Chapter 65

146 17 7
                                    

Okaido 11
Shoyo 9

"Team, bumawi tayo hindi pwedeng maabutan nila tayo." Saad ni tetsuya sa mga kasamahan.




Pero wala namang imik si sakuragi habang nakatingin lang sa kung saan, nag iisip din kasi ito kung paano makakabawi kay fujima. Napansin iyon ni tetsuya kaya sinita niya ito na may kunot na noo.




"Sakuragi umayos ka naman, hindi porket sayo inatang ni coach ang responsibilidad sa ikakapanalo natin ay mag papabaya kana." Nagulat ang mga nakarinig sa sinabi ni captain tetsu dahil hindi naman kasi ganon ang nakikita nila sa nangyayari ngayon. Sadyang may kung anong nag papainit ng ulo ni captain tetsu kaya sa kanilang lahat nababaling ang inis nito, napatingin si sakuragi sa kanya ng walang emosyon bago tumingin sa scoreboard.




"Wala akong gagawin, hahayaan ko sila na makahabol o makalamang man lang.. pasensya na captain kung masusuway ko kayo ngayon." Saad ni sakuragi bago yumukod ng bahagya bilang paggalang sa kapitan ng kanilang team.



Hindi nakaimik si captain tetsu sa sinabi ni sakuragi, maging ang mga kakampi nila ay natahimik at hindi nakapag salita, tanging si rukawa lang ang mukhang nakakaintindi sa mga sinabi ni sakuragi kaya tinanguan niya nalang ito.




"Tss. Wag lang sanang matalo ang team natin dahil sayo sakuragi." Saad ni captain tetsu bago naglakad palayo, tinapik naman ni takasugi ang balikat ni sakuragi para mabigyan ito ng konting assurance sa inasal ni tetsuya sakanila.





"Intindihin mo nalang sakuragi, mukha kasing may pinagdadaanan ngayon si tetsuya." Saad ni takasugi na muling tinapik sa balikat si sakuragi.




"Naiintindihan ko naman tsaka okay lang naman iyon sakin, pasensya na rin kung hindi ko pa ngayon mapagbibigyan si captain." Saad ni sakuragi sa malamig na boses. Tumango lang si takasugi bago umalis.



Bola na ng okaido kaya hawak na muli ito ni takasugi at gaya nga ng iniisip niya ay nakaabang na naman ang isa sa kakampi ni fujima mula sa gilid niya kaya alam niya na kung ano ang gagawin niya. Agad niyang nilipat sa kabila ang pag didribble habang mahigpit na inoopensahan ang pag dedepensa sa kanya ni fujima. Muli siyang sumubok na umatake sa depensa nito ngunit napapa atras siya dahil sa higpit ng pag babantay nito kaya walang nagawa si takasugi kundi ang ipasa ang bola sa direksyon ni shintaro na nakuha naman nito. Binabantayan ito ni Echi na kasalukuyang nag babalak na isteal ang bola nito, kaya ng idribble ito ni shintaro ay agad naman itong nasteal ni Echi na kinagulat ni shintaro, tumalbog ito palayo kaya hinabol nila ito parihas ngunit hindi na nagawa pang abutan ni shintaro dahil tumalon na si Eichi para isave ang bola ngunit ganon nalang ang gulat ni shintaro ng ipatama nito ang bola sa kanyang paa dahilan para tumalbog ang bola palabas.




*Prrrt*


Pito ng referee sa nakita. "Shoyo's ball." Saad ng referee na kinaigting ng panga ni shintaro sa inis. Iyon pala ang plano nito?.





"nice one, eichi." Saad ni fujima na may blangkong expression sabay tingin kay shintaro na may malamig na titig.




"tss. Ang yabang, mamaya ka lang." Bulong na anas ni shintaro na sinamaan pa ng tingin si eichi na ngumisi lang sakanya.




"Ayos lang yan, hayaan mo silang mag enjoy." Saad ni sakuragi na ikinapikon naman ni shintaro. Iba kasi ang pagkakaintindi ni shintaro sa sinabi ni sakuragi na hayaan? Para kasing pinapalabas nito sa mga sinabi niyang hayaan namin na maliitin nila kami.





"Tsk. Mukhang tama nga si captain tetsuya sayo sakuragi, porket sayo iniatang ni coach ang responsibilidad ay hahayaan mo na mangyari ito sa grupo natin. Umaayos ka naman, gamitin mo ang mga natutunan mo sa laro hindi iyong nag papabaya ka." Inis na saad ni shintaro na ikinatahimik naman ni sakuragi, tila na blangko na naman ang isip nito na halos ikadilim ng kanyang paningin.




Tumiim na rin ang bagang ni sakuragi  bago umalis ng walang pasabi kay shintaro. Napansin iyon ni rukawa at narinig ang mga sinabi ni shintaro kaya nilapitan niya ito.




"Hindi porket sakanya iniatang ni coach ang responsibilidad ay sakanya na tayo aasa, hindi lang siya ang nag lalaro dito shintaro, TEAM tayo at hindi lang IISA ang dapat kumikilos, dahil kung kilala niyo siya hindi niyo masasabi ang mga bagay na yan sakanya." Sadyang ipinarinig iyon ni rukawa sa captain nila medyo malapit sa pwesto nila. Natulala si shintaro at maging si tetsuya.



"kung pala natalo tayo sa laro ibig sabihin isisisi niyo nalang kay sakuragi ang lahat?" Saad ni pang muli ni rukawa na tila nadismaya sa mga kasamahan. Nailing pa ito bago naglakad palayo.





Muling nag simula ang laro at hawak na ito ni fujima, ngayon si sakuragi na ang nag babantay sakanya ramdam ng lahat ang dilim na inilalabas ng aura nito. Wala na namang emosyong nakabalatay sa mukha nito habang nakatingin ng seryoso kay fujima na bahagya pang nagulat. Nang subukan ni fujima na makaalis sa pag babantay ni sakuragi ay nasusundan siya nito, twing nag fake cross over siya ay nasusundan iyon ni sakuragi na tila silang dalawa lang ang naglalaro habang nakatunganga nalang ang mga kasamahan nito dahil sa pinapakitang galing ng dalawa.




Nang biglang harap harapan ni fujima'ng atakehin si sakuragi ay dito ito bahagyang napaatras dala ng out balance. Sasamantalahin na sana ang pagkakataon ni fujima ng hindi na tuloy ang pag aankle break nito kay sakuragi, bagkus ay wala itong kahirap hirap na inigkas ang kamay patungo sa bola mula sa kanyang gilid patalikod kay fujima. Nagulat si fujima sa nangyari na halos hindi siya makapaniwala sa nagawa ni sakuragi, agad nakita ni rukawa ang nangyari kaya agad niyang kinuha ang bola at drinibble ito agad patungo sakanilang basket..



Tumayo si sakuragi na parang walang nangyari bagong harap harapang tinignan si fujima ng may blangkong expression sa mukha.




"Wala pa sana akong balak na bumawi sa ginawa mong pagpapahiya sa mga kakampi ko e. Kaso galit na sila sa akin dahil sa pagpapabaya ko, alam mo balak ko sanang paabutin ka ng 30 points bago ako bumawi.. kaso ayaw nila kaya pasensyahan kong malalamangan ko pa kayo ng higit pa saiyong inaasahan." Saad ni sakuragi sa malamig na tono bago ngumisi sa pagmumukha ni fujima na nangilabot pa sa mga narinig kay sakuragi.




"Sa tingin mo ba natatakot ako sa mga pagbabanta mo? Hindi ko pa nailalabas ang totoong lakas ko." Saad ni fujima na sinusubukang maging matapang sa harapan ni sakuragi.




"Heh, hindi naman kita pinag babantaan.  Sinasabi ko lang kung ano ang aking kakayahan, hindi mo rin ito matatawag na pagmamayabang dahil kahit noon pa man ay napatunayan ko na ang sarili ko sa lahat ng taong nang maliit sakin noon." Saad ni sakuragi na tinapik pa sa braso si fujima bago muling ngumisi.



"Wag kang mag aalala, ipapakita ko nalang sayo kung paano ako bumawi sa mga kahihiyang ibinigay mo sa mga kakampi ko. Oras na rin siguro para ipaalam sayo kung sino ang mas deserving sating dalawa. Ako o ikaw?" Anas ni sakuragi bago tumalikod at naglakad na palayo.



matagumpay naman naishoot ni rukawa ang bola mula sa pagbabantay ni ezekiel at hanagata.




Okaido 13
Shoyo 9





******
(hi! Kamusta po kayo?)

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now