Chapter 36

245 27 14
                                    

..

"Sakuragi, ayos ka lang ba?" Tanong ni aki ng makaupo na si sakuragi sa kanilang bench.

Wala namang narinig na sagot si aki kay sakuragi bagkus ay malamig lamang nitong tinignan ang grupo ng shohoku. May namumuong galit sa mga mata ni sakuragi habang nakatingin sa mga ito, ramdam iyon ng kanyang mga kateam kaya hindi nalang sila nagtanong pa.

Kinuha ni sakuragi ang inumin sa kamay ni rukawa at ininom ito doon mismo, nagulat pa sila sa ginawa nito.


"Wag mo kaming idaan sa pagiging maattitude mo ngayon sakuragi, naiinis na rin ako." Saad ni rukawa na binatukan pa si sakuragi.

nag singhapan naman ang mga kateammates nila ng gawin iyon ni rukawa.

"Tss. Sakin niyo ipasa ang bola ako ang gagawa ulit ng puntos." Saad ni sakuragi bago tumayo at naglakad patungo sa gilid upang makapag pahinga ng konti.


"Labis talaga ang galit na nararamdaman niya ngayon dahil sa ginawa ni mitsui sakanya. Ano ba kasing kinagagalit ni mitsui sakanya?" Nakakunot noong tanong shintaro bago tinignan si rukawa.


"Wala rin akong alam, basta magmula ng bumalik si sakuragi mula sa rehab naging ganyan na si mitsui." Saad ni rukawa, natahimik na ito at hindi na dinagdagan pa ang mga sinabi niya.


"Kung ano man iyon, sana wag nang tumagal ang alitan nilang dalawa. Naging magkakampi rin naman sila ah?" Saad ni kazuko


"Sana kung magbabago si mitsui." saad ni takasugi na nagkibit balikat pa.

Inilabas na si kazuko at shintato na pinalitan naman ni takasugi at kiyo.

Nang matapos ang time out ay agad nang pumasok sila sa loob, hawak na ni miyagi ang bola at sinusubukan nitong makalusot sa depensa ni takasugi.

Nang hindi magawa ni miyagi ang binabalak ay agad niyang ipinasa kay mitsui ang bola. Hindi pa man nakakapag dribble si mitsui ay naagaw na ito ni sakuragi na todong kinasinghap ng lahat sa pagkagulat.


Agad na tumakbo si sakuragi ng mabilis, naiwasan niya rin ang pag attempt na block ni akagi sakanya ng subukan niyang itira ang bola sa harapan nito mismo. Nang mag cross over siya patungo sa gilid ay agad niyang inirelease ang bola kaya nakagawa ito ng lay up..

Napatanga naman ang team shohoku dahil sa nangyari, halos hindi na nila masabayan pa ang galaw na ginagawa ni sakuragi. Napakabilis nito kanina habang dinidribble ang bola, tapos mabilis din niyang naiwasan si akagi ng ganon lang.


"Wala na talagang makakapag pahinto sa kanya." Naiiyak na saad ni ayako habang nakatingin kay sakuragi


Okaido 41
shohoku 31


lamang na lamang na talaga ang team okaido, kaya sobrang natuwa ang mga kateam nito. Halos lahat ng mga manunuod ay si sakuragi nalang pinapanuod at sa gagawin pa nitong panibagong taktika.



"Hinay lang sakuragi, may 3rd and 4rth quarter pa tayo." Pagbibirong saad ni kiyo na tinap pa si sakuragi sa balikat.



"Sa tingin mo may pakialam pa ako, tatapusin ko ang laban at lalamangan ko sila. Wala na akong pakialam pa sa kanila." Malamig at punong puno ng galit na saad ni sakuragi. Napalunok si kiyo at hindi nalang nakaimik pa sa sinabi ni sakuragi.




"Tuluyan na talaga siyang nilamon ng sakit at galit dahil kay mitsui. Natatakot ako para sa shohoku, tho gustong gusto ko rin silang talunin." Saad ni kiyo kay takasugi at captain tetsu.



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now