chapter 152

128 13 7
                                    


Makalipas ang limang taon, naging successful naman ang kompanya dahil sa pamamalakad ni hanamichi sakuragi sa edad na bente anyos, habang inaasikaso ang kompanya patuloy parin niyang tinatapos ang kanyang pag aaral. Dalawang taon nalang bago siya grumaduate sa kolehiyo kaya kahit sobrang hassle non para kay sakuragi ay naging mas matatag siya sa kanyang sarili at para narin sa pangarap niya. but despite all the challenges he faced through his own efforts it was given good results. Ang kanyang lolo fermin ay isang taon pa bago nagising sa pagkaka coma, pero ngayon ay nasa wheelchair na lamang ito at hirap na makagalaw dahil na rin sa edad nito.

"Lo, limang taon na ang nakakalipas ang kompanya natin mas lumalago na ngayon. Balak ko sanang mas palawakin pa iyon, sana pag dumating ang araw na iyon andyan pa kayo sa tabi ko." Ani sakuragi sa lolong nakatulala sa hangin. Dumaan ang emosyon sa mga mata ni don fermin, kahit na may karamdaman ito'y at hindi na makapag salita, nailalabas naman sa mga mata nito ang lungkot at awa para sa apo.

"Lolo, Mahal na Mahal kita. Gagawin ko ang lahat para mas matagal pa tayong magkasama." Ani sakuragi bago tumayo mula sa pagkakasquat sa harapan ng lolo. Nakapalibot ang mga bodyguards nito sa loob at labas ng mansyon na binili ni sakuragi mula sa sarili niyang ipon. Isa na ngayong tinaguriang pinaka mayaman si sakuragi sa ōsaka dahil sa taglay nitong pagsisikap at talino.

"Aalis na ako lolo, magkita nalang ho tayo mamaya." Ani sakuragi bago blangkong tinignan si lee at ang ilang trusted men na personal niyang trinain para mas lumakas.

"Kayo na ang bahala sa lolo ko, benjamin." Utos niya sa malamig na tonong pakiusap ni sakuragi dito. Tumango si benjamin bago yumukod kay sakuragi.

Nang mabigay na ni sakuragi ang instructions para sa mga tauhan niya agad siyang tumungo palabas, papasok na ulit siya sa kompanya sa umagang iyon. Sa daming meeting na dadaluhan niya, alam niyang sa mapapagod na naman siya buong mag damag.

Tumigil si sakuragi sa paglalakad ng mapansin ang seryosong expression ni lee, nakuha naman ni ang hudyat kaya agad itong lumapit sa amo.

"Sir, nahanap na po namin iyong pinapahanap niyo. Ang sabi ni iñaki pauwi na raw ho si ms. Aki kasama ang anak niyo mula sa america." Tumango si sakuragi at kinuha ang mga litrato na hawak ni lee.

"Sunduin niyo si aki at anak ko dalhin niyo sa opisina. Kahit anong mangyari, wag niyo silang lulubayan nang tingin." Utos nito kay lee, yumukod si lee bago tinuro ang isang bodyguard na kinausap na nito kanina pa para sa iniatang nitong trabaho.

"Sunduin niyo si miss aki sa airport at pagkatapos ay dalhin niyo sa kompanya ni señorito. Madali kayo." Utos ni lee, dali namang tumakbo ang tauhan bago sumakay sa BMW na sasakyan. Pinasibad na nito iyon agad paalis.


Sa Airport, nakapag book na sa mga oras na iyon si aki ng taxi kaya hinihintay na lamang niyang dumating ang sasakyan nila. Subalit may isang itim na sasakyan ang tumigil sa harapan nila na hustong kinagulat niya. Napayakap siya sa kanyang anak ng lumabas mula kotse ang mga lalaki.


"Ms. Aki? Kailangan niyo pong sumama samin." Ani ng lalaki na nakasuit. Nagtaka si aki sa sinabi nito.


"Sino ba kayo?" Tanong ni aki subalit hindi siya pinansin ng lalaki, tinanguan nito ang kasamahan bago binuhat ang mga maleta ni aki. Ang anak ni aki na si saki ay natutulog kaya walang kaalam alam sa nangyayari.


Wala namang nagawa si aki nang alalayan na siya nito papasok sa loob ng kotse. Inaalala niya kasi ang anak niya sa oras na question'nin  niya pa ang mga ito. Pero may hinala na siya kung sino ang nag utos sa mga ito.


"Sakanya mo ba kami dadalhin?" Tanong ni aki sa malamig na tono

Ilang minuto'y nakarating na rin sila sa mataas na building na pag aari ni sakuragi. Bumaba sila saktong nagising na ang kanyang anak kaya nagtataka itong napatingala sa gusali.


The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now