chapter 63

143 21 5
                                    


Okaido 7
shoyo 4

"Defense!"

"defense!"

"defense!"

sigawan ng mga manunuod na ang shoyo na mismo ang may hawak ng bola at si fujima na ang nagpapasok ng bola. Nagpalitan ng binabantayan takasugi at sakuragi, nagulat silang fujima sa naging pagbabago ng pagdedepensa nila.

"Sa tingin niyo ba magkakaroon ng chance iyang si takasugi kay ezekiel?" Saad ni fujima kay sakuragi ng magkaharap na sila.

"Ipapalit ko ba siya sakin kung alam kong hindi niya kaya, magaling si takasugi mag depensa na kahit napakarumi pa maglaro ng kakampi mo na yan hindi niya matatalo sa pabilisan." Nagtaka si fujima sa sinabi ni sakuragi kaya pinasa niya ang bola kay ezekiel, nagulat sila ng biglang harangan ito ng kamay ni takasugi dahilan para mapunta sakanya ang bola.

"nice one takasugi." Anas ni sakuragi na iniumang pa ang kamay para sa bola.

"Heh. Liit na bagay." Sagot ni takasugi na tinignan pa si ezekiel na medyo na badtrip sa paraan ng tono ng pananalita ni takasugi.

Nang hawak na ni sakuragi ang bola ay agad naman siyang binantayan ni fujima na seryosong nakatingin sa bawat kilos na ginagawa niya. Akala ni fujima ay smooth lang na idinidribble ito ni sakuragi ngunit nagulat nalang ito ng kasabay ng pag hampas niya ng malakas sa bola patalbog ay ang siya namang pag atake niya sa depensa nito.


'Mukhang mahihirapan na talaga ako sakanya.' Anas ni fujima na hinabol parin si sakuragi at pilit na nakipag sabayan sa mas matangkad dito. Nang malapit na si sakuragi sa basket nila ay agad siyang tumalon upang tumira ng isang lay up shot.



Matagumpay nitong naipasok ang bola ng walang kahirap hirap at dahil iyon sa higpit ng pagkakabantay ni tetsuya kay toru.


"Ang galing mo sakuragi." Sigaw ng mga manunuod mula sa taas ng bench.


Okaido 9
shoyo 4

"hirap mo na talagang kalaban ngayon, hindi ko na alam kong paano pa kita matatalo." Saad ni fujima ng mapadaan si sakuragi sa gilid niya.


"Kahit kailan hindi ako makakapayag na manalo ka laban sakin," saad ni sakuragi na may himig kahulugan ang sinabi. Napailing si fujima ng maalala si aki sa mga binitawan nitong salita.



"Hanggang ngayon parin ba'y nag seselos ka parin?" Tanong ni fujima na ikinaasim ng mukha ni sakuragi


"Tss. Bat naman ako mag seselos?" Balik tanong na saad ni sakuragi, napangisi si fujima bago tumingin sa direksyon ni aki.


"Kasi alam mo sa sarili mo na mas deserving ako sakanya kesa sayo." Tila natamaan si sakuragi sa sinabi ni fujima kaya umigting ang panga nito dahilan para dumilim ang mukha ng huli.

lalapitan na sana ito ni sakuragi si fujima ng may humawak sa balikat nito upang pigilan siya sa gagawin at si rukawa iyon na may pag babantang titig, nakatingin ito kay sakuragi ng seryoso bago hinila palayo.


"magtutuos tayo ngayon sa laro fujima." Huling pahabol na saad ni sakuragi bago inalis ang pagkakahawak ni rukawa sa balikat niya.


Nang sabay na naglakad ang dalawa kapansin pansin ang biglang pagkawala sa mood ni sakuragi, nabahala ang ilang mga kateammates nila na baka maapektuhan din ang paglalaro nito.



"Wag kang magpalamon sa galit na nararamdaman mo, nasa laro tayo kaya mag focus ka." Saad ni rukawa sa kaibigan bago ito umalis upang punwesto na sa babantayan nito.


Sa shoyo na ang bola at gaya ng aura ni sakuragi ay ganon din ang nakikita kay fujima. Hindi ng iba mawari kung magiging maayos pa ba ang laro kung silang dalawa ang magkakatapatan, nang subukan ni fujima na atakehin ang depensa ni sakuragi ay hindi siya makalusot man lang dahil sa higpit ng pagkakabantay nito.



Muling sumubok si fujima na mag cross over pakanan kay sakuragi ngunit nasusundan iyon ni sakuragi kaya napapaatras na idinidribble ito ni fujima. Tumakbo naman ang isang kakampi ni fujima patungo sa side niya upang maipasa ang bola, nang balakin sana ni fujima na ipasa ang laro ay napangisi si sakuragi.




"hindi mo ako maloloko sa mga fake tactics mo." saad ni sakuragi na kinalaki ng mata ni fujima.



"tayong dalawa ang mag tuos. At dito natin mapapatunayan kung sino ba talaga ang mas deserving sakanya." Saad muli ni sakuragi na sa isang iglap lang ay naagaw na ang bola sa pagkaka dribble ni fujima. Naestatwa sa kinatatayuan si fujima sa nangyari maging ang mga manunuod ay napaawang ang bibig dahil sa pagkagulat na ginawa nito.




"Mag focus kayo sa laro." Sigaw ni toru hanagata na tinignan si fujima bago muling ibinabalik ang atensyon sa paparating na si sakuragi, akala ng lahat ng tumalon si sakuragi ay mag du'dunk ito ngunit mabilis nitong iniiwas ang kamay na may hawak ng bola sabay back pass kay rukawa na tumalon narin pala para gumawa ng easy lay up sa gilid ni toru hanagata at ezekiel.





'RUKAWA'



'SAKURAGI'



'RUKAWA'


'SAKURAGI'



sigawan ng mga manunuod sa nasaksihang tandem na naman ng dalawa. Nang makababa silang dalawa mula sa pagtalon ay agad na tinungo ni sakuragi si fujima, seryoso na ang mga mata nito habang nakatingin dito ng deretso.





"Binabalaan kita fujima, kunin mo na ang lahat wag lang girlfriend ko. Dahil kahit itong pinakamamahal kong basketball isasakripisyo ko alang alang lang sa kanya." anas ni sakuragi na nakapag bigay kilabot ng husto kay fujima. Ito ang unang beses na makita ni fujima'ng naging seryoso si sakuragi sa harapan niya.





"Pinapatunayan ko rin naman na gusto ko rin siya kaya anong masama sa ginagawa ko?" Tanong ni fujima kay sakuragi na ikinatawa nito ng pagak.




"masama? Hindi mo alam kong ano ang ginagawa mong masama? Iyon ay guluhin pa kami sa relasyon naming dalawa. Sa tingin mo ba hindi masama ginagawa mo?" Padaskol na sagot ni sakuragi, napatingin sila aki sa pwesto ni sakuragi at fujima ng marinig nila ang sigawan doon.




napatayo si aki at ang ilang players dahil sa nangyari, inawat na agad ni rukawa si sakuragi na nagpupumiglas naman sa pagkakahawak nito.




"Hindi ko pa siya inaagaw, kaya wag ka namang pahalata na sobrang natatakot kana sa gagawin ko." Saad ni fujima na nang aasar pa na tono. Napailing si rukawa bago pumagitna sa dalawa at binigyan ng babalang tingin si fujima.





"Wag mo ng subukan, masisira ang buhay mo." Saad ni rukawa na kina'scoffed ni fujima.




"Tsk. Then, mag bet tayo? Kung sino manalo siya ang mag pursue kay aki at never ng makakalapit sakanya." Saad ni fujima na nakapag painit lalo ng ulo ni sakuragi bago ngumisi.





"Sa tingin mo ba kahit manalo ka dito, pipiliin ka ng girlfriend ko? Noong wala palang kami ako na ang gusto niya, saksi ka roon dahil ako bukang bibig niya sayo diba? Kaya wag kang umasa na magiging kayo kahit na matalo mo ako. Dahil.... hindi ko rin naman hahayaan na mangyari iyon." Saad ni sakuragi bago iwinaksi ang kamay ni rukawa palayo.






Okaido 11
shoyo 4


lamang na ang okaido team, magagawa kaya ni fujima na makahabol kay sakuragi na ngayon ay labis na ang pagkamuhi sakanya.





******
(a/n: hello! Have a good monday to everyone!)



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Där berättelser lever. Upptäck nu