chapter 142

115 14 5
                                    


Continuation...


Makalipas ang isa't kalahating oras sa paglalaro, naisipan ng mga ito na puntahan si sakuragi sa ikatlong palapag. Nabobored na rin naman sila sa kakalaro.


"Saan ba ang daan?" Bulong na tanong ni ohkusu kay takamiya na nangunguna sa pag lalakad, sinenyasan niya itong manahimik dahil baka may makarinig sa kanila.


"Putek! Para tuloy tayong mag nananakaw sa inaasta natin. Pre naman, relax nga lang kayo." Inis na saad ni noma, ito na nag naunang nag lakad na sinundan naman ng apat. Samantalang si rukawa ay nakapamulsa pang sumusunod sa mga ito.


Nang makarating sa ikatlong palapag, nalula sila dahil sa lawak ng palapag na iyon at higit sa lima ang mga kwartong nakikita nila doon


"Alam niyo ba kung saan mismo iyong kwarto ni sakuragi?" Tanong ni takamiya


"Tangek, mag kakasama tayo paano namin malalaman. Tsaka nakalimutan niyong tanungin si ate kanina kung saan mismo dito sa third floor." Ani ohkusu



"Mag hiwa'hiwalay tayo. Hanapin na natin kung saan ba ang kwarto niya." Tumango ang mga ito at agad na nag hiwalay, si rukawa naman ay hindi na nakisama sa paghahanap bagkus ay tumayo na lamang siya malaking bintana na kita ang malawak na labas ng mansyon.


May mga ilang guards and bodyguards din siyang nakikita na naglalakad paroon at parito upang mag bantay. Aalis na sana si rukawa upang puntahan ang mga kasamahan ng may maaninag siyang limang kalalakihan na pinag tutumba ang mga bodyguards kanina. Halos man laki ang mata ni rukawa ng tumingin pa ito sa gawi niya kaya dali dali niyang tinakbo ang pagitan ng kanyang mga kaibigan.



"Hoy, mito! May mga taong pumasok .. napatumba na nila iyong mga nagbabantay sa labas." Anas ni rukawa na ikinagulat ni mito, napatingin siya sa mga kasamahan na nakikinig pala mula sa mga kwartong bubuksan sana nila para malaman kung saan ang kwarto ni sakuragi.



"Hoy! Pumunta na kayo dito, dalian niyo. Hindi natin pwedeng pabayaan nalang ang mga kasamahan ni sakuragi dito. Tulog pa siguro si sakuragi kaya tayo nalang muna ang bahala sa mga pumasok." Saad ni mito na kinatango naman ng tatlo si takamiya, ohkusu at noma.


"Mauna na kayo, ako na ang bahala kay sakuragi. Hahanapin ko kung saan ang kwarto niya para masabihan ko na rin siya." Anas ni rukawa na ikinatango ni mito, dali dali namang tumakbo ang apat pababa ng hagdanan.


Habang si rukawa naman ay nag simula na sa paglalakad para halughugin ang ilang mga kwartong hindi pa nabubuksan ng apat. Malapit na siya sa tatlong kwarto ng biglang tumunog ang cellphone niya dahilan upang umalingawngaw ito mula sa hallway, dali daling kinuha ni rukawa ang cellphone at walang tingin tingin na sinagot ang tawag .



"Anak! Tulungan mo ako, si aki.. isinugod sa ospital..."  Umiiyak na saad ng ina sa kabilang linya, nanlalaki ang mata ni rukawa bago tumalikod.


"Po? Anong nangyari kay aki? Sa baby niya? Anong nangyari mommy?" Nag aalalang tanong ni rukawa na halos manginig ang kanyang boses.



"Bali-balita kasi ang mga pagnanakaw ngayon dito, ang sabi malalaking grupo ang mga pumapasok sa mga bahay bahay. Ang kaso.. itong kapatid mo, nanlaban kaya iyon naitulak siya.. *hikbi* huli na para matulungan namin siya ng daddy mo dahil nasa kusina kami." Hirap na pagkekwento ng ina dahil sa labis na pag iyak at pag garalgal ng boses


"Mmy, huminahon ka po, walang masamang mangyayari kay aki at sa baby niya. Wag kana pong mag alala pa, papunta na po ako dyan. Itext niyo nalang samin kung saang ospi--." Naputol ang pakikipag usap ni rukawa sa ina nito ng makita niyang hindi na pala siya nag iisa doon. Hindi niya namalayan na nakikinig na pala si sakuragi sa gilid niya.


"Anong narinig ko? Si aki naaksidente?" Puno ng pag aalala ang tono ng boses nito bagamat malamig ang tingin na ipinupukol nito kay rukawa.


"H-hindi. Okay lang si aki, o-okay lang si.." nagulat si rukawa ng agad siyang kwelyuhan ni sakuragi habang nakatiim ang bagang sa inis.


"Wag mo na akong subukang paikutin, rinig na rinig ko mula sa umpisa ang mga sinabi mo. Nasaan si aki?" Malamig ang boses na pag ulit ni sakuragi



"Sakuragi, hindi pa ngayon ang tamang panahon para alamin ang mga bagay tungkol kay aki.." naitulak ni sakuragi palayo si rukawa bago ito sinuntok


"Damn you! Wala kang alam sa pinag daanan ko, anim na buwan akong nag dusa na wala siya tabi ko, ikinulong pa ako.. alam mo yon kaya wag mo sakin ilayo ang mag ina ko." Galit na bulyaw ni sakuragi kay rukawa.


"Naiintindihan kita, pero okay na si aki 'nung wala ka. Okay na siya na kami lang ang kasama, wag kanang makisali pa." Muling sinuntok ni sakuragi si rukawa ng apat na beses bago hinihingal na tumayo mula sa pagkakaupo niya dito.



"Wag mo samin idahilan na okay na si aki na wala ako, dahil hinding hindi ako maniniwala sa mga sinasabi mo. Kahit hindi mo sakin, ako ang mag hahanap para lang makita siya ulit, at sa oras na makita ko siya hinding hindi ko na siya pakakawalan pa." Saad ni sakuragi na binangga pa sa balikat si rukawa na kakatayo lang mula sa pagkakasuntok ni sakuragi sa kanya.



Sumunod naman si rukawa at wala ng nagawa kundi sundan kung saan man ito pupunta. Pagbaba palang nila sa first floor ang daming mga tauhan na nakahandusay samantalang nakikipag bugbugan naman ang mga kaibigan ni sakuragi sa mga ito.


"Sakuragi! Diba sila iyong mga nakaaway mo kanina?" Puna ni mito ng makita niya si sakuragi na nanglilisik ang mata sa galit.


"Kayo na ang bahala sa kanila, aasahan ko na wala sa mga kasamahan ko dito o kayo ang mapapahamak. May pupuntahan lang ako." Saad ni sakuragi na dali daling naglakad ng mabilis palakad, nang makita siya ng tatlong pumasok na magnanakaw. Agad siya nitong inambahan ng suntok subalit poker face niya lamang tinignan ito hanggang sa lumipad ito patalsik dahil sa ginawang pag sipa ni rukawa.


"Sige sakuragi, sasabihin ko na kung saan hospital. Pasensya na sa ginawa ko." Pagpaumanhin na saad ni rukawa subalit hindi siya inimik ni sakuragi, dumeretso ito sa kotse na nandoon kaya dali dali rin namang pumasok sa loob si rukawa para sumakay.



"Nasa ōsaka private hospital sila ngayon. Medyo malayo layo mula rito." Saad pa ni rukawa


Hanggang sa simulan Niya na ang pag dadrive ng sasakyan, wala namang nagawa si rukawa kundi ang bumuntong hininga ng malalim.



'makikita na rin kita sa wakas, aki! Pangako di na kita pababayaan pa.' bulong ni sakuragi sa sariling isipan

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon