Chapter 27

303 31 39
                                    

Nasa shohoku na ang bola at ipinapasok ito ni miyagi, naging man to man defense na rin ang buong okaido para sa isahang mahigpit na pagbabantay. Hindi pa rin maalis ang sama nang tingin ni mitsui kay sakuragi kahit na wala namang ginagawang mali ang huli.


Nang mapunta kay mitsui ang bola, seryoso rin nitong idini-dribble ang bola habang nakatingin kay sakuragi, nang mag attempt ito sa pag atake ay agad itong nasusundan ni sakuragi. Sa twing susubukan niyang mag fake jump shot ay nababasa din ito ni sakuragi kaya mas lalo lang nakaramdam ng inis si mitsui.

Nang subukan ni mitsui na sugudin ang depensa ni sakuragi, napahiyaw sila miyagi dahil doon.

"Wag kang mag padalos dalos mitsui, ipasa mo ang bola. Mag 30 second violation kana." Saad ni miyagi na nafrustrate na ng tuluyan kay mitsui.


"Wag mo akong turuan alam ko ang ginagawa ko." Sabay talon nito at umang natitira ng tres ngunit agad lamang itong nablock ni sakuragi.


tumilapon ang bola patungo sa direksyon ni captain tetsu na agad naman nitong sinalo at..


"Fast break!!" Sigaw nito na mabilis namang tumakbo si takasugi patungo doon. Nang makuha nito ang bola ay ititira na sana niya ito ng easy lay up ngunit humarang doon bigla si akagi.



"Wag niyo kaming mamaliitin. Isa parin kami sa malalakas na koponan sa kanagawa." Sigaw ni akagi sabay block sa ititira sana ni takasugi.


Nang matagumpay itong naiblock ni akagi, agad iyong sinalo ni shin na dinidribble na nito patungo sa ring nila. Nag sisigawan na ang lahat dala ng kasabikan sa mangyayari, lahat ng team ni sakuragi ay agad na tumakbo pababa para mag bantay.


Hawak pa rin ito shin na agad ding pinasa kay miyagi pagkatapos. Habang dinidribble ni miyagi ang bola mabilis niya ring pinag mamasdan ang mga kakampi na pwedeng mapasahan ngunit mahigpit lamang itong binabantayan ng okaido team.

Sinubukan ni miyagi na umatake sa depensa ni takasugi, mas matangkad ito kay miyagi ng kaunti.


Ngunit hindi parin niya matagumpayan na makaalis sa pag dedepensa nito. Mas lalo lamang humigpit ang pagbabantay nito sakanya.


'Napakahigpit nilang mag bantay, ang hirap nilang malusutan sa ganitong sitwasyon.' Anas ni miyagi sa kanyang isipan ng...


"Dito miyagi." sigaw ni mitsui ng makatakas ito sa pag babantay ni sakuragi, nagawa rin agad na mascreenan ni kyoushi si sakuragi kaya wala ng sinayang na pagkakataon si mitsui ay agad niya ng itinira ang bola mula sa tres.


Matagumpay nga nitong naipasok ang bola, sabay ngisi ng may pagyayabang kay sakuragi ngunit si sakuragi naman ay naglalakad na pala patungo sa labas para ipasok ang bola. Ipinasa niya ito kay takasugi na muli rin namang pinasa kay sakuragi pabalik.


dali daling tumungo si mitsui para bantayan si sakuragi, tila kasi nabuhayan si mitsui sa ginawa niya kanina kaya ganadong ganado siyang nag babantay kay sakuragi.


Maya maya pa ay biglang tila nag iba ang tensyon sa pagitan ng dalawa, ang kaninang walang emosyong si sakuragi ay mas dumoble pa. Hindi mo na mabasa kung ano man ang nasa isip nito ngayon, kasabay ng pagbabago sa pag didribble nito.



mabilis na bigla nalang babagal, napansin iyon ng lahat ng koponan na nanunuod din ng laban. Maging si sendoh ay kinilabutan sa nakikitang galaw ni sakuragi na ngayon niya lang nasaksihan.


'Ito ba ang bagong sakuragi na kakalabanin namin?' Tanong ni sendoh sa kanyang isipan.



Si maki naman ay expressionless na nanunuod habang tutok na tutok sa ginagawa ni sakuragi na dribbling to slow and fast pace.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now