pinag dadaanan ng kanilang kaibigan, ngunit malabo iyon para kay ace dahil sa pamilya nito walang may gusto sakanya kundi ang nakababatang kapatid lang nito na si naomi.

"Bahala kayo, magmula ngayon magkanya kanya na tayo. Hindi ko na kayo mga kaibigan." Saad ni ace na kinagulat ng apat..

Naiiling naman sa pagka dismaya si kaito at kaoru dahil hindi nila inaasahan ang magiging desisyon nito ng dahil lang sa gusto nilang ipinaintindi dito na hindi lang ito ang may mabigat na dinadalang problema.

"Guys, alam naman natin kung ano iyong pinag dadaanan ni ace Diba? Dapat pumayag nalang Tayo." Saad ni riku

"Gets ko riku, na kailangan niya tayo.. pero nangako na ako sa mommy ko na hindi na ako masasangkot sa gulo." Sagot ni kaito dito

"Sige. Kayong dalawa ang bahala, pero ako tutulungan ko si ace sa problema niya." Anas ni sato na ikinagulat ng tatlo

"Sato!? Baliw ka ba? Eh di, parang kinunsinti mo na rin ang gagawin niya na hindi na dapat niya gawin pa iyon. Ginagawa natin ito para marealize niyang mali siya." Pagpigil ni kaoru sa pag alis ni sato.

"Pasensya na pre, may utang na loob pa ako kay ace na dapat bayaran. Mukhang ito na iyong paraan para mabayaran ko na siya." Saad ni sato bago pilit na ngumiti

"Pag sisisihan niyo iyan sato, sinasabi ko na sayo. Hindi magiging maganda ang gagawin niyo kung ipag papatuloy niyo parin ang plano ni ace." Pagkukumbinsing saad ni kaito

Ngunit hindi na nakinig pa si sato dahil agad na itong tumalikod at naglakad na palabas ng kanilang hide out.

"Isa lang ang alam ko na paraan.." saad ni riku

"Ano?!" Sabay na tanong ni kaoru at kaito.

"Sabihin natin kay sakuragi ang planong gagawin ni ace sakanya." Saad ni riku na ikinatahimik ng dalawa..

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now