chapter 39

269 28 11
                                    

"Malalim yata ang iniisip mo at hindi mo naririnig mga pag tawag ko sayo." Saad ni aki kay takasugi na tulala habang nakatingin sa kung saan. Naupo rin ito sa tabi ni takasugi bago bumuntong hininga ng malalim.


Ilang minutong katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa bago dinunggol ni takasugi ang braso ni aki para kunin ang atensyon nito. Napatingin naman si aki sakanya na may pagtatanong bago muling umiwas ng tingin dito.
Hindi naman agad nakapag salita si takasugi kaya napatingin ulit sa kanya si aki.




"Napakaseryoso mo naman? May sasabihin ka ba?" Kunwa'y seryosong tonong saad ni aki tumikhim naman si takasugi bago nag salita.





"Gaano mo ba kakilala noon si mitsui?" Biglaang tanong ni takasugi kay aki, bahagyang nagulat si aki sa biglaang pagbukas ng topic ni takasugi, biglaan kasi ang pagtatanong nito at tungkol pa kay mitsui ang pag uusapan nila.





Tila nag isip muna si aki ng sasabihin bago napatingin kay takasugi upang bigyan ng buong atensyon.





"Hmm. Dalawang taon palang ang nakakalipas nang magkakilala kami. So hindi ko pa siya ganon kakilala, naikwento ko na rin naman sainyo ang nangyari noon diba? At kung paano niya sinabi noon kay tetsuo na ginagamit niya lang ako." Kibit balikat na saad ni aki, na parang hindi siya interesado pang sagutin ang anumang itatanong ni takasugi kung kay mitsui lang din ang pag uusapan nilang muli.





"bakit nga pala bigla mo nalang natanong ang bagay na yan?" Tanong naman ni aki pabalik. Wala naman siyang maisip na ibang dahilan kung bakit biglaan nitong natanong iyon, unless...





"Wala lang, kasi palagi nalang siyang galit kay sakuragi di'ba? Gusto ko lang malaman kung ano bang klaseng tao si mitsui noon at kung paano siya nag bago?"  Sagot ni takasugi na kinatango naman ni aki. Napaisip din sa bagay na iyon si aki bago muling inalala ang mga araw na magkasama pa sila ni mitsui. Palagi naman kasi nitong kasama ang mga kaibigan niya, ni hindi nga niya alam kong may mga magulang pa ba ito dahil wala namang itong nababanggit sakanya noon.




"Well, masasabi ko namang mabuti siyang kaibigan at karamay sa lahat ng bagay, kung hindi ko lang siguro nalaman na ginagamit niya lang ako baka hanggang tanga pa rin ako." Saad ni aki na natatawa na rin sa mga sinasabi niya. It's a fact, but knowing god ilalayo talaga nila tayo sa posibleng taong makakapanakit sa atin kaya siguro maagang ipinaalam sakin ang gagawin ni mitsui.




Natigilan si aki sa mga iniisip at sa mga pinag sasabi niya ngayon kay takasugi. Ano pa ba kasi ang punto ng pag uusap naming ito? Matagal na rin namang tapos iyon.




"pasensya na kung nagtanong pa ako. Nacurious lang talaga ako sa ugali niya." Saad ni takasugi na kinatango naman ni aki.





"Ayos lang, tapos na rin naman iyon. Oo nga pala, nakita mo ba si sakuragi kung nasaan?" Tanong ni aki



umiling naman si takasugi sakanya bilang sagot, hindi niya naman kasi talaga nakita si sakuragi dahil nakaupo na ito magmula ng lumabas sila para magpahangin.



"Nasaan naman kaya ang taong iyon, ilang minuto nalang ay magsisimula na ang second half." anas ni aki bago tumayo at nagpaalam kay takasugi na hahanapin si sakuragi.




Sa kabilang banda naman kung saan nakatayo si rukawa ng mag isa, nakita siya ni haruko kaya nilapitan niya ito upang kausapin.





"rukawa?" Mahinhin ang boses na tawag ni haruko. Napatingin naman si rukawa kay haruko ng walang emosyon bago tumango dito bilang pag bati rin sa presensya nito.



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now