chapter 81

124 7 3
                                    


"nice spin move sakuragi, napakagaling mo talaga.." punong puno ng paghangang anas ni tetsuya kay sakuragi, ngumiti lamang si sakuragi bago nag punas ng sariling pawis sa kanyang jersey shirt.

"Hindi lang iyon captain ang nakakabilib, dalawang naglalakihang katawan din ang nagbabantay kanina sa kanya pero nagawa niya paring mailusot ang bola. Eh kilala pa naman natin na madumi maglaro iyong mga iyon." Anas ni takasugi, sinamaan ito ni tetsuya sabay batok..

"Bunganga mo, itikom mo nalang." Inis na bulyaw ni  tetsuya dito

"Sorry naman, captain." Sabay nguso nito at alis palayo

"Sa ngayon, mukhang nakikita kong nagbabalik na sa dating sigla ang shoyo." Anas ni tetsuya, tumango si sakuragi samantalang nakatingin lamang si rukawa kay sakuragi na nag aabang sa sasabihin nito.


"Inaasahan ko na rin na mangyayari ang bagay na yan, captain. Mas macha'challenge ako kung kasing galing ni fujima ang makakaharap ko." Seryosong saad ni sakuragi na nakapag pakunot ng noo ni tetsuya, napangisi naman si rukawa dahil sa sinagot ng kaibigan.


"Anong ibig mong ipahiwatig sa sinabi mo, sakuragi?" Tanong ni tetsuya, ngumiti ng bahagya si sakuragi bago tumingin kay fujima.


"Hindi naman ako magiging mas malakas kung wala akong nakalaban na malakas rin.. ichina'challenge ko lang ang sarili ko captain, hindi kasi ako pwedeng makuntento sa kakayahan na meron ako ngayon.." sagot ni sakuragi, naintindihan naman ni tetsuya ang sinabi ni sakuragi at pagkaraan ay napatango.


"Hayy! Sige, kung nais mong makaharap si fujima na kayong dalawa lang, sayo namin ibibigay lahat ng bola. Basta sisiguraduhin mo lang na maipapasok mo." Anas ni captain, napatango na lamang si sakuragi bago bumuntong hininga.


tinapik naman siya ni rukawa sa balikat bago nginisihan.

"Kayabangan, samantalang dati gunggong pa kong maglaro." pang aalaskang saad ni rukawa, ngumiwi si sakuragi sa sinabi niya at pagkaraan ay natawa.


"Hindi ko naman kinakalimutan ang bagay na iyon, mas lumalakas nga ako kasi alam kong may pang kukuhaan ako ng motivation sa bawat laban na ginagawa ko." Natawa ng bahagya si rukawa sa sinagot ng kaibigan.


"Hindi talaga ako makapaniwala sa mga naririnig ko sayo ngayon, hindi ka naman kasi ganyan noon e. Pagyayabang lang ang alam mong sabihin dati, ngayon may paword of wisdom kanang sinasabi."


"Iwan ko sayo, sa dami kong pinag daanan sa buhay lahat nagbabago.. hindi ka pwedeng mag stay sa isang lugar dahil hindi ka talaga makakausad niyan. In short, baguhin mo iyong ugali na nakasanayan mo para sa sarili mo." Sagot ni sakuragi

"Hayys! Iwan ko sayo.. tara na nga." Natatawang akay ni rukawa kay sakuragi


Okaido 38
Shoyo 28

Mag balik tayo sa laro, meron na lamang 3 minutes and 33 seconds remaining bago matapos ang first half, hawak na ng team shoyo ang bola at ipinapasok na ito ni minato, ipinasa nito kay fujima ang bola at muling nagkaharap silang dalawa ni sakuragi.



Wala ng narinig si sakuragi mula kay fujima, bagkus ay seryoso lamang itong nag didribble sa harapan ni sakuragi, ilang dribbling pa ay umatake na ito pakanan kay sakuragi, nabigla doon si sakuragi kaya hindi na nito naabutan ang mabilis na atake nito. Hinarangan ito ni takasugi ngunit mabilis lamang nitong crinoss over kaya naiwan ito.


Pagkarating sa ilalim ng kanilang basket ay agad namang siyang binantayan ni tetsuya, iaaktong ititira sana ito ni fujima kaya napatalon rin si tetsuya  ngunit fake jump shot lang pala iyon kaya muling nag dribble si fujima sabay step side at release ng bola..


Naipasok nga nito ang bola kaya ang score nila 30 na, naghiyawan ulit ang mga tao sa nakita, tinignan lamang ni fujima si sakuragi ng seryoso bago tumalikod.


nakita iyon ni rukawa kaya napatingin din siya kay sakuragi na mukhang natutuwa pa sa ginawan ni fujima sa kanya



"Okay! Mukhang kailangan talaga nating mag seryoso.." saad ni sakuragi kay rukawa, napakibit balikat naman si rukawa sa narinig.



"Eh! Kanina pa naman kami seryoso ah? Bakit ikaw ba, hindi?" Tanong ni rukawa, napakunot naman ang noo ni sakuragi sa sinabi ni rukawa.



"Tsk! Ang hilig mong mambasag no, tsk! Ipasa mo sakin ang bola." Saad ni sakuragi bago tumalikod, napailing nalang si rukawa.



Pinapasok na ito ni takasugi, pinasa na nito kay rukawa kaya inasar pa nito si sakuragi, sumama lang lalo tingin ng huli sa kanya. Wala namang nagawa si rukawa kundi ipasa ang bola sa kaibigan niyang mainitin ang ulo.



Pagkapasa ni rukawa kay sakuragi ay agad namang naging seryoso ang itsura ni sakuragi, maya maya pa ay tila nawala ito bigla sa harapan ni fujima ng hindi nito namamalayan, kakahawak pa lamang nito ng bola ay nawala nalang ng parang bula si sakuragi sa harapan niya.


Nanlalaki ang mata niya sa ginawa ni sakuragi, napahiyaw ang mga tao sa nakita, mas lalo ng ma ankle break niya ezekiel at eichi ng subukan na naman ng mga itong idouble team si sakuragi.


nabasa na kasi ni sakuragi ang gagawing galaw ng mga ito kaya inadvance ay inunahan niya na bago pa ng mga ito magawa ang plano. Pagkarating sa ilalim ng basket nila ay sumigaw si hanagata.



"Hindi ko hahayaan na maishoot mo yan sakuragi!" Sigaw ni hanagata, ngunit nag side look lamang si sakuragi dahilan para mapatingin doon si hanagata, akala ni hanagata ay ipapasa nito ang bola kaya napatungo ang kamay niya doon.



Napangisi si sakuragi sa nakita bago tumalon para sana itira ang bola ngunit isa lang din iyong fake jump shot na ginawa ni fujima kanina sa kanilang captain.



"Ginaya niya si fujima, nag fake jump shot din siya." Bulalas ni shintaro na nasa bench. Nangingilabutan narin ito sa nasasaksihan .


Samo't saring pag checheer narin ang naririnig ng lahat dahil kay sakuragi, hindi na sila matigil sa kakasigaw dahil sa pananabik sa ginagawa ni sakuragi.



pagkababa ni sakuragi mula sa fake jump shot ay agad siyang nag step side din at isahang kamay lamang na inirelease ang bola mula sa ilalim ng braso ni hanagata.



napatingin sila sa bola at matagumpay nga nitong naipasok ang bola, napanganga na lamang ang team okaido at shoyo sa nakita.



"Kaya niya ring gawin ang nagagawa ni fujima, bukod doon ay na ankle break niya rin si eichi at ezekiel na tila na predict niya ang gagawin ng mga ito." Anas ni nobunaga, napaawang muli ang bibig niya at hindi na rin napigilang mapasigaw sa kasabikan na ginawa ni sakuragi.



"Pambihirang lakas yan, hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko sa oras na makaharap natin sila. Sure ako na sa oras na matapos ang laban nila, ang okaido na ngayon ang kikilalaning malakas." Anas ng isang manunuod na narinig ng ryonan, kainan at shohoku.. natrigger sila sa narinig kaya in instant ay nawala ang pangamba nila at napalitan determinasyon na makalaban sila sakuragi at matalo ang team nito.


nagkaroon sila ng lakas upang mas maging malakas pa...



*****
(A/n: sorry late update! Enjoy reading po. God blessed us all)

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now