chapter 42

233 27 12
                                    


Naipasok nga ni sakuragi ang free throw kaya naging 60-43 na ang score nila. Seventeen na ang lamang ng okaido sa shohoku at pinag hihinaan narin ng loob ang mga ito na lumaban. Ngunit tanging si mitsui lang ang pursigido na ipagpatuloy parin ang laro kahit na hirap na silang maabutan ang mga ito. Humingi rin sila ng time out upang mapag usapan ang susunod na gagawin na plano, ngunit lamang parin talaga ang lungkot na nararamraman nila para sa team nila.



"Hindi ako naging MVP noon para lang sa wala, naging masama man ako pero nasa alaala ko parin ang mga masasayang araw na naging best player ako." Saad ni mitsui na kinagulat naman ng buong shohoku dahil sa sinabi nito. Maging si miyagi na wala sanang balak pang pakialamanan ito ay napapatango dahil agree din ito sa isang bagay na pinaniniwalaan din niya.




'magaling din naman ako at kinikilala sa buong kanagawa na magaling na point guard, dapat hindi ko iyon sayangin dahil lang sa nalamangan kami.' saad ni miyagi sa kanyang sarili upang kumbinsihin pa ulit na maging matatag para sa buong team.




"Kahit galit ako kay mitsui, some point ay tama siya dahil may kanya kanya tayong abilidad na maaari nating magamit sa laban. Kung sila hindi sumusuko, dapat ganon din tayo kahit na negatibo ang kalabasan ng gagawin natin." Paglalahad na saad ni miyagi, muli niyang sinusubukang buksan ang mga isip nito at determinasyon na muling bumangon.




"Tama ka miyagi, lalaban tayo sa abot ng ating makakaya. Kahit pa hindi na tayo katulad ng dati ay dapat ipag malaki parin natin na naging malakas tayo at nakatungtong tayo rito." Saad naman ni ayako na tumayo pa at lumapit kay miyagi para akbayan ito na kinapula naman ng mukha ng huli.




"Oo nga, tama sila team. Kaya wag kayong susuko hanggat hindi pa nagiging zero ang oras." Napatingin sila ng sabay sabay ng marinig nila ang boses ng kanilang coacg anzai na nakangiting nakatingin sakanila.



"COACH!!" Gulat at masayang bati ng buong team shohoku. Naging hudyat naman iyon upang tignan din ng kabilang team ang nangyayari sa kabila, hindi maipaliwanag ni sakuragi ang nararamdaman makita niya ang coach anzai nila na nakangiti.



naramdaman nalang ni sakuragi ang paghawak ni aki sa kamay niya kaya nabalik siya sa wisyo. Nakangiti si aki nang lingunin niya ito.




"Hmm. Okay lang yan sakuragi, nandito kami para samahan ka mamaya." Pagpapalakas ng loob ni aki kay sakuragi, napatitig si sakuragi kay aki ng ilang segundo bago bumuntong hininga ng malalim at tumango.





"Salamat sainyo, pero mas mabuting ako nalang ang  mag isa na pupunta mamaya. Gusto ko rin kasing makausap ng... matagal si coach." Hindi napigilan ni sakuragi ang emosyong naramdaman niya kaya nagulat pa sila ng tumulo ang luha nito na agad din namang pinunasan kalaunan bago ngumiti sa mga kasamahan niya.





"Sasama ako, gusto ko rin kamustahin si coach.. wala ka nang magagawa pa doon." Sabad ni rukawa na nakatingin kay sakuragi ng masama. Wala namang nagawa si sakuragi kundi ang tumango nalang sa gusto nitong mangyari.




Nang muling pumito ang referee hudyat na tapos na ang time out, pagkapasok na pagkapasok palang nilang lahat ay ramdam na agad ng team okaido ang pagbabago ng aura ng buong shohoku team. Nababalot sa mga mukha nito ang determinasyon na manalo at ipagpatuloy ang laban na walang sukuan.




"sana ganyan din nararamdaman ko ngayon at si coach ang makakapag palakas ng loob ko" bulong na saad ni sakuragi sakanyang sarili ngunit narinig iyon ni rukawa.




"Tsk. Wag ka ngang pang hinaan ng loob dyan, alam mo ang kapalit kapag natalo tayo dito diba? Hindi natin mapupuntahan si coach." Saad ni rukawa na kinasimangot naman bigla ni sakuragi.




The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now