chapter 31

243 31 12
                                    

Muling napatingin ang lahat sa score board ng makita nila ang lamang ng okaido sa team shohoku.

Pero ang kapansin pansin ng lahat ay ang biglaang pagbabago sa kilos ni mitsui. Hindi na ito ngayon ka-agresibong kung kumilos at halos kapansin pasin rin ang mahinahon nitong expression.

Naipasa nga ni mitsui ang bola kay kyoushi kaya wala ng sinayang na pagkakataon ang huli upang gumawa ng puntos. Binantayan ito ni kiyo kahit na halata naman na wala siyang panama sa katawan ni kyoushi.

"Dito kyoushi." Sigaw ni miyagi na iniangat pa ang kamay para ipaalam na libreng libre siyang pasahan..


Nang makita iyon ni kyoushi ay agad nitong itinungo sa direksyon ni miyagi ang bola kaya napapunta doon si kiyo para sana isteal ang pag pasa nito ngunit, isang fake lang pala ang pasang iyon dahilan para mabilis na inatake ni kyoushi ang depensa ni kiyo.

nang makaalis ito sa pag dedepensa na ginagawa ni kiyo ay agad itong huminto at ipinasa kay mitsui pabalik ang bola, pagkakuhang pagkuha ni mitsui sa bola ay agad nitong itinira iyon dahilan para matagumpay nitong naipasok ang bola.

22-17 na ang score at mukhang wala rin talagang balak na magpatalo ng shohoku sa okaido team.


Si sakuragi naman na walang pakialam sa nangyari ay mas ginanahan pa sa nangyari.

Nang dumaan si mitsui sa gilid ni sakuragi ay napangisi ito.

"Mukhang hindi magiging boring ang laban nating dalawa mitsui." Saad ni sakuragi na biglang nag iba ang aura



hindi naman nakapag salita si mitsui sa sinabi ni sakuragi ngunit nanginginig naman ito sa tindi ng galit.

'Kung hindi lang para sa inter high ang laban na ito, lalampasuhin kita ng mag isa sakuragi.' Saad ni mitsui sa kanyang isipan, kahit na kalmado naman ang expression nito sa loob loob nito ay nag ngingit-ngit siya sa inis.


Nang makaalis si sakuragi ay agad itong napangisi sa kanyang sarili.

'Ilalabas kong muli ang totoo mong ugali sa paglalaro mitsui, pero bago iyon lalamangan na muna kita.' Saad ni sakuragi sakanyang isipan.

"takasugi ipasa mo sakin ang bola, ako na ang bahala sa puntos." Saad ni sakuragi na narinig ng shohoku.

Napangisi ng palihim si kyoushi dahil malamang ay may binabalak na naman ito na hindi maganda.

nagkatinginan pa sila ni mitsui bago napatango sa isa't isa.

Nang idribble ni sakuragi ang bola sa mabilis na paraan, agad siyang binantayan ni kyoushi na nakangisi sakanya. Blangko naman ang expression ni sakuragi na napaatras pa habang nag didribble, nang subukan ni kyoushi apakan paa ni sakuragi, agad iyon napansin ni sakuragi kaya iniba niya ang posisyon ng pag didribble niya.

Nagulat si kyoushi dahil sa ginawa ni sakuragi kaya napatingin siya dito.

"Bulok na yang taktikta mo, kung kakalabanin mo ako sa padumihan na kilos mas kilala ako niyan noon." Saad ni sakuragi na nakatingin kay kyoushi ng malamig bago mabilis na sumugod sa mismong harapan ni kyoushi dahilan para mapaupo ito matapos umikot pakaliwa ni sakuragi.

napaawang ang bibig ni mitsui sa nakitang pagkawala bigla ni sakuragi, tila hangin nalang itong dumaan sa gilid niya matapos nitong lagpasan si kyoushi..

"Hindi mo ako madadaan sa paapak mitsui, dahil kahit mag sama pa kayo ni kyoushi hindi niyo matatalo ang bagong ako." Saad ni sakuragi bago ito nalagpasan si mitsui.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now