chapter 139

82 10 9
                                    


Continuation...

Habang sinusundan ng tatlo ang mga ito patungong likod ng gymnasium agad na tinapik ni kaoru at riku si kaito sa balikat dahilan para mapatingin ito sa dalawang kaibigan.


"Bakit?" Tanong ni kaito sa mga ito


"Tol, mas mabuti siguro kung humingi ka ng tulong, may masama kasi akong kutob.." saad ni riku na sinang ayunan ni kaoru, dahil kahit ito ay nababahala sa mangyayari at para narin kay sakuragi.


"Oo nga, naisip ko rin yan. Pero mas iniisip ko kanina pa ang ginawa ni sakuragi, mukhang sinadya talagang sabihin iyong tungkol sa betrayal kanina para iparating kay ace kung ano ba talaga ang mas mahalaga sakanya." Pagbukas sa usapan ni kaito


"Oo, kahit ako naisip ko rin ang bagay na yan kanina pa.. ang astig nga rin niya kanina e. Ang weird lang pero hindi ako nababahala sa mangyayari mamaya sakanya, parang may kakaiba sa pagkatao ni sakuragi.. at iyon ang hindi pa natin alam." Anas naman ni kaoru, tumango ang dalawa at natahimik ilang saglit.


Maya maya pa'y narinig nila ang ingay mula sa labas patungong gymnasium, kung saan mismo ang daanan patungo sa likod. Napatigil sa pag lalakad si riku ng makita kung gaano karami iyong mga lalaking nag aabang sa labas.


"Shit mga pre, mukhang kailangan talaga natin ng back up.. sobrang dami nila, bigla akong natakot sa kalagayan ni sakuragi, kahit pa isipin natin kung gaano siya kaastig kanina. Pag dami na ang usapan hindi tayo sigurado kung kaya niya ba yan ng mag isa. Sige na tol, mauna kana.. kung maaari humingi ka ng tulong." Tulak na saad ni riku kay kaito na kinatango ni kaoru.


"Tama siya tol, umalis kana hanggat di pa tayo nakikita ni ace." Saad ni kaoru, tumango si kaito at agad na tumakbo subalit nakita siya ng isa sa apat na kasama ni ace kanina.



"HOY!!" sigaw nito kaya nataranta si kaoru at riku dahil doon. Tatakbo na sana iyong lalaki pahabol kay kaito ng agad siyang hawakan ni sakuragi sa likod nito na husto namang kinagulat ni riku at kaoru.


'bakit ginawa niya iyon?' gulat na tanong ng dalawa sa kanilang isipan.


"Easy pre, easy. Ako ang pinunta niyo Diba? Hayaan niyo na siya." Saad ni sakuragi na nangingisi pa. Samantalang ang lalaking pinigilan ni sakuragi ay tila naestatwa at nanlalamig ang kamay, sinusubukan kasi nitong umalis sa pagkakahawak ni sakuragi subalit hindi niya magawang kumilos. Napakafirm ng pagkakahawak ni sakuragi sa kanya.



"Angas mo ah! Hindi ka man lang ba nakakaramdam ng takot sa nakikita mo? Sa dami namin, sa tingin mo makakauwi ka pa ng buhay?" Ngising saad ni ace na naglakad na pa patungo sa harapan ni sakuragi.


"Natatakot rin naman." Sagot ni sakuragi na kinatawa ng mga tao ito, sobra naman ang lawak ng pagkakangiti ni ace dahil sa sinabi ni sakuragi.


"Dapat lang, kasi sisiguraduhin ko na ibabalik ko lahat ng pagpapahiya mo sakin kanina.." saad nito, pagkaraan ay tumingin ito sa lalaki.. marahil ito ang leader ng grupong sinasabi nito kanina pa.



"Tol, magno. Ito nga pala iyong lalaking tinutukoy ko sayo na nagpahiya sakin." Saad ni ace na nakangisi pa, tinignan 'nung magno si ace at unti unting lumapit sa gawi nito.


Pinakatitigan nito si ace ng ilang segundo bago malakas na sinuntok sa sikmura. Napaluhod si ace at napaawang naman ang labi ni riku at kaoru dahil sa pagkabigla.


"W-what the!? Para saan naman iyon?" Daing na saad ni ace habang hawak hawak ang sikmura nito. Nagulat pa siya ng sipain pa siya nito.


"Gago! Sinong nag sabi sayo na pwede mong utos utusan ang mga tauhan ko? Anong karapatan mong isama sila ng hindi ko alam?" Galit na sigaw ni magno bago sinipang muli si ace, napatakbo naman ang dalawa sa direksyon ni ace.



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now