chapter 117

104 10 5
                                    


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted


Chapter 117:

(A/n: sorry kung naging komplikado, malapit ko na po kasing i'end itong story na ito kaya parang minadali. Every details naman po is ilalagay ko sa flashback/s kaya maiintindihan niyo rin po iyong daloy ng story.)

******FLASHBACK******

"Aki? Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay, akala ko ba isang oras lang kayo ni mitsui na mag uusap sa labas? Bakit umabot ng apat na oras?" Galit na bungad ng ama kay aki na bihis na bihis, mukhang ready na ito sa flight nila patungong canada.


"Sorry dad, napahaba ang kwentuhan kaya hindi na namin namalayan pa ang oras. Ang saya palang kausap ni mitsui dad," mahihimigan sa boses ni aki na napipilitan lamang itong sabihin iyon subalit kabaliktaran iyon para sa ama, may lihim itong ngisi sa labi na animo'y tagumpay siyang mapaalis si sakuragi sa isipan ng anak habang ginagamit lamang si mitsui.



"Mabuting bata naman kasi si mitsui anak, talagang mag kakasundo kayo non." Nakangiting saad ng ama, gustong matawa ni aki sa sinabi ng ama.


'talaga ba dad? Mabuting bata?' gustong sabihin iyon ni aki sa ama subalit pinigilan lamang niya ang kanyang sarili na mag burst out sa harapan ng ama.


"Mabuti? Opo daddy, tanda ko pa nga po basagulero nga din po iyon e. Ayaw na ayaw niyo pa nga sakanya kasi bad influence siya sakin. Sabagay, lahat naman ng BASAGULERO nagbabago, Diba? Dad?" Ngiting saad ni aki sa amang nagulat sa pagiging sarcasm ni aki, napansin iyon ni kotaro kaya nawala ang saya sa mukha niya.



"Are you insinuating something, aki?" Seryosong tanong ng ama kay aki na bahagyang nagulat sa naging tono nito. Tumikhim si aki bago umiling


"Nothing dad, mag bibihis lang po ako." Saad ni aki bago dali daling umakyat sa hagdanan upang tumungo sa sariling kwarto.


Lutang na naligong muli si aki at nakapag bihis, natapos siyang hindi niya napapansin ang oras. Kinatok na nga lang siya ng ama para lamang sabihinng malelate na sila.


Lumabas na si aki mula sa kwarto bago tinignan ang buong kabahayan, nakita niya ang ama sa ibaba ng hagdanan kaya bumaba na siya nakahanda na kasi ang kanilang bag sa baba.


"Tara na." Utos ng ama, tumango na lamang si aki bago sumunod sa ama, nasa labas na siya ng kanilang gate habang ang ama niya ay sinasarado ang pintuan ng bahay.


Maya maya pa ay mag humintong sasakyan sa harapan ng bahay nila. Akala ni aki ay mag paparking lang dahil may space pa naman bukod sa sasakyan nila. Pero ganon nalang ang gulat niya nang maaninag niya ang pamilyar na pigura mula sa loob ng kotse.


"M-mom?!" Gulat na bulalas ni aki habang nanlalaki ang mata. Nagulat din siya nang makitang kasama nito si rukawa.


"Aki? Anak?" Tawag ng babae, na mommy ni aki.


"AKIRA?!" Gulat na bulalas ni kotaro at agad na hinila si aki subalit hindi natinag si aki sa kinatatayuan, lumuluha lamang siyang nakatingin sa inang nakatingin din sakanya ng umiiyak.


"Ano na naman ba itong pakulo mo, akira?" Galit na saad ni kotaro na hinihila parin si aki



"Bitawan mo siyang hayop ka, buong buhay ko kotaro sinira mo dahil sa pagiging selfish mo. Maging anak ko inilayo mo sakin dahil sa kagustuhan mong ikaw ang masusunod, ibalik mo sakin si aki." Umiiyak na saad ni akira, inaabot nito ang kamay ni aki subalit humaharang si kotaro.



"Patay na ang ina ni aki, wala siyang ina.." giit ni kotaro


"Tumahimik ka, nilason mo na nga ang utak ng anak ko. Pinaniwala mo pang patay na ako, ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nawala sakanya. Ikaw ang may dahilan kung bakit ako umalis... Aki? Anak? Makinig ka, ako ito si mommy mo." Umiiyak na saad ni akira, hinawakan nito si aki sa kamay.


"Bitawan mo siya.." itutulak na sana ito ni kotaro palayo subalit pinigilan ito ni rukawa..



"Tama na ho, sumusobra na kayo sa pagiging bastos sir. Wag mong sasaktan ang tita Mommy mo." Malamig ang boses na babala ni rukawa, napatingin si aki sa kanya na may pagtataka. Hanggang sa mabilis na hinila ni akira si aki palayo kay kotaro.


Yinakap niya ito kasabay ng pag harang ng tatay ni rukawa kay kotaro upang mailayo ito doon



"Sumakay kana sa loob akira, isama mo si aki.. dumeretso na kayo sa probinsya.. ako na bahala dito," sigaw ng tatay ni rukawa na pumipigil din kay kotaro na makawala.



"Pero hon, p-paano kayo ni rukawa?" Umiiyak na tanong ni akira


"Hon, mas importante kayo ni aki.. Go! Umalis na kayo." Sigaw muli ni kaya dali daling pinapasok ni akira si aki sa loob ng kotse.


Para lamang sunod sunuran si aki dahil tulala lamang itong nakatingin sa kung saan, bagamat aware siya sa paligid niya pero ang kanyang utak ay walang nang lakas para intindihin pa ang nangyayari sakanya.


Unti unti naring bumuhos ang luha sa kanyang mata kasabay ng pag hikbi nito na ikinagulat ng ina.


"B-bakit ganon? Bakit pinag lalaruan niyo akong lahat? Bakit kailangan niyong mag sinungaling sakin?" Umiiyak na saad ni aki

"Anak? Hindi sa ganon, ang ama mo ang may kasalanan kung bakit tayo nagka hiwalay, sinira niya ang tiwala ng mga magulang ko, sinira niya ang buhay ko sa kagustuhan niyang mapunta sakanya lahat ng ari arian namin ng pamilya ko. Anak, kasalanan ng tatay mo kung bakit.." umiiyak na si akira nang maalala na naman ang eksena kung bakit inatake sa puso ang kanyang ama

"Si kotaro ang may kasalanan kung bakit... I-inatake sa puso ang papa ko." Umiiyak na saad ni akira na ikinagulat ni aki


"S-sinungaling ka, hindi iyon magagawa ni papa." Giit ni aki sa ina, imposible.. hindi ganon ang pagkakakilala niya sa ama.


"Maniwala ka man o hindi anak, subalit gahaman ang iyong ama aki.. hindi siya makukuntento kung hindi niya maaalis ang mga sagabal sa plano niya. Nalaman niya marahil na may mamanahin ka sakin kaya ka niya ilalayo. Kaya ko nagbalak umalis diba? Kung hindi pa sakin sinabi ni rukawa na ngayong araw kayo aalis, baka hindi na kita ulit makikita." Palahaw ng ina ni aki, sobra ang pag iyan nito habang nag mamaneho.


" Si rukawa? Pano kayo nag kakilala?" Tanong ni aki


"Si rukawa? Anak siya ng pangalawang kong asawa. Napakabuting bata ni rukawa, hindi niya ako itinaboy at itinuring niya ako na parang tunay na ina." Anas ni akira


"Buti pa siya naalagaan niyo siya, samantalang ako na anak niyo hindi niyo man lang nagawang hanapin." Umiiyak na saad ni aki sa ina



"Sorry anak, I'm so sorry." Tanging nasabi ni akira sa anak


"Buti pa si sakuragi siya lang ang nag iisang lalaking totoong nagmamahal sakin, pero inilalayo din ni daddy sakin. Kung alam ko lang na ganito ang buhay na meron ako, Sana noon palang sinubukan ko nang gawin ang bagay na iyon, atleast alam ko na Worth it iyon." Saad ni aki na humihikbi



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora