chapter 5

346 39 8
                                    

Nagulat din si aki sa narinig mula kay mitsui, maging si sakuragi ay napatingin na kay mitsui na may pagtataka, mukha namang sincere si mitsui pero..

"pinag sasabi mo mitsui, never mo akong naging girlfriend." Saad ni aki kay mitsui

"Pero niligawan kita." Sagot naman ni mitsui

"Pero hindi ako pumayag sa gusto mong mangyari, matagal na iyon pero bakit binabalikan mo parin. Mitsui move on." Paasik na saad ni aki bago hinila si sakuragi paalis

Nang makaalis na ang dalawa sa harapan ni mitsui, masama namang nakatingin si mitsui kay sakuragi habang nakakuyom ang mga kamay.

'Humanda ka sakin sakuragi, hindi kita lulubayan hanggat sa ikaw na ang kusang umalis sa team.'

Anas ni mitsui sakanyang isipan. 


habang naglalakad sila sakuragi at aki ay kapansin pansin ang inis sa buong mukha nito, hila hila niya parin sa kamay si sakuragi kaya wala namang magawa ang huli kundi ang sumunod dito. Hanggang sa mapadpad sila sa isang hardin ng school napakalawak non at punong puno ng mga bulaklak.

narinig ni sakuragi na napabuntong hininga si aki kaya tinignan niya ito. Wala narin ang inis sa mukha nito napalitan ng maaliwalas na mukha habang pinag mamasdan ang mga bulaklak.


'ito lang pala ang makapagpapa kalma sa mga babae? Bulaklak?' Saad sa isipan ni sakuragi habang titig na titig kay aki, naramdaman ni aki ang paninitig ni sakuragi sakanya kaya napatingin siya dito.

Namula naman ng husto ang mukha ni aki ng magkatitigan silang dalawa. Hindi mawari ang nararamdamang kaba ni aki dahil papalapit ng papalapit si sakuragi sa kanya.


*Dug* *dug* *dug*

tunog ng puso ni aki na sobrang bilis ng tibok. Napapikit pa siya ng ilang inch nalang ang layo ng mukha nilang dalawa.


"bagay pala sayo ang bulaklak aki, mas lalo kang gumanda." Nakangiting saad ni sakuragi, unti unti namang iminulat ni aki ang mata at naramdaman ang bagay sa itaas ng kanyang tenga. Nang mahawakan niya ito ay isa palang bulaklak.

namula ang kanyang mukha dahil doon, hanggang sa mayakap niya si sakuragi sa sobrang sayang nararamdaman. Nagulat pa siya sa nagawa kaya dali dali siyang umalis sa pagkakayakap dito.



"Sorry sakuragi.. s-sobrang saya ko lang." Saad ni aki na nahihiya. Tinatawanan naman siya ni sakuragi ng mahina bago kinurot ang pisngi niya.


"Walang anuman iyon, ang magagandang babae dapat hindi pinapalungkot. Kaya ngumiti kana okay?"tumango naman si aki at ngumiti.


ilang minutong katahimikan ang namutawo sakanilang dalawa, nag papakiramdam kung sino ang unang magsasalita, halata ang pagkailang na nararamdaman ni aki samantalang hindi naman mapakali si sakuragi dahil sa biglaang pag sagi sakanyang isipan na tanong..


'matagal na bang magkilala si aki at mitsui? Gusto ko man tanungin si aki pero baka mawalan na naman siya sa mood bigla.' Anas ni sakuragi sa isipan niya sabay kamot sa batok niya.


Tumikhim si aki kaya napatingin si sakuragi dito. Nakatingin ito sa malayo habang may malawak na pagkakangiti sa labi.


"nacucurious ka ba kung bakit kami magkakilala ni mitsui?" Tanong ni aki na kinagulat ni sakuragi pero wala naman siyang imik sa sinabi nito, gustong gusto niyang sumagot ng 'oo' pero baka masyadong pribado na yon ng buhay nila bat itatanong ko pa.



"Hindi mo naman kailangan sabihin sakin iyan aki, ang mahalaga naman ngayon e kung ano ang nararamdaman mo. Masaya ka na nga, bat sisirain ko pa mood mo." Saad  ni sakuragi. Napailing si aki bago unti unting humarap sa direksyon ni sakuragi.


"Okay lang. Matagal narin naman iyon, actually... gustong gusto ko si mitsui noon." Natigilan si sakuragi habang malalaki ang matang napatingin kay aki na hindi makapaniwala.



"s-seryoso ba aki?" Kanda utal na tanong ni sakuragi tumango naman ang huli bago tumungo sa isang bench na naroon.

Sumunod naman si sakuragi at naupo din doon pero may distansya naman silang dalawa.


"first year high school ako non, samantalang second year high school naman si mitsui. Last lasta  year lang iyon ng makilala ko siya.. hindi naman aksidente iyong pagkikita namin dahil kilala din siya ni daddy dahil isang MVP player non si mitsui, isa sa pinakamagaling na manlalaro, kaso.. nabago ang lahat nung nabalitaang nag quit na siya sa paglalaro dahil nga sa injury na natamo niya." Natigil sa pag sasalita si aki bago malungkot na bumuntong hininga.


"Nabalitaan nalang namin sa kaibigan ni daddy na trainer noon ni mitsui na naging basagulero na ito. One time nakita ko siyang nakikipag bugbugan kasama ang mga kagang nito. Gusto kong umiwas kaso nacurious ako sa biglaan niyang pag tigil sa paglalaro, inisip ko na baka mapabago ko ang isip niya kaya ako ang lumapit sakanya para kausapin siya na baka pwede pa siya ulit mag laro, akala ko nung una pumapayag siya sa gusto kong mangyari pero..." napaluha si aki kaya nataranta si sakuragi, nag halukat siya sa bag nito na pwedeng gamiting pamunas.


Nang makita ang face towel na dinala niya pa, kinuha niya ito at ibinigay kay aki.

"Salamat sakuragi." Anas ni aki pero tumango lang si sakuragi at umiwas ng tingin.


"so... ang nangyari akala ko pumapayag na siya sa gusto kong kondisyon sakanya kung magpapaligaw ako sakanya ay sasali na ulit siya sa basketball at magaaral ulit. Kaso... naabutan ko silang nag uusap ni tetsuo ang sabi ni mitsui na ginagamit niya lang ako pampalipas oras at... hindi naman niya susundin lahat ng sinasabi ko dahil ayaw niya naman na talagang maglaro, sa oras na iyon papayag na sana ako sa gusto niya na magpapaligaw ako sakanya.. and yun nga, iniwasan ko na siya matapos non.."

Hindi maintindihan ni sakuragi kung bakit biglang sumama ang timpla niya. Hindi niya akalain na ganon pala kawalang kwenta si mitsui noon.


"sakuragi okay ka lang ba?" Pukaw ni aki kay sakuragi dahil biglaan itong natahimik


"Oo aki, salamat nga pala dahil pinagkatiwalaan mo ko sa bagay na pribado sa buhay mo. Hayaan mo hinding hindi ko ipagkakalat mga sinabi mo." nakangiting saad ni sakuragi dito


"ayos lang sakuragi, nakalimutan ko na rin naman ang nangyari, pero iyong sakit kahit papano ay nandito pa rin, naniwala kasi ako e. Hay!" Pekeng ngiting saad ni aki


"wag kanang umiyak, ang ganda ganda mo para umiyak lang.. sabi ko sayo diba? Dapat nakangiti ka na." Natawa naman si aki sa ginagawa ni sakuragi, alam naman ni aki ang ginagawa ni sakuragi, pinapalakas lang nito ang loob niya.


"Oo na po, ngingiti na."

Tumango si sakuragi at agad na umiwas ng tingin, tumayo na ito sa pagkakaupo at blangko ang mukhang napatingin sa dulo ng koridor kung saan nandoon si mitsui na nakatingin sakanila ng masama. Hindi naman natinag si sakuragi bagkus ay tinignan niya rin ito ng matalin habang nakatiim bagang.


"tara na aki, may laro pa kami ngayon."

'Sa laro tayo magtutuos mitsui, ibabalik ko lahat ng sakit na ginawa mo kay aki. Hindi ako makakapayag na muling iiyak si aki ng dahil sayo.'


𒊹︎︎︎𒊹︎︎︎𒊹︎︎︎𒊹︎︎︎𒊹︎︎︎𒊹︎︎︎
[𝚊𝚞𝚝𝚑𝚘𝚛 𝚗𝚘𝚝𝚎: 𝙾𝚖𝚜𝚒𝚖! 𝙷𝚎𝚕𝚕𝚘 𝚜𝚊𝚒𝚗𝚢𝚘 𝚝𝚑𝚊𝚗𝚔 𝚢𝚘𝚞 𝚜𝚊 𝚏𝚎𝚎𝚍𝚋𝚊𝚌𝚔𝚜 𝚊𝚗𝚍 𝚟𝚘𝚝𝚎𝚜, 𝚜𝚊𝚗𝚊 𝚖𝚎𝚛𝚘𝚗 𝚖𝚊𝚐 𝚌𝚘𝚖𝚖𝚎𝚗𝚝 𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚋𝚊 𝚊𝚝 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚒𝚗𝚜𝚙𝚒𝚛𝚎𝚍 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚖𝚊𝚔𝚊𝚙𝚊𝚐 𝚞𝚙𝚍𝚊𝚝𝚎 𝚞𝚕𝚒𝚝 𝚊𝚔𝚘. 𝚂𝚊𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚐𝚞𝚜𝚝𝚞𝚑𝚊𝚗 𝚗𝚒𝚢𝚘, 𝚜𝚊𝚕𝚊𝚖𝚊𝚝](❍ᴥ❍ʋ)ʕ•ᴥ•ʔ

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon