Chapter 41

205 31 19
                                    


Hawak na ng team okaido ang bola at ipinapasok na ito ni takasugi samantalang si sakuragi naman ay nakaabang na para sa gagawing istratihiya. Hindi alintana ang nararamdamang kakaibang tensyon ng okaido na ang humawak ng bola. Alam ni sakuragi na may mangyayaring hindi maganda kaya pinag handaan niya na rin ang posibleng mangyari.



Tinanguan niya na lamang si takasugi ng isang beses upang bigyan ito ng signal, ngunit laking pagkakamali lamang ni takasugi ng madanggil ito ni miyagi dahil nakapokus itong masyado sa gagawin nila.



Wala namang sinabi ang team okaido sa nangyari, maging si sakuragi ay tila balewala lang ang ginawa na yon ni miyagi. Mas pinag butihan niya ang pagbabantay kay mitsui na wala namang imik ngunit nag iisip na ito ng pwedeng gawing plano para mapafoul si sakuragi sa paglalaro.




"Heh, itsura mo palang alam na walang magagawang maganda." Sakuragi's scoffed habang pinagmamasdan ng maigi si mitsui maging ang bawat pag kilos nito.



"Tss. Nag salita ang basagulero noon." Balik na singhal ni mitsui ngunit nginisihan siya ni sakuragi na may kasamaag pang uuyam sa mukha. Nairita man si mitsui ay hindi nalang niya ito pinansin pa.




"Nah. Ikaw na nga mismo nag sabing 'noon' e. Ibig sabihin nagbago na ako ngayon, ikaw magmula umpisa basagulero kana, hanggang ngayon parin ba naman." Nanunuyang saad ni sakuragi na ngumisi pa kay mitsui.



"Hindi ka ba titigil?" Inis na saad ni mitsui na medyo lumapit pa kay sakuragi kaya lalo lang siyang inasar ni sakuragi.



"Ikaw nga hindi tumigil sa paninira ng buhay ko, bat ako titigil!" Balik na pag aangas ni sakuragi na nakipag titigan pa kay sakuragi.




"Sakuragi! Mag hunos dili ka, nasa laro ka." Sigaw ni aki mula sa bench. Natahimik silang dalawa sa narinig at pagkaraan ay nag layo na sa isa't isa.




"Hindi pa tayo tapos." Saad ni mitsui na kinangisi naman ni sakuragi sabay kuha ng bola, nagulat si mitsui sa ginawa ni sakuragi dahil hindi niya napansin na papunta pala sa kanya ang bola.




At sa isang mabilis na pag cross over ni sakuragi ay agad siyang nakaalis mula sa pag dedepensa ni mitsui. Sinamaan siya ni miyagi at akagi dahil sa pagiging pabaya nito sa paglalaro.



"Umupo ka nalang kung wala kang maitutulong." Singhal na saad ni miyagi na masama pang tinignan ni mitsui.


Samantalang, hawak hawak nga ni sakuragi at dinidribble niya ito patungo sa basket nila ng bigla siyang hinarangan ni kyoushi dahilan para matumba si kyoushi, hudyat naman iyon upang mag pito ang referee sa ginawa ni kyoushi na stunt.



"Pushing. Jersey number 10, okaido team." Saad ng referee, itinaas naman ni sakuragi ang kamay.




"Heh, ito pala ang plano niyo? Ifoul ako para mailabas ako sa paglalaro." Natatawang saad ni sakuragi habang pinagmamasdan si kyoushi na nasa lapag.  Malamig na rin itong nakatingin kay kyoushi.





"Hindi ko akalain na mas bagay pala sayo ang nasa ibaba lang... hanggang sa ibaba ka lang." Saad ni sakuragi na nakapag bigay kahulugan kay kyoushi at sa nakarinig na kateam nito.



'Paano niya nasasabi ang mga bagay na ito? Bakit biglang nag bago si sakuragi?' Tanong ni takasugi na nakatingin parin dito.



"Hayaan mo na sakuragi, mag iingat ka nalang sa sunod sunod." Saad ni tetsu, tinignan naman siya ni sakuragi bago tumango.



"Huling beses na rin naman nilang magagawan iyan sakin." Saad ni sakuragi bago naglakad palayo.



"Iba ang pakiramdam ko sa kinikilos ni sakuragi ngayon." Saad ni shin na inilalayan pa si kyoushi, samantalang si kyoushi naman ay natulala lang at inaalala parin ang mga sinabi sakanya ni sakuragi.



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now