chapter 88

99 9 1
                                    


Ilang minuto nalang ang natitira at matatapos na ang third quarter, kahit anong pilit na pag habol ni fujima sa okaido ay Hindi parin nila maabutan ang score nito.

Ang kaninang 60-51 ngayon ay 70-62 walo parin ang lamang ng team okaido at pagod na pagod na rin sila, isang minuto nalang kasi ang natitirang oras sa kanila at bola pa ng team okaido.

"Mukhang pagod na pagod na silang lahat, halatang hindi na talaga kaya ni fujima na maabutan ang score ng okaido." Anas ni Jin ng masinsinan nilang pinapanuod ang unti unting pagbabago ng kilos ng okaido at shoyo.

"Pwenu'wersa kasi agad nila ang laban nung first quarter pa lang, halos lahat ng lakas nila ay naituon lang sa first half kaya ng sumapit ang second half ay pagod na pagod na sila." Saad ni maki

"Mismo, tanging si sakuragi lang ang nagkakaroon ng tyansang makapag pahinga kung gugustuhin nito." Habol na sabi pa nobunaga.

"Isang minuto nalang mahigit, matatapos na ang third quarter." Anunsyong Saad ni miyamasu

Mag balik tayo sa laban ng dalawang koponan, at gaya nga ng napuna ng team kainan sa okaido at shoyo ay pagod na nga ang mga ito.

Kasalukuyang hawak na ng team okaido ang bola, si takasugi ang nagpapasok nito kaya agad siyang binantayan ni fujima.

Nang Hindi magawang makaalis ni takasugi sa pag babantay ni Fujima ay pinasa niya na lamang ito sa direksyon ni rukawa.

"Nagharap na naman tayong dalawa, super rookie!" Anas ni minato sa ng mahigpit nitong dene'depensahan si rukawa.

"Tsk!" Singhal nito at walang ano anu'y sinugod niya na ang depensa ni minato na wala namang kahirap hirap para kay rukawa'ng maiwasan ito.
"Masyado kang ma bahala!" Panunuyang sabi nito kay minato na halatang nainis.

Nang makarating mula sa gilid ay agad niyang tinanguan si sakuragi kasabay ng pag hagis ng bola pataas patungo sa ring nila.

Mabilis namang tumakbo si sakuragi papunta doon at walang habas na tumalon kahit na medyo malayo pa naman ang bola sa kanya, nakita ni hanagata ang opportunity kaya agad din siyang bumwelo para tumalon.

Subalit ng subukan niya sanang abutin ang bola ay may isang kamay na ang sumalo doon at si... Sakuragi na yon.

"Hindi mo sakin maaagaw ang alley oop dunk, hanagata." Anas ni sakuragi kasabay ng pagdunk nito ng bola mula sa ring nila.

Okaido 72
Shoyo 62

Nag sigawan naman sa sobrang tuwa ang mga manunuod at maging ang ilang team na nanunuod din, suporta na kasi sila sa okaido kahit parihas namang magaling ang dalawang koponan.

"Ang angas ng alley oop dunk na yon. Hindi ko akalain na mula sa distansyang iyon ay magagawa niya paring unahan si hanagata na makuha ang bola." Bilib na Saad ng isang player mula sa takezono, kakarating palang kasi ng mga ito mula sa practice nila.

"Kakaiba na talaga si hanamichi, ang angas angas niya na." Buong paghangang saad ng isang player ng takezono.

"Akala ko ba galit ka sa taong yan, oda?" Namula naman ang mukha ni oda bago sinamaan ng tingin ang kasamahan niya.

"Tsk! Dati na iyon, nung mahina pa siya. Pero ngayon, napakalakas niya na at napaka galing." Ngumisi nalang ng palihim ang mga kasamahan sa narinig na komento ng kanilang captain.

"Nice one, sakuragi!" Sigaw ni Aki mula sa bench na todo ang pagkakangiti sa labi

"Woah! Sino ang magandang chicks na yan?" Tanong ng kasamahan ni oda

"Ang alam ko ay girlfriend yan ni sakuragi." Sabay sabay na napaautangal sa pagkagulat ang mga takezono dahil sa narinig.

"What the?! Hindi nga? Walang biro?" Parang hindi makapaniwalang saad ng mga ito sa sinabi ni kyoko.

"Oo, nung lumipat si sakuragi sa okaido team, manager na yang si Aki doon." Dagdag pa na saad ni kyoko.

"Teka nga lang, kyoko? Bat parang ang dami mo namang alam?" Tanong ni oda, namumula namang tumikhim si kyoko bago ito sumagot.

"Pinsan ko kasi si Aki sa side ng kanyang Ina, kaya madami akong alam tungkol sa kanya." Muli na namang nagulat ang mga member ng takezono dahilan para pagtinginan sila ng mga tao doon.

"Ang OA naman ng reaction niyo. Like duhh!? Ano namang nakakagulat doon?" Sabay irap ni kyoko sa mga ito.

"Nabigla lang naman kami, pero impyernes ha? Mas maganda pinsan mo." Pang aasar ng isang member ng takezono.

"Tss, siraulo." Singhal ni kyoko, nag sitawanan naman ang mga ito bago nailing

Balik sa dalawang Grupo na man lalaro

"Kaya ako nanghihina ayy, wala kasing taga cheer sakin." Pagpaparinig na Saad ni takasugi,

"Kahit naman may mag cheer sayo, mahina ka parin naman." Pang aasar ni rukawa na ikinaasim ng mukha ni takasugi.

"Nag salita ang selosa, porket magaling ka, Nang hahamak kana dyan."

"Hindi naman, nakikita ko lang kaya nirereal'talk lang kita." Sagot pa ni rukawa bago umalis doon at naglakad patungo sa pwesto niya.

"Acckk! Bwesit na rukawa to! Lakas mang asar, hindi ko matalo talo pag ganito ang usapan." Frustrated na Anas ni takasugi bago sumimangot

"Wag mo na kasing patulan, para kasing bata.." Ani shintaro na naiiling na

"Iwan ko sainyo, pinag tutulungan niyo na naman ako."

Mabalik tayo sa laro, hawak na ito ni fujima matapos itong ipasok ni minato, gaya ng kanina ay mahigpit lamang itong binabantayan ni takasugi.

Nang umatake si fujima sa pag babantay nito ay tagumpay naman itong nakatakas.

Hanggang sa matansya ni fujima ang distansya ng layo niya mula ring, at Nang makalkula ay wala itong sinayang na minuto at agad nitong tinira ang bola mula sa three point line.

Napatingin doon ang okaido at inabangan sa ilalim kung sasablay ba ito, subalit swak na swak lamang na pumasok ang bola sa ring.

Okaido 72
Shoyo 65

Nag hiyawan ang mga umiidolo sa team shoyo, isinisigaw na ang pangalan ni fujima.

"GO! GO! TEAM SHOYO.." Sigaw ng paulit ulit ng mga fans nito.

"Konti pa team, walang susuko." Sigaw ni fujima na lalong ikinahiyaw ng mga tao

Bumuga naman ng malalim na buntong hininga si hanamichi bago ngumiti sa mga kasamahan. Nagulat pa ang mga ito pero mukhang may gusto na naman itong gawin.

"Ako na bahala, basta abang lang kayo kung ano ang gagawin ng kabila. 49 seconds nalang ang natitira." Anas ni sakuragi na nakangiti pa din

"Sige, wag lang sana ang mga ngiti na yan ang magpapahabol sa shoyo, tsk!" Sarcastic na Saad ni rukawa sa kaibigan, naiiling naman si sakuragi sa inasta ni rukawa.


"Bat ko naman gagawin iyon?" Tanong ni sakuragi pa balik

"Kasi siraulo ka." Sagot ng huli kaya Hindi na napigilang matawa ng ilang nakikinig sa sagutan ng dalawa.

"Tsk! Mag tiwala ka nalang kasi.. Gusto ko na rin matapos ito at pagod na rin ako." Anas ni sakuragi


"Whatever! Let's go, team!" Sigaw Muli ni sakuragi.

Okaido na ang hahawak ng bola kaya mas hinigpitan na ng shoyo ang pag babantay.





The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now