chapter 70

173 17 6
                                    


Okaido 21
shoyo 13

lamang ang okaido team ng walong puntos, ikinakabahala man iyon ng shoyo ngunit wala pang inuutos ang captain nila para baguhin ang kanilang taktika. Gustuhin man ni hanagata na mag salita tungkol sa napapansin niya sa mga kasamahan ay hindi niya rin magawa.

Pero sa ngayon mukhang kailangan niya ng mangialam pa bilang myembro ng team shoyo at vice captain ng kopona'ng ito.

"Team, makinig kayo!" Paunang salitang saad ni hanagata na ikinabaling naman ng lahat sakanya, hindi naman nag abalang tumingin si fujima kaya sinimulan parin ni hanagata na mag salita.

"Gets ko na nahihirapan kayo na kalabanin ang okaido dahil kay sakuragi at rukawa, pero sana naman wag niyong pabayaan na mas malamangan pa tayo nila, nandito na tayo oh! Hahayaan pa ba nating matalo tayo ng walang ginagawa?" Saad ni hanagata na ikinayuko ng team shoyo. Hinihingal ang mga ito dala ng pagod at halos wala din silang masyadong nagawa kundi ang mag depensa ngunit nalulusutan parin sila ni sakuragi.

"Vice captain, malakas si sakuragi. Halos siya na nga ang gumawa ng lahat para sa team niya e." Anas ni eichi

"Nakikita ko iyon dahil kahit ako hirap din na depensahan siya pero di na dapat tayo mag alin langan pa, gawin natin lahat ng kaya natin. Matatapos na ang first quarter pero lamang parin sila satin." Anas pang muli ni hanagata, tila nabuhayan naman ng loob ang mga kakampi sa sinabi ni hanagata samantalang wala paring imik si fujima na nasa tabi lang nito nakaupo. Nakaduko ito habang nakapikit kaya hindi nalang nag abalang tanungin ni hanagata tungkol sa napag usapan.


Sa kabilang dako naman kung saan nag uusap ng masinsinan ang ilang team ng okaido, hindi makapag focus si aki dahil sa kakaibang titig ni sakuragi sa kabilang koponan. Kapansin pansin iyon  dahil ito iyong nasa pinakadulo, maging si rukawa na nakatabi nito ay nakikiramdam sa ginagawa nito.




Siniko ni aki si rukawa ng bahagya bago tinanguan, binibigyan ng hudyat upang mag salita ito kung bakit galit parin si sakuragi.




"Kung tatanungin mo ako kung bakit masama tingin niya sa kabila? Hindi ko alam at wala rin akong balak sabihin sayo kahit alam ko pa ang katotohanan." Inis si aki sa naging sagot ni rukawa sakanya, balak niya bang ipahamak ang kaibigan niya dahil lang sa palihim lihim na yan.




"Gusto mo ba siyang mapatalsik sa laro? Wag mo sakin sabihin na tino tolerate mo mga gagawin niya? Alam mo namang takaw din dati yan sa gulo." Bulong na anas ni aki na pinag duldulan talaga kay rukawa ang mga sinabi niya.




bumuntong hininga ng malalim si rukawa bago tinignan si aki na walang kagana gana, pagkatapos ay kay sakuragi naman na hindi mapuknat ang kakatitig sa kabilang koponan na busy sa pag uusap.





"Aki, kung inaalala mo ang bagay na yan. Pwes, wag ako ang kausapin mo kasi ako nananahimik lang ako dito, ginagawa ko lang kung ano ang naisin niyo. Tutal, boyfriend mo siya bat hindi siya ang tanungin mo ng deretsa?" Tila naubusang pasensyang saad ni rukawa, napasimangot si aki bago tinignan si sakuragi na sa wakas inalis ang pagkakatitig sa kabila.




tapos na ang minutong pag hihintay at muli na namang pumasok ang team okaido at team shoyo sa loob, muling nag ingayan ang mga manunuod kaya ginanahan na naman ang mga ito.




"sakuragi, anong gagawin mo?" Tanong ni captain tetsu ng mapadaan siya sa gawi nito. Tinignan siya ni sakuragi ng walang emosyon sa mga mata bago tinignan si ezekiel na nakatingin din pala kay sakuragi pabalik.




"maniningil ng utang, gusto ko narin tapusin ang laban kaya sakin niyo ibigay ang bola." Anas ni sakuragi na ikinatahimik ni captain tetsu. Napatingin din ang ilang kateam nito kay sakuragi bago pumwesto sa mga babantayan. Sa team shoyo na ang bola at hawak na ito ni fujima.




kakaiba na ang inilalabas na aura sa buong nitong presensya kaya agad na nag bantay ng maigi si takasugi. Ilang saglit lang ay muli na naman siyang natakasan ni fujima kaya walang nagawa pa si takasugi kundi sumunod kahit imposible na.




malapit na si basket si fujima at free'ng free din ito kung ititira niya na ang bola ay papasok ito ngunit tila hinintay niya pa na may bumantay pa sakanya kaya ng nasa harapan niya na si takasugi para agawin ang bolang ititira ay bigla itong umatras pahiga sabay release ng bola. Isang fade away shot, anas sa isipan ng team okaido kaya ng maishoot nito ay ngumisi si fujima kay takasugi dahilan para maapektuhan ang isa.




"Heh. Pinag mamalaki mo na ang tira na iyon? Kahit sino kayang kayang gawin iyon." Anas ni sakuragi na dumaan pa sa pagitan ni fujima at ezekiel, narinig iyon ni takasugi na hindi mawari kung mayayabangan o matatawa sa naging reaction ng dalawa.




"Tsk. Napakayabang mo, sa tingin mo makakalusot ka pa kaya kung ako ang mag babantay sayo?" Saad ni ezekiel na tila nag hamon muli ng isang dwelo sa pagitan nila ni sakuragi. Tila nanunuya naman siyang tinignan ni sakuragi bago pagak na natawa sa inasta nito sa harapan niya.




"Sure kaba? Mukha kasing wala ka namang binatbat sakin? Napahiya kana kanina? Uulit ka pa ba?" Saad ni sakuragi na hinagod pa ng mapang asar na tingin niya si ezekiel na napikon sa ginawa ng huli.



Nilapitan niya si sakuragi ang habang igting na igting ang panga. Hinarangan siya ni fujima na masamang nakatingin kay ezekiel, napaatras si ezekiel bago ngumisi kay sakuragi.





"Tignan nalang natin," anas nito bago umalis at nag lakad palayo. Nang si sakuragi at fujima nalang ang natira ay muli silang nag tagisan ng titigan sa isat isa.




"Wag ka masyadong pakampante na mananalo kayo dito, hindi pa ako nag sisimula." Anas ni fujima na ikinailing naman ni sakuragi na tila hindi na naniniwala sa sasabihin ni fujima.




"Ilang beses ko pa bang maririnig yan sayo? Sa ating dalawa parang mas may iyayabang pa ako kesa sa yo. Wag ka sanang magtaka kung bakit magaspang na ang ugali ko, binabago ko na kasi ang sarili ko para wala ng muling ibaba ako." Anas ni sakuragi na tila nababasa ang nilalaman ng isipan ni fujima. Nakakunot na kasi ang noo nito, sa mukha palang nito ay tila nagtataka ito sa inaasal ni sakuragi.





"Wala naman akong pakialam sa ugali na meron ka, ang importante mailabas mo na lahat ng galing na meron ka." Anas ni fujima na tinigna ang score board at natitirang oras sa first quarter.




Okaido 21
Shoyo 15

At ang remaining time na natitira ay three minutes and 23 seconds. Balak ni fujima na sundan ang score kahit paunti unti lang.





"Ilalabas ko rin naman iyon, iyon kung maipapalabas mo. Nakareserba ang galing ko sa taong deserving ng lakas ko." Anas ni sakuragi bago umalis at nginisihan si fujima na napaawang nalang ang bibig sa narinig.





The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now