chapter 87

85 11 1
                                    

The newest hanamichi sakuragi (cold-hearted)

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟖𝟕:

~~~~~

Patuloy parin ang mga tao sa kaka sigaw ng 'Booo' mula kay shintaro, doon na nakakaramdam ng hindi maganda si sakuragi sa mga mangyayari, kitang kita niya ang pagkawala ng mood ni shintaro dahil sa nangyari, kaya imbes na gatungan niya pa ay pinagmasdan niya na lamang ang mga kalaban.

Nakangisi si ezekiel habang nakatingin sa direksyon ni shintaro, mukhang pinagyayabangan talaga nito na nagawa niya itong iblock ng walang kahirap hirap.

Wala namang nagawa si sakuragi kundi muling palakasin ang loob ni shintaro, tumayo siya mula sa pagkakaupo dahilan para magsi bulungan na naman ang mga tao.

Tinignan ni sakuragi si coach kotaro, tumango lang ito na nagbibigay ng permisong gawin niya ang nais niyang gawin.

Malamig na naman ang titig nito, bawat hakbang na ginagawa nito ay nakakapag bigay ng kakaibang atensyon sa mga tao.

Tila isang haring handa na muling sumabak sa laban, iyon ang tamang definition kay sakuragi.

Pumito ang referee at isinigaw ang substitution, akala ng lahat si shintaro ang ilalabas ngunit tinignan ni sakuragi ay si daichi. Naintindihan naman ng huli ang gusto ni sakuragi kaya lumapit nalang ito.

"Bakit hindi niya pa pinalabas ang shintaro na iyon? Nakakadismaya naman." Saad ng isang manunuod, napatingin si sakuragi sa Direksyon iyon at tinignan ito ng masama.

Lumapit si sakuragi kay shintaro bago ito tinapik sa braso, tinignan ito ni shintaro pabalik.

"Iangat mo yang ulo mo, wag mo silang bigyan ng dahilan para maliitin pa lalo, kilala ka namin at alam naming mas matibay ka pa kesa samin. Babawi tayo at ipapakita natin sa kanila kung sino iyong kinukutya nila." Buong buo na saad ni sakuragi, Hindi umimik si shintaro sa sinabi ni sakuragi ngunit iniangat naman nito ang ulo.

"Wag mo silang pakinggan, magpokus ka sa ginagawa mo. Ako na ang bahala." Habol pa na saad ni sakuragi bago tinignan si ezekiel na nakangisi parin subalit unti unti iyong nawala dahil sa kakaibang titig ni sakuragi sa kanya.

"Let's go, team!" Sigaw na lamang ni sakuragi bago pumwesto

Hawak na ng team shoyo ang bola, at ipinapasok ito ni fujima, agad siyang binantayan ni sakuragi.

Dini'dribble lang ito ni fujima, samantalang kinakalkula ni sakuragi ang bawat talbog at kilos na ginagawa ni fujima, iniisa isa niya upang malaman kung kailan ito aatake.

Nakabukas ng husto ang mga braso ni sakuragi, pansin iyon ni fujima kaya nang sinubukan nitong umatake ay isang hakbangan lang ni sakuragi ay nahaharangan na kaagad siya.

"Napikon kaba sa nangyaring pangba'block ni ezekiel kay shintaro, ha! Sakuragi?" Ngising tanong ni fujima kay sakuragi

"Kailangan ko pa bang sagutin ang walang kwenta mong tanong?" Sarcastic na balik nitong sagot kay fujima. Muli niyang dinagdagan ang sasabihin. "Alam mo? Hindi mababago ng isang pagkakamali lang ang nangyari, dahil si shintaro Hindi iyon basta basta nagpapatalo lang sa mga taong ang hilig lang ay mag yabang kahit wala namang napapatunayan."


"Anong gusto mong palabasin? Na walang napapatunayan ang ka teammates ko?" Asik na balik na tanong ni fujima.

"Sayo na mismo nanggaling yan, Hindi sa akin.. Kaya bago niyo pagmalakihan ang isa sa mga kasamahan ko, make sure you'll do it right!" Sa isang mabilis na pag igkas ng kanang kamay ni sakuragi ay nadunggol niya ang bola mula sa pag didribble ni fujima.

Hinabol niya ito at agad niya namang nakuha, nang dini'dribble niya na ito, agad siyang napatingin sa mga kasamahan bago isa isang nginisihan.

"What was that?" Tanong ni minato nang makita niyang ngumisi si sakuragi sa mga kasamahan nito.

"Bring it on!" Sigaw ni sakuragi, pero bago iyon ay sinulyapan niya na muna si shintaro na nagulat pa ng tumingin si sakuragi sa gawi niya.

Mabilis na inatake ni sakuragi ang pag babantay ni eichi sa kanya, kada sinusubukan ni eichi na makipag sabayan ay mas lalo lang siyang nahihirapan dahil sa bilis ng galaw ni sakuragi.

Maging slow pace dribbling nito ay nakakapag bigay ng kakaibang daan para malito ang mga kalaban.

May tiyansa kasi na baka ipapasa niya ito O bigla bigla nalang itong aatake dahil sa way ng pagdidribbling niya.

Nang subukang abutin ni eichi ang bola ay agad siyang crinoss over ni sakuragi pakaliwa, mula sa free throw line ay agad siyang huminto, nakaabang naman agad ang naglalakihang braso ni hanagata, isama mo pa si ezekiel na nakangisi na naman sa harapan niya.

Iniumang ni sakuragi ang kamay na tila ititira ang bola kaya agad nang umistand by ang mga shoyo.

Hanggang sa unti unting sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ni sakuragi kasabay ng pag back pass mula sa direksyon ni shintaro na wala nang nagbabantay na kahit ni isa.

" wag niyong mamaliitin ang mga ka teammates ko." Saad ni sakuragi

Pag hawak pa lang ni shintaro ay agad nitong inirelease ang bola mula sa three point lines shot, at matagumpay nga nitong naipasok ang bola.

Okaido 60
Shoyo 51

Napapalakpak ang mga tao sa nakita dahil sa nakita, ang mga taong nang maliit dito ay nakaramdam ng kahihiyan kaya Hindi nalang sila nakasabay sa hiyawan ng mga tao.

"Good job, shintaro! Pinabayaan ka nila at minaliit, kaya mas patunayan mo kung Sino kaba sa okaido team." Saad ni sakuragi na tinapik ito sa braso

Napatingin si tetsuya kay sakuragi, namamangha kasi ito sa kakaibang pagbibigay lakas ng loob sa mga kasamahan. Hindi kasi nito ugali ang mangialam, pero kapag oras na kinanti ang isa sa mga kasamahan niya at kung kailan kailangang kailangan siya, doon mo talaga siya maaasahan.


'Siya ang nababagay maging susunod na captain sa team na ito, at sure ako napapayag din ang mga kasamahan namin. ' Anas sa isipan ni tetsuya

"Salamat sakuragi, hinang hina talaga ako kanina at halos hindi ko na magawa pang kumilos pa dahil sa nangyari kanina.. Pero nang sinabi mo iyon kay fujima kanina, nabuhayan ako at nabigyan ng lakas ng loob." Anas ni shintaro

"Wag mo kasing ipakita na mahina ka, patunayan mo sa kanila na habang minamaliit ka nila, mas gumagaling ka. Nakakagaan kasi sa pakiramdam kapag nakita mo iyong paghanga nila sayo matapos ka nilang ibaba." Anas ni SAKURAGI na nakapag pangiti sa mga ito.

"Kakaiba ka na talaga best friend, matuwid na talaga yang utak mo." Saad ni rukawa na parang nagugulumihanan pa sa nakikita kay sakuragi.

"Tsk! Siraulo ka kasi, imbes na mag move on kana sa dating sakuragi, ipinipilit mo parin na ako parin iyong dati."


"Tama na nga yan, Hindi pa tapos ang oras may limang minuto pa bago matapos ang third quarter." Anunsyo ni Aki mula sa bench na nakasimbakol na naman ang mukha dahil naririnig pala sila mula sa bench nila.

"Sorry love," bawing sigaw ni sakuragi na ikinalaki ng mata ni aki kasabay ng pamumula ng mukha nito.


"HAHAHA! sana all talaga.." Sigaw ni takasugi bago naglakad kasabay sila rukawa


"Inggit ka lang." Pang aasar pa na Saad ni rukawa.

"Maiinggit man ako, ikaw nga nagseselos kasi wala na sayo ang atensyon ni sakuragi. Amin Amin din, promise di ka namin itatakwil." Pang aasar na balik ni takasugi na ikinaasim ng mukha ni rukawa, Tumatawa naman ang tatlong nakarinig sa pang aasar ni takasugi.

"Gunggong!" Singhal ni rukawa bago ito binatukan.


The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now