chapter 82

103 6 4
                                    


Okaido 40
Shoyo 30

lamang ng sampo ang okaido team at 2 minutes and 21 seconds remaining nalang ang natitira sa oras nila ang team shoyo ngayon ang may hawak ng bola kaya agad ng dumepensa ang team okaido.

'Ilan minuto nalang pero hindi parin namin maibaba ang score namin sa kanila.' Anas ng isipan ni fujima habanag pagod na pagod na hinihingal, nakatingala ito habang tinitignan ang scoreboard at ang oras na natitira.

Si minato muli ang nagpasok ng bola, ipinasa nito kay ezekiel bago kay fujima, si sakuragi muli ang nag babantay kaya alam ni fujima sa kanyang sarili na mahihirapan na naman siya.

Ngunit hindi dapat siya mawalan ng pag asa, bilang captain ng shoyo team ay dapat gawin niya ang lahat alang alang sa kanyang team.


sumugod si fujima sa pagdedepensa ni sakuragi ngunit nakisabay doon si sakuragi, dinidribble ito ni fujima habang sinusubukang sirain ang mahigpit na depensa nito.

Maya maya agad na ipinasa ni fujima kay eichi ang bola na binabatanyan ni takasugi.


"Hindi ko hahayaan na makalagpas ka sakin." Anas ni takasugi bago mabilis na inigkas ang kamay patungo sa bola na dinidribble ni eichi.



tumalbog ito palayo kaya napahiyaw ang team okaido mula sa bench ng mga ito.



"Nice oneee, takasugi!" Sigaw ni shintaro mula sa bench, hinabol ni takasugi ang bola kaya ng makuha niya ito ay ipinasa niya naman ito kay rukawa.


agad na itinakbo ni rukawa ang bola, isang tango lang ang ginawa niya kay sakuragi ay alam na agad ni sakuragi ang gagawin. Mabilis na tumakbo si sakuragi patungo sa basket nila, nang malapit na si sakuragi sa basket nila ay agad na inihagis ni rukawa palobo ang bola, tumalon naman si sakuragi mula sa free throw line.



"Ang layo non? Bat agad siyang tumalon?" Sigaw ng isa sa mga manunuod, nakatalikod pa si sakuragi mula sa bola kaya mas lalong nag ingayan ang mga tao.

Nakisabay rin sa pagtalon si hanagata at ezekiel, kaya nang malapit na ang bola ay mabilis itong hinawakan ni sakuragi na tila alam na alam niya na sa kamay niya mismo babagsak ang bola.



"Hindi ka naming hahayaan na makapuntos ulit sakuragi!" Sigaw na saad ni hanagata sabay hawak sa bola, dahilan para masaksihan ng lahat ang tagisan ng dalawa. Isama mo pa si ezekiel kaya todo ang kabang nararamdaman ng iba dahil sa nakikitang pag double team nito kay sakuragi para sa pag dunk nito.



Ngunit ang nakakagulat doon ay hindi man lang natinag si sakuragi, ni hindi nakita sa mukha nito na nahihirapan man lang kaya wala itong kahirap hirap na buong pwersang ibinaba ang bola kasama ang dalawa.



"What the!?" Gulat na bulalas ni fujima na halos hindi na talaga makapaniwala sa nasaksihan.



"Isa ka talagang legendary beast sakuragi! Dalawa na iyon pero kinaya mo paring ipasok ang bola?" Sigaw ng umiidolo kay sakuragi



"Nakakabilib ka may pulang buhok, ikaw na ang kinikilala ko na malakas at may kakaibang galaw sa larangan ng basketball." Sigaw pa ng isang manunuod, nangilabutan pa lalo sila ng sabay na napahiga ang dalawa sa sahig.



nakarinig din sila ng pito ng referee dahilan para matahimik ang mga tao para sa sasabihin ng referee.


"Intentional foul jersey number 5, One free throw." Anunsyo ng referee na kinanganga sa gulat ni hanagata dahil siya ang nabigyan ng violation.



naghiwayan naman ang mga tao sa narinig, maging si rukawa at ang iba pa ay sobrang natuwa sa narinig at nasaksihan nila kaya agad nilang nilapitan si sakuragi.



"Tangna sakuragi, the best ka talaga! Biruin mo, dalawang mas malaki sayo pero nagawa mo paring pataubin ng ganon ganon lang?" Bulalas ni takasugi na inakbayan pa si sakuragi.


Hindi naman nag komento si sakuragi bagkus ay tumungo siya sa free throw line, inihagis naman ng referee ang bola patungo sa direksyon niya at ilang segundo pa ay nag dribble na si sakuragi bago pumito ang referee.


nakapalibot naman ang mga kakampi at kalaban nila sa ilalim ng ring para mag abang sa bola. Kaya ng mairelease ni sakuragi ay agad na nag tipon sa gitna ang mga ito. Ngunit naipasok rin ito ni sakuragi kaya ang okaido ay 43 na ang score samantalang 30 naman ang shoyo team.


pagod na pagod na rin ang team shoyo sa laban nila, meron pang second half ngunit tila drain na drain na sila dahil sa ginawa ni sakuragi sa kanila.


'Kakaiba ka talaga sakuragi, halimaw ka talaga sa loob ng court' bulalas ni fujima sa kanyang isipan bago humingi ng time out..



Nang makaupo na ang team shoyo at team okaido ay agad na inasikaso ng ibang member ang mga player. Binigyan ng maiinom at towel, si aki na ang nag punas kay sakuragi na nakatingala habang nakapikit ang mga mata. Hinihingal din ito at tagaktak na rin ang pawis.



"Napakagaling mo talaga, sakuragi!" Buong pusong saad ni aki kay sakuragi. Iminulat naman ni sakuragi ang mga mata bago tinignan si aki ng may malumanay na titig.



"salamat, aki. Salamat sa tiwala at pag bibigay ng lakas sakin." Anas ni sakuragi, gulat si aki ng bigla siyang hatakin ni sakuragi mula sa bewang maging ang team okaido ay napaka singhap kasabay ng asaran.



"Nakssss! Ang sweet naman.. sana all talaga!" Sigaw ni kentachi.



"Ako dapat yan e, kaso inagaw ni sakuragi sakin ang pag kakataon na mahalin si aki." Pag paparinig ni takasugi, ngunit nakasubsob lamang ang mukha ni sakuragi sa leeg ni aki na tila doon kumukuha ng panibagong lakas.



nakangiti naman ng lihim ang ama, habang si rukawa naman ay naiiling sa ginawa ng kaibigan.


"Nag seselos si rukawa, sakuragi! Siya naman daw ang icuddle mo!" Mala baklang saad ni shintaro, sinamaan naman siya ni rukawa sabay bato nito ng bottled water na tumama naman kay takasugi na nakaupo sa lapag.



"Anak ng... nananahimik na nga ako dito, tapos nambabato pa kayo dyan?" Inis na saad ni takasugi, tumunghay naman si sakuragi sa pagkakasubsob sa leeg ni aki.


pulang pula naman ang mukha ni aki na halos mangamatis dahil sa ginawa ni sakuragi..


"HAHA! Pulang pula kana aki, pwede kanang ipalit bilang kamatis." natatawang saad ni shintaro, isinubsob naman ni aki ang mukha sa balikat ni sakuragi kaya narinig ni aki ang husky na boses ni sakuragi.



"Hmm, nahihiya ba ang baby ko?" Malambing at nang aakit na tinig na saad ni sakuragi.



"manahimik k-ka nga.. a-anong nahihiya ka dyan?" Bulalas ni sakuragi



"Hahaha! Sabi mo e, hindi kana nahihiya." Tawang tawa paring saad nito bago kiniss si aki sa gilid ng ulo.


"salamat, malakas na ulit ako." Bulong na sabi sakuragi kay aki..
















The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now