chapter 122

96 11 7
                                    


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted

Chapter 122

*****Continuation of flashback/s*****

Matapos ang pag uusap nila sakuragi at mga kaibigan nito, napag desisyunan ng mga ito na umuwi na dahil mag gagabi na rin naman at baka hinahanap na sila ng kanilang magulang. Si sakuragi naman ay naiwan na namang mag isa, nag iwan din ng pagkain ang mga kaibigan nito para sakanya.

Gumawa ng duyan sa labas si sakuragi at doon nagpahinga matapos kumain, habang nakahiga siya at may malalim na iniisip napansin niya mula sa malawak na kalangitan ang ganda nitong taglay mula sa pwestong pinag lagyan niya ng duyan, sobrang aliwalas ng langit habang may nagkikislapang mga bituin.

Samo't saring mga katanungan ang pumapasok sa kanyang isipan habang tahimik ang paligid, sa mga oras na iyon inaatake si sakuragi ng kanyang kalungkutan dahil bukod sa mag isa na naman siya ay naaalala niya rin kung paano naging mas miserable ang buhay niya.

Buong buhay niya lumalaban siya ng mag isa para lamang mabuhay, hindi umaasa sa tulong ng iba pero... Pakiramdam niya ngayon wala na siyang kakayahang gumawa ng bagay na nakasanayan niya.

Kahit ang kanyang sarili ay kweni'question niya ng paulit ulit kung bakit hinahayaan niyang mang yari ito sa sarili niya. Mag mula ng makilala niya si aki, nandoon iyong pag asa na baka totoong nag babago na siya para sa babae.

Biglang naalala ni sakuragi ang mga napag usapan kanina ng kanyang mga kaibigan tungkol sa pag aampon sakanya. Ilang beses na niyang sinubukang sundin ang sarili niyang desisyon para na rin sa ikabubuti niya pero nahihiya siya sa matandang mag aampon sakanya. Hindi siya ganon kahalaga para ipagpilitan niyang ampunin ito.

Ayaw niya rin mag cause ng trouble doon sa taong mag bibigay sakin ng panibagong buhay, ayaw niyang maging burden sa iba kung sa totoo nama'y kaya niya namang buhay ang sarili ng mag isa.

Pero ang marinig ang mga sinabi ni mito kanina, na dapat may gumagabay sakin na magulang upang maging maayos na ang takbo ng buhay ko.

Bumuntong hininga si sakuragi ng malalim bago inihilamos ang kanyang palad sa mukha ng maramdaman nitong may dumaloy na luha sakanyang pisngi. Napahawak siya sakanyang dibdib ng mas kumirot ito ng matindi kasabay ng pag buhos ng kanyang emosyon.

"Bakit ganon? Kulang na kulang parin ako kahit ginawa ko naman lahat ng makakaya ko. Do I deserve this kind of pain? Lahat sila mag sasawa at iiwan din ako ng mag isa. I'm no longer the sakuragi I've known." Hikbing bulalas ni sakuragi mula sa kanyang sarili habang patuloy na umiiyak dahil sa pinag samang hirap at sakit sa kanyang sarili.

Sa mga oras na iyon, makikitaan mo na wala ng naipong lakas si sakuragi para sa sarili niya. halos lahat ng sakit na inipon niya sa buong buhay niya ay inilabas niya na.

Iisa lamang ang gusto niya, na sana sa mga oras na lubog na lubog siya meron siyang masasandalan at mapagsasabihan ng bigat na nararamdaman niya. Hindi niya na kasi kayang ipakita sa mga taong nakapaligid sa kanya na malakas siya. Gusto niya kahit isang beses lang makita niya na may mga taong nag mamalasakit sakanya sa oras na nahihirapan siya.

Pagak na natawa si sakuragi kahit na walang tigil sa pag agos ang luha sa kanyang mga mata, pinupunasan niya na ito subalit parang mas naiiyak siya.

"Sana bukas, malakas na ulit ako. Sana bukas, matapos na ang lahat ng problemang kinahaharap ko." Piping bulong ni sakuragi sa sarili

-KINABUKASAN

Habang nag lalakad si mito kasama ang mga kaibigan niya patungo sa pinag tataguan ni sakuragi, may dala dala rin silang makakakain para dito at damit narin pamalit.

Nagkakabiruan pa ang mga ito habang naglalakad at malalakas na tumatawa kaya ang ibang mga taong nag lalakad ay napapaiwas at naglalakad na lamang sa ibang direksyon dahil sa takot na baka nakawan siya.

"Mito, sa tingin mo? Napag isipan kaya ni sakuragi ang tungkol sa pag ampon sakanya? Sa totoo lang, gusto ko nang makitang masaya kaibigan natin. Wala na siyang magulang kaya sure ako na mahirap ito para sakanya, mas lalo na mag isa lang siya." Anas ni takamiya na nakikisimpatya sa kaibigan


"Hayaan mo, kahit mabugbog ulit ako sisiguraduhin ko na makukumbinsi rin natin si sakuragi sa bagay na iyan." Ngising saad ni mito, nag hiyawan naman ang tatlo sa narinig hanggang sa matigil sila sa paglalakad ng makita nila si rukawa sa harapan ng bahay ni sakuragi.

Nang makita sila ni rukawa ay agad silang naglakad ng mabilis paiwas, ayaw na nilang mainvolved pa sa mga ito dahil sure silang kasama rin si sakuragi sa mga pag uusapan.

"Sandali lang, may gusto lamang akong sabihin. Alam kong alam niyo kung nasaan ngayon si sakuragi, wala akong balak na sabihin iyon kahit kanino, dahil kahit ako gusto ko rin siyang tulungan. Kaya kahit ilang minuto lang, makausap ko kayo at masabi niyo ito sakanya sa oras na pumunta kayo sakanya." Anas ni rukawa

Nagkatinginan ang apat sa isa't isa bago seryosong tinignan si rukawa, alam naman ni mito na walang masama itong gagawin laban kay sakuragi pero sa dami na ng problema ni sakuragi mas gugustuhin nalang ng apat na wag nang mainvolved sa kahit na sino

"Anong gusto mong sabihin?" Tanong ni mito ng seryoso

"It's about aki, buntis si aki.. at kailangan niyang makita si sakuragi bago sila umalis papuntang america." Napaawang ang bibig ng apat sa narinig at halos hindi makapaniwala sa nalaman

"What the fuck!? Paanong nabuntis si aki? Imposibleng si sakuragi ang gumawa non.." galit namang kwenilyuhan ni rukawa si mito dahil sa pangahas na sinasabi nito sa kapatid na babae.

"Alam kong galit kayo sa mga nangyayari sa kaibigan natin, pero wag na wag niyong babastusin ang kapatid ko nang dahil sa bagay na iyan. Alam niyong Mahal na Mahal nila ang isa't isa at walang lalaking nilalapitan ang kapatid ko kundi si sakuragi lang, sinasabi ko sainyo ito para sa ikabubuti ng lahat, dahil sa oras na itago ito ni aki kay sakuragi lalong magugulo ang sitwasyon. Tanungin niyo si sakuragi sa bagay na yan, dahil alam kong alam niyang may nangyari sakanila ng kapatid ko. Siraulo siya, binuntis niya kapatid ko tapos nag tatago siya ngayon." Galit na asik ni rukawa

"Alam mo ang sagot sa bagay na iyan rukawa, ang pamilya ni aki ang may kagagawan kung bakit mas naging miserable ang buhay ni sakuragi ngayon. Kaya wag mo kami o sakuragi'ng akusahan ng masama dahil wala siyang ginagawang mali." Asik na balik ni mito, hinawakan naman ni takamiya si mito sa balikat na tila pinipigilan itong lumapit

"Parihas lang ang gusto natin para sa kanilang dalawa. Kaya mas makabubuting sabihin niyo sakanya na nasa ōsaka si aki, puntahan niya bago mahuli ang lahat." Saad ni rukawa bago umalis at naglakad palayo.

"Mito? Anong plano mo? Sasabihin mo ba kay sakuragi ang nalaman natin?" Umiling si mito sa tinanong ni noma

"The hell pre! Bakit?" Gulat na tanong ni ohkusu

"Sinabi ko na sainyo, Ayoko ng mainvolved ang kaibigan natin sa kahit na anong problema, magalit man siya sakin, pero ito lang ang alam ko na paraan para mabawasan bigat na nararamdaman niya. Dahil sa oras din na malaman ng ama ni aki na buntis ito, mas magugulo ang sitwasyon nilang dalawa." Anas ni mito na naiintindihan naman ng tatlo subalit nahihintakutan parin sila dahil kasama sila sa maglilihim ng pag bubuntis ni aki.

"The fuck! Ang daming problema." Bulalas ni takamiya bago bumuntong hininga.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now