chapter 114

100 11 4
                                    

The newest hanamichi sakuragi: cold hearted

Chapter 114:

*****Continuation...

"Si aki.. at si mitsui, sila mismo ang ikakasal ng kanilang mga magulang para sa isa't isa." Bulalas ni mito sa malamig na boses habang nakatingin nang deretso kay sakuragi na may blangkong expression sa mukha.

"MITO!!!" sigaw ng mga ito

Napatingin silang lahat kay sakuragi ng makitang umatras ito palayo, The pain was so obvious in his eyes that they can't just ignore it and pretend that they didn't saw it. He kept his mouth shut while not being able to look at his friends, he knew that Aki would get married because that's what her father wanted, pero ang maisip na ipakasal siya sa isa sa mga kakilala niya, parang gusto niya na lamang mawala. Ang sakit sakit na halos ikanginig ng buo niyang katawan.

"S-sakuragi, huminahon ka. I-iyong tatay ni aki at ang tatay ko ay matalik na magkaibigan noon pa, maniwala ka man o hindi pero tumanggi ako sa alok nilang iyon dahil alam ko namang mahal na mahal niyo ni aki ang isa't isa. Kaya nga mag tatatlong araw na akong na sa bahay ni tetsuo naninirahan para makaiwas sa tatay ko." Saad ni mitsui na sobrang nahihirapan din para sa sitwasyon na kinakaharap niya.

Wala talagang ibang intensyon si mitsui kundi ang humingi ng tawad sa ginawa niya para kay sakuragi, hindi niya rin naman inaasahan na kakausapin sila mismo ng ama ni aki na sila ang magpapakasal in the future.

"Wala na akong magagawa, kung iyon ang gusto ng ama ni aki para sainyong dalawa, sundin niyo nalang." Saad ni sakuragi na tila nawala na sa sarili, nakatulala na kasi nitong sinabi ang mga iyon nang hindi sakanila tumitingin.

"Sakuragi, umayos ka nga..kaya nga ayaw naming sabihin sayo to, dahil baka sobrang maapektuhan ka at sobrang masasaktan." Inis na saad ni mito na hinawakan pa sa balikat si sakuragi, ngunit nagulat si mito nang iwaksi lamang ni sakuragi ang kamay niya palayo. Malamig na itong nakatingin sa kanya pabalik.

"Iwan niyo muna ako, pabayaan niyo na ako.. wag niyo na akong pakikialamanan pa." Sabi ni sakuragi na nag simula ng maglakad paalis

Subalit huminto rin siya nang may biglang maalala

"Kaya kaba nakipag usap sakin ngayon mitsui para ipamukha sakin na sayo na ulit si aki? HAHA! Edi sayo na, wala naman na akong pakialam pa." Ngarag ang boses na anas ni sakuragi, naiiling naman si rukawa sa inaasta ng kaibigan dahil mukhang wala na talaga ito sa tamang katinuan.

Nang makalayo si sakuragi at naiwan ang mga ito

"Dapat kasi hindi niyo nalang sinabi e.. hindi sana hindi nasasaktan ulit si sakuragi ngayon. Kita niyo naman kung ano ang naging reaksyon niya kanina Diba? Mahirap para sakanya na tanggapin iyon dahil naging kaibigan parin naman niya si mitsui." Anas ni takamiya na may paninising sa tono ng pananalita.

"Si sakuragi mismo ang may kagustuhan na alamin iyon, tama na rin siguro iyong malaman niya para isahang bagsakan nalang. Naaawa ako sa kanya pero wala naman akong magawa, bata pa kasi talaga sila at hindi pa handa sa malalaking problema." Anas ni rukawa na malungkot na pinag masdan ang bulto ni sakuragi na malayo na sa kanila.

"Si aki? Nasaan na ba si aki?" Tanong ni mitsui

"Anong plano mo? Papayag kana sa alok ng tatay ni aki na magpakasal siya sayo?" Galit na sabi ni mito, kaya niya hindi sinabi nung isang araw bago uminom si sakuragi ng alak ay dahil alam nilang sobrang maaapektuhan ang kanyang kaibigan.

Sobrang Mahal non si aki na gagawin nito ang lahat para lang tanggapin siya ng tatay ni aki. Pero nasira lang dahil sa nalaman nila mito tungkol sa inilahad ni mitsui sa kanila.

"Pakikiusapan ko si tito na wag nang ituloy, tutal hindi rin naman talaga ako magpapakasal kay aki." Saad ni mitsui na seryosong nakipag titigan kay mito

Pagak na tumawa si mito sa sinabi ni mitsui, ayaw talagang maniwala ni mito dito dahil isa rin ito sa mga nanira sa kaibigan niya noon. Bakit nga ba bumalik balik pa ito?

"Hindi mo ako mapapaniwala sa sinasabi mo. Kilala kita mitsui, isa ka rin sa mga nanira sakanya noon, kahit humingi ka siguro ng tawad ng paulit ulit kay sakuragi, sure ako na magkakaroon na naman ng problema nang dahil sayo." Saad ni mito na ginigiit sa mismong harapan ni mitsui kung gaano siya kaseryoso na ayaw na niyang mainvolved pa si sakuragi sa katulad ni mitsui.

"Hindi ko ito ginagawa para sayo, ginagawa ko ito para sa kaibigan mo. Mahirapan man para sayo na paniwalaan ang mga sasabihin ko, wala na akong pakialam pa doon. Mas importante ang nararamdaman nung dalawa kesa sa opinyon mo." Asik na saad ni mitsui na harap harapang sinabi nito kay mito, halos tatlong inch nalang ang pagitan ng kanilang mukha, pumagitna naman si rukawa sa dalawa.

"Tsk! Imbes na mag away kayong dalawa, magtulungan nalang kaya tayo kung paano natin sila mapagbabalik ulit?" Saad ni rukawa, hinila nito si mito palayo bago sinamaan nang tingin

"Manahimik ka na nga, para kayong tanga." Dagdag pa na saad ni rukawa

"Paano?" Tanong ni takamiya

"Ang alam ko, mamayang gabi pa naman ang alis ni aki patungong canada. Mas mabuti kung kunin natin si aki sa bahay nila at makipag kita kay sakuragi, ilayo natin silang dalawa dito.." suhestiyon ni noma, natahimik ang mga ito sa narinig bago nagkatinginan.

"Tanga.. hindi Pwede ang gusto mong mangyari, edi parang pinatunayan mo namang totoong kinidnap ni sakuragi si aki pag ginawa natin iyon." Giit ni ohkusu na binatukan pa si noma, magkakapang abot pa sana ng tulakan silang dalawa ni takamiya palayo.

"Tsk! Ako na ang bahala sa bagay na iyan..may isang bagay lang akong naisip na pwede nating gawin sa kanila, at tiyak ako na wala ng magagawa pa ang tatay ni aki kundi ang ipakasal silang dalawa. Ako mismo ang gagawa ng paraan, kayo na ang bahala kay sakuragi, ang mahalaga ay dapat makumbinsi niyo siya na pumunta sa lugar na sasabihin ko sainyo. At ako? Ako na ang bahala kay aki, tutal alam naman ni tito na ikakasal kami kaya madali nalang ito para saking mapapayag siyang isama ko palabas si aki." Ngising saad ni mitsui, hindi naman nakapag react pa doon ang apat samantalang si mito ay nananahimik nalang at hindi na nakipag talo pa.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon