chapter 59

164 20 7
                                    


Ilang minuto pa ang hinintay nila bago dumating si rukawa at aki, nakapiring si aki na inaalalayan naman ni rukawa. May mga sinasabi ito kay rukawa ngunit hindi naman nag sasalita ang huli nang makalapit sila sa pwesto doon lang narinig ni sakuragi ang nirereklamo nito.

"Sinasabi ko sayo sa oras na madapa ako, tatakbo ka bukas ng 300 paikot sa court." Pagbabantang anas ni aki na ikinangiwi ni rukawa na medyo tinutulak pa si aki para mapabilis ang paglalakad nito.


"Ang daming mong sinasabi, ordinaryo ka lang ngayon katulad ko, hindi kita manager kapag walang basketball. Kuha mo?" Supladong anas ni rukawa na tinulak si aki patungo kay sakuragi, sinamaan naman siya ni sakuragi bago pinulupot ang kamay sa bewang ni aki.


"Hi baby." Malambing ang boses na bulong ni sakuragi.

"Sakuragi?!" Gulat na bulalas ni aki na inalis na ang blind fold, hindi na napigilan ni sakuragi ang ginawa ni aki.

Gulat na inilibot ni aki ang paningin at unti unting namangha sa nakikita, napatingin siya kay sakuragi habang nakaawang ang bibig.

Napakamot Naman sa ulo si sakuragi bago ngumisi. "Surprise." Saad ni sakuragi na parang napipilitan na sa sinabi. Nagulat siya ng dambahin siya ni aki ng yakap.

"Wowww! Napakaganda ng surpresa na ginawa mo. Sobra." Garalgal ang boses na Saad ni aki, hinaplos haplos naman sakuragi ang ulo ni aki para patahanin ito.


"Ginawa ko talaga ang surpresa na ito para..." Inalalayan na muna ni sakuragi si aki na makaupo sa upuan bago hinawakan sa kamay.   "Para official na tanungin kang muli kung pwede ba kitang maging girlfriend?" Tanong ni sakuragi ng nakangiti. Masyado kasing mabilis ang nangyari kahapon nung naging sila kaya mas minabuting tanungin ulit ni sakuragi si aki ng pormal.



"Bat kailangan mo pang tanungin yan, alam mo naman kung ano ang isasagot ko e. Oo, girlfriend mo na ako." Natatawang sagot ni aki medyo nacu'cutetan sa kanyang boyfriend. Nginisihan siya ni sakuragi bago tinaas ang kamay sabay pitik ng mga daliri nito sa ere.



Automatic namang tumugtog ang background music na nakapag bigay lalo ng ganda sa buong paligid. Parang nasa enchanted silang dalawa dahil sa pagkakaayos ng lugar, napaka ganda ng ambiance. Maya maya pa'y lumabas mula glid nila sila mito, takamiya, noma at ohkusu na may dala dalang tray na mukhang ang laman ay pagkain.



"hm. Ito na iyong pakiusap mo na lutuin sakuragi." Anas ni mito sabay na inilapag ang tray. Nakaawang naman ang bibig ni aki sa sobrang gulat at tuwa dahil napaka organise talaga ng date na ito.



Nang buksan ni mito ang pagkain, ang laman non ay beef steak na medium rare na kung pag babasehan sa pagluluto ay aabot ng dalawang minuto per side.


"Wow! Ang sosyal naman, naka steak. Pero sino nag luto?" Tanong ni aki na ipinag kibit balikat nalang naman ni mito habang nakangiti.



Nilapag rin naman ni takamiya ang katulad na katulad din na pagkain ni sakuragi na beef steak.



"Sabi nila masarap kumain nito kapag may red wine pero dahil bata pa tayo at bawal pa non, softdrinks nalang or iced tea." Saad ni sakuragi na ikinangiti ni aki ng malaki. Ang ganda talaga!




"kahit ano basta may maiinom tayo." Sagot ni aki bago muling pinag masdan ang pagkain na nasa harapan niya.



"Kain na muna tayo." Aya ni sakuragi na ikinatango naman ni aki. Nag simula na ngang kumain ang mga ito.


samantalang sa kabilang dako kung saan nag hihintay ang mga kaibigan ni sakuragi, nakangiti ang mga ito habang nakamasid sa dalawang magkasintahan.



"Ang ganda nilang pagmasdan na dalawa. Ngayon ko lang nakita na masaya si sakuragi." Anas ni mito na nakita ang pinag daanan noon ni sakuragi.




"hmm. Sana magtuloy tuloy na dahil nakakaawa siya kung mauulit na naman iyong mga pinag daanan niya. Sana si aki na talaga ang para sakanya." Saad naman ni noma na ang tinutukoy ay iyong dating pagka depress ni sakuragi dahil sa paulit ulit na pag rereject dito ng mga babae.



"Mukha namang mahal na mahal ni aki si sakuragi kaya tiwala ako na hindi niya ito sasaktan." Saad ni mito na siguradong sigurado sa sinabi.

Samantalang si rukawa naman ay tahimik lang sa gilid habang may malalim na iniisip. Napapaisip din ito sa mga pinag uusapan ng mga ito, may ideya naman siya kung bakit ganito ang mga dating kaibigan ni sakuragi.




"Rukawa bat ang tahimik mo naman yata?" Puna ni takamiya ng tignan nila itong si rukawa na nakatingin lang kila sakuragi..




"May iniisip lang ako." Sagot ni rukawa bago naglakad palayo.




"Uuwi ka na ba?" Pahabol na tanong ni mito, hindi naman sumagot si rukawa bagkus ay naglakad nalang ito palayo.




"Siya nga pala mito, nakahanda na ba iyong firework display mamaya?" Tanong ni noma




"Oo nakahanda na rin iyon, hudyat nalang ni sakuragi ang kailangan natin." Napatango ang mga ito at pagkaraan ay si ohkusu naman ang natahimik.




"Pre, sa tingin mo mapapatawad pa kaya tayo ni sakuragi?" Tanong ni ohkusu bigla na kinakunot naman ng noo ng tatlo.



"bakit naman hindi? Kilala natin si sakuragi at alam kong mapapatawad niya tayo." Saad ni takamiya




"Ilang buwan narin ang nakakalipas at marami naring nag bago sa tingin niyo ba dati parin ba ugali niya?" Muling pagke kwestiyon ni ohkusu na kinagugulat talaga ng tatlo.




"Ano bang nangyayari sayo? Wala ka bang balak makipag ayos kay sakuragi?", diretsahang tanong ni mito na seryosong tinignan sa mata ni ohkusu.




"Hindi naman sa ganon, naninibago lang ako sa kinikilos niya." Sagot naman ni ohkusu.




"Maganda naman ang pagbabago niya, ngayon ko nalang nga ulit siyang nakitang masaya.




"Alam ko. Ayy basta.." sagot naman ng huli




"Teka.. maya na kayo mag usap usap. Tignan niyo si sakuragi oh! inaalalayan niya na si aki." Bulalas na saad ni takamiya.




"Impyernes, magaling pumili si sakuragi. Ang ganda ng girlfriend e." Anas ni noma na tinitignan si aki mula ulo hanggang paa.




"Ikaw lang naman itong panget dito." Pang aasar na sagot ni takamiya kay noma.




"Tumigil na muna kayo sa kakaingay niyo, baka hindi natin makita iyong hudyat na gagawin niya." Sita ni mito sa mga ito.


nasa gitna na kasi si sakuragi at aki na nag sasayaw napaka romantic nilang tignan. Halatang halata sa mga mukha nila na sobra nilang mahal ang isa't isa.




"Noma, tumungo kana sa pinag lagyan mo ng fireworks. Kami na ang bahala mag bigay signal sayo." Saad ni mito na kinatango naman ni noma. Nang makarating ito sa mahigit pitong fireworks ay doon naman nag taas ng kamay si sakuragi bilang hudyat.




"Sige na noma, simulan mo na." Saad ni mito kay noma na sinunod naman at agad na sinindihan ang fireworks.




Ilang saglit pa ay pumutok na nga ang mga ito sa himpapawid at may letter na nag foform doon.




I
L
O
V
E
Y
O
U


Ang nakasaad sa fireworks sa himpapawid. Tuwang tuwa naman si aki na lumuluha na dahil sa surpresang natanggap niya.




"I love you too."



saad ni aki bago tumingkayad at hinalikan sa labi si sakuragi na tinugon din naman nito sa matamis na paraan. Napangisi naman ang apat sa nasaksihan.





*****
(a/n: THANK YOU SA MGA PANG UNAWA NIYO GUYSS! SOBRANG THANK YOU.. AND SORRY DIN KASI MAIKSI NA PALAGI ANG NAUPDATE KO. GUSTUHIN KO MAN PAHABAIN PERO SOBRANG DRAIN NA TALAGA ANG UTAK KO DAHIL SA SCHOOL..PATAWARIN NIYO AKO!)


The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now