chapter 133

107 13 7
                                    


Continuation...

'Nang makapag park si butler lee mula sa underground parking ng mall na pinuntahan nila agad din silang pumasok at dumeretso sa clothing area ng pang baby, halos lahat ng mga namimili doon ay nasa tamang edad na at mag asawa pa o magkasintahan. Tanging si sakuragi lamang ang mas bata sa kanila na nasa loob.

Bagamat pinag titinginan siya ng mga tao, hindi iyon maging alintana kay sakuragi mas na enganyo nga siyang bumili ng maraming damit ng baby dahil may bagong discount ito.


"Sir, sa tingin niyo ho? Lalaki ba ang magiging anak niyo o babae?" Tanong ni lee

"Hindi ko rin ho alam tatay lee, pero kahit ano pa man ang kasarian ng magiging anak ko ay ikatutuwa ko ng husto. Ganito po pala sa pakiramdam iyong saya kapag alam mong makikita po ang sarili mo sa baby mo." Nakangiting saad ni sakuragi, tuwang tuwa namang pinag mamasdan ni butler lee ang kanyang amo na mukhang proud na proud..

Nangingislapan din ang mga mata nito habang namimili ng mga damit pambabae.


"Masaya ako para sainyo sir, at totoo po.. sobrang saya sa pakiramdam na may makikita kang kamukha mo.. mas lalo na ho kung halo ang mukha niyo at nang kasintahan niyo sa anak niyo." Nakangiting sabi ni butler lee


"Lalo po tuloy akong nananabik na makita sila.. sana nasa maayos silang kalagayan, wala akong magawa sa ngayon dahil nag sisimula palang akong magtrabaho para sa kanila."


"Wag na kayong mag isip pa ng kung ano sir, pasasaan pa't makikita niyo rin ang mag ina niyo. Manalangin lamang kayo palagi sa diyos at malay niyo makita niyo na sila bukas o sa sunod na taon." Saad ni butler lee upang mapagaan ang nararamdam ni sakuragi.

"Salamat po."


Habang busy sa paglagay sa cart ng ilang damit na pinili niya, may naglakas loob na lumapit sa kanila na babae. Base sa nakarehistro sa kanyang mukha nacu'curious ito sa ginagawa ni sakuragi sa loob ng store na iyon.


"Excuse me? Okay lang ba kung maistorbo kayo?" Polite na tanong ng babae, napatigil si sakuragi sa pag halungkat ng damit at tinignan ang babae.


"Bakit po?" Tanong ni sakuragi


"Hmm. Kanina ko pa kasi kayo napapansin na namimili ng mga damit ng pang'baby. I'm just wondering if bakit kumukuha ka ng mga pambatang damit?" Napatingin si sakuragi kay butler lee, napakibit balikat naman ito bago tinignan ang babae.



"Ahm. Masama po ba ang ginagawa ko sa paningin niyo?" Walang tahasang pagtatanong ni sakuragi sa babae. Kahit kasi hindi itanong ni sakuragi kung ano ba ang dahilan nito sa pagtatanong sakanya, nasesense niya naman ang intensyon nito.



"Ahh. N-no, I'm just curious.. masyado ka pa kasing bata para mamili ng damit ng pang baby.. I'm sorry." Anas ng babae, umiling naman si sakuragi bago kinuha ang ilang damit na nakuha niya na kanina pa.


"Yes, may anak na ako sa edad kong ito at hindi ko iyon itinatago sa ibang taong mag tatanong sakin ng tungkol dyan. Pero kahit na bata ako sa paningin niyo, buong buo ang paniniwala ko na wala sa edad ang pagiging batang ama. Isipin niyo man na napakababaw ng pagiisip ko ngayon, as long as ginagawa ko ang pagiging tatay sa anak ko, it doesn't matter to me now kahit na maliitin ako ng mga tao, hindi ko tatakbuhan ang obligasyon ko bilang isang magulang dahil lang sa BATA lang ako." Saad ni sakuragi na nakapag patulala sa babae, namula rin ang buong mukha nito ng makaramdam ito ng pagkapahiya.



"N-no, I'm so sorry.. wala akong ibig sabihin sa mga naitanong ko. Nacurious lang talaga ako na may isang tulad mo na handang gawin ang lahat para sa anak niya. Marami lang talagang tao na kaedaran mo na mas piniling maging binata kesa ang magpaka'ama." Naintindihan ni sakuragi ang naging punto ng ginang sa kanya kaya nginitian niya ito.



"Maraming salamat po, pasensya na rin kung naging mahaba ang naging eksplinasyon ko sa tinanong niyo. Akala ko po kasi, mamaliitin niyo ako dahil lang sa pagiging batang ama ko. At sa ganitong katayuan na meron ako." Napakunot noo ang ginang sa malalim na ibig sabihin ni sakuragi sakanya.



Nasulyapan ng panandalian ng ginang ang kakaibang kislap sa mga mata ni sakuragi. Nandoon iyong pagsisikap na mapabago ang sarili kahit na sobrang daming pagsubok ang pag dadaanan nito.



"By the way. I'm gina, katulad mo naging batang ina rin ako. Tinakbuhan ako ng lalaking akala ko magiging katuwang ko sa lahat ng pagsubok na pagdadaanan ko. Pero, wala eh! Natalo ako sa laban na iyon. Iniwan niya ako at nagpakalayo layo siya para sa kalayaang gusto niya." Hindi mawari kung bakit biglang nakaramdam ng kalungkutan si sakuragi sa kanyang buong pagkatao.


Naisip niya bigla ang kalagayan ni aki at sa pagbubuntis nito na wala siya sa tabi nito. Pakiramdam niya naging katulad din siya ng lalaki na ikini'kwento ng ginang sakanya ngayon. Napayuko siya at hindi makatingin sa babae.


"Ma'am, nasa malayong lugar ang taong pinakamamahal ko habang pinag bubuntis niya ang magiging anak namin." Biglang anas ni sakuragi na hustong kinagulat ng ginang, hindi niya kasi nito inaasahan na may problema ito na ganoon.


Sa layo kasi ng sayang ipinapakita ni sakuragi sa mukha nito, hindi naisip ng ginang na ganon pala ang sitwasyon nito. Tila nag sisi siya sa pagtatanong ng kung ano dito.


"I-im really sorry.. hindi ko intensyong iparamdam sayo ang ginawa ng lalaking itinutukoy ko, napakalayo ng pagkakapariho niyong dalawa para maisip ko na parihas kayo. Isa kang magiging mabuting ama," nasaad nito kay sakuragi, tumingin si sakuragi kay lee..



"Ahm. Pasensya na ma'am, aalis na ho kami.." pag singit ni butler lee sa usapan, tumango naman ang babae habang pinag mamasdan palayo si sakuragi..



Maya maya pa'y sumilay ang ngiti ng ginang na tila proud na proud sakanyang ginawa. Gusto niya lamang malaman kung anong klaseng tao ba ang minahal ng kanyang anak na si aki, napag desisyunan ni akira na tumungo muna sila sa ōsaka at doon na muna pansamantala matapos malamang nakakulong na si kotaro.



"Mukhang naging tama ang desisyon ng aking anak na ito ang pakasalan. Kung maaari lang sana na ipakasal ko na silang dalawa, gagawin ko.. subalit hanggat may problema pa na hindi nareresolbahan sa pamilya, hindi na muna ako gagawa ng hakbang." Anas ni akira na nagpakilalang Gina.



Nang makalabas ang babae mula sa store na iyon, nilapitan niya ang lalaki na nakatayo mula sa gilid.



"Anak! Okay na.." saad ni akira kay rukawa na ngumisi sakanya


"Kamusta mmy? Okay ba ang kaibigan ko?" Tanong ni rukawa na inakbayan ang ina


"HAHA, oo.. approved na approved para sa kapatid mo. Oo nga pala, may ipinapabili si aki.. samahan mo muna ako na bilihin ang kini'crave niya ngayon." Tumango si rukawa at nag patianod na lamang sa pag hila sakanya ng ina.


"Mmy, sasabihin mo ba kay aki na nandito rin si sakuragi sa ōsaka? At nakausap mo siya?" Biglang tanong ni rukawa



"Hmm.. oo naman, pero hindi muna sa ngayon, ayokong magpadalos dalos ang kapatid mo kapag nalaman niyang nandito ang kasintahan niya..alam mo namang masilan ang pagbubuntis niya." Saad ng ina na ikinatango naman ni rukawa.



"Naiintindihan ko mmy, makakabuti nga siguro kung itago ho nalang muna natin hanggang sa health'ing mailabas si baby saki." Saad ni rukawa


"Impyernes, maganda ang napiling name ng kapatid mo." Ngising saad ni akira kay rukawa




The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon