Chapter 17

332 34 20
                                    

"Rukawa nasaan si sakuragi?" Tanong ni aki ng mapansin nitong wala si sakuragi at bag nito.




"Umuwi na, magpapahinga raw muna." Tila nahirapang paniwalaan ni aki ang mga sinabi ni rukawa sakanya. Kanina lang ay nandito si haruko diba? Excited din itong makita ni sakuragi.




"ah ganun ba." Nakangiting saad ni aki na kinakunot noo naman ni rukawa



"Hindi bagay sayo kapag pilit na pilit ang ngiti mo. Kung nasasaktan ka, pwede mo naman siyang sundan at puntahan sakanila." Nagitla si aki sa naging suhesyon ni rukawa sakanya. Maisip niya palang iyon na magkasama sila ni sakuragi ay sobrang kinakabahan na siya.





"a-ah hindi na kailangan, wala rin naman akong dapat ipag alala diba?" Saad ni aki




"Meron. Kung babagal bagal ka, mauunahan ka." Saad naman ni rukawa na kinaawang naman ng bibig ni aki.


(a/n: haha bully si rukawa sa version ko.😂 prangkahan😂😂)



"Bakit may gusto ba si haruko kay sakuragi?" Kinabahang tanong ni aki, nagkibit balikat naman si rukawa



"Who knows, baka meron tinatago lang din niya katulad mo." Makahulugang saad ni rukawa na nakapag bigay kaba kay aki.




"HINDI PWEDE!! Akin lang si sakuragi." Sa pagkakataong iyon ay si rukawa naman ang nagulat ng bigla itong sumigaw at tumakbo ng mabilis palabas ng gym.



" anong ginawa mo at sumigaw iyon?" Tanong ni takasugi kay rukawa




"Iwan ko." Sagot naman ni rukawa na hindi interesado sa tinanong ni takasugi



"Ganda mo talagang kausap no? Pag si sakuragi napakadaldal mo." Pinag taasan lang naman siya ng kilay ni rukawa bago ito tinapik sa balikat.



"Kaibigan ko iyon e." Tanging naisagot ni rukawa kat takasugi bago ito umalis



"Bakit kami hindi mo ba kami kaibigan?" Paghabol pa ni takasugi kay rukawa



Sa kabilang dako naman kung saan tumatakbo si aki patungo sa school ng shohoku, nag babakasali kasi itong baka doon pumunta si sakuragi, kahit ayaw niyang isipin ang bagay na yon ay hindi parin iyon mawala wala sa isip niya.



Ngayon pa naman na maagang umalis si sakuragi, imposibleng umuwi ito agad ng maaga e. Lagi nga iyon nag papahuli sa practice o kaya naman ay sabay sabay na silang umuuwi.




"Sana mali ang hinala ko na nasa shohoku ka sakuragi, dahil sobrang masasaktan talaga ako." Anas ni aki sakanyang sarili bago mabilis na tumakbo.



Nang malapit na siya sa shohoku high, hindi niya maintindihan kong bakit bigla siyang kinabahan. Ilang beses na napabuntong hininga si aki bago naglakad patungo doon.




"sana wala.. sana wala ka dito sakuragi." Paulit ulit na bulong ni aki sa kanyang sarili.




Hanggang sa matapat siya sa gate ng shohoku high, madaming estudyante ang nasa labas mukhang may nagaganap na PE dahil lahat sila nakapang jogging pants at tshirt.





sumilip silip siya ulit at nang walang makita ay napangiti siya ng palihim. Thank goodness wala si sakuragi dito..





"Aki? Anong ginagawa mo dito?" Napatalon sa pagkagulat si aki. Dahan dahan din siyang napalingon sa kanyang likod ng makitang si mitsui ito kasama ang ilang kateammates niya.



The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now