chapter 56

202 25 11
                                    

At gaya nga ng pakiusap ni hanagata kina sakuragi at aki na mag sama sama nalang sila ay pumayag naman ang mga ito. Kapansin pansin ang pagbabago ng kasiglahan ni miya ng marinig iyon, alam iyon ni aki dahil nakikita niya rin ang sarili niya noon nung nangungulit pa siya kay sakuragi. Alam niya namang may gusto ito kay sakuragi ngunit kakaiba ang nasesense niya sa babae habang tinitignan ito.


"Tara na," masiglang anas ni miya na balak pa sanang hawakan si sakuragi ng higitin niya ito sa tabi niya dahilan ng muntikan nitong pagkasubsob.


"Bitch." Gigil na bulong nito na sakin talaga pinarinig, yumuko ako at nginisihan siya ng may pang aasar.


"aw, are you describing yourself?" Nanunuyang saad ni aki na ikinasama ng mukha ni miya.


"Let's go." Aya ni hanagata na tinanguan naman ni sakuragi. Automatic na pumalibot ang kamay ni sakuragi sa bewang ni aki at nakita iyon ni miya kaya kitang kita ang lungkot sa mga mata nito.


"Anong una nating lalaruin?" Nakangiting saad ni miya na tila hindi nakaramdam ng sakit kanina ng makita ang ginawa ni sakuragi.

"Sasakay kami ng arcades, bahala kayo ng sainyo." Sagot ni aki na ikinasama ng timpla na naman ni miya.


"kinakausap ba kita?" Mataray na sagot nito na kinangisi ni aki


"Eh wala ka namang direktang tinanungan ah? So i assume para sa lahat ang tanong na yon," muling ngisi ni aki, natigilan ang dalawang lalaki dahil wala silang maintindihan sa mga kasamahan nila.


"Ganyan ba talaga kayong mga babae na mag usap?" Nahihiwagaang tanong ni hanagata na kahit si sakuragi ay napapatango pa.

"Oo, lagi talaga kaming high blood sa isa't isa. Mas lalo na kung hindi naman kinakausap pero sabat ng sabat." Pag paparinig ni miya na akala mo hindi rin nakaka high blood pag uugali na meron siya.

Hindi nalang ito pinansin ni aki bagkus ay hinila niya nalang si sakuragi palayo, hahabulin pa sana ito ni miya ng pigilan na siya ni hanagata.



"Wag mo ng sundan, nag mumukha kang third wheel pag ganon." Ngising saad ni hanagata



"Kung hindi dahil sa babaeng yan, siguro masaya na kaming dalawa ni sakuragi. Kung bakit ba naman kasi hindi pa ako umamin e." Mangiyak ngiyak na saad ni miya na naglakad na patungo sa direksyon ni sakuragi at aki.


'Hay nakung babae ito, magmamahal na nga lang doon pa sa may mahal ng iba.' Naiiling na saad sa isipan ni hanagata, sinundan niya nalang ito at hindi na kinulit pa.



Habang busy sila sakuragi at aki si miya naman ay may kung ano na namang kalokohan gagawin para mapunta sakanya ang atensyon ni sakuragi. Magagawa niya lang ang bagay na iyon kung malilingat saglit si aki kay sakuragi.



"May suggest ako na laro, kapag nanalo, mag exchange partner tayo ha?" Saad ni miya na kinangisi ni aki na hindi makapaniwala sa narinig mula dito. Tinignan niya si sakuragi na nakatingin din pala sakanya.




"Anong lalaruin?" Tanong ni hanagata




"Ayun oh! Mag shoshoot lang ng bola sa ring." Nakangusong saad ni miya na ikinakamot ng ulo ni hanagata. Wala namang problema iyon kay sakuragi dahil sigurado siyang mananalo siya.



Nang marinig iyon ni aki ay blangko lamang ang expression nito, mukhang alam niya na kung ano plano ng babaeng to?




"Tayo ba ang masho'shoot?" Malamig ang boses na tanong ni aki, lumapit ito kay miya.




The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now