Chapter 78

111 14 3
                                    


Okaido 30
shoyo 27

Hawak na ni rukawa ang bola, gaya ng ginawa niya sa pag babantay kay fujima ay mas naging mapag bantay si fujima sa kanya, naka man to man defense sila kaya wala siyang makitang pwedeng pasahan, dinidribble lamang ito ni rukawa ng makita niya ang mabilis na pag galaw ni fujima bilang depensa sa harapan niya. Napaatungal ang mga manunuod ng madanggil ni fujima ang bola mula sa pagkaka dribble ni rukawa, napatakbo si eiji patungo sa bola ng makita niya itong patungo sa direksyon niya.

Nakitakbo na rin shintaro patungo sa bola, ngunit naunahan parin siya ni eiji na makuha ito, dumepensa na lamang si shintaro habang nag didribble si eiji sa harapan niya, ipinasa ni eiji ang bola kay ezekiel na binabantayan naman ni rukawa.

'bat tila hindi nauubusan ng estamina ang okaido? Samantalang kami'y pagod na pagod.' Puna ng isipan ni ezekiel na dinidribble ang bola, nag cross over siya mula sa pagkakabantay ni rukawa ngunit na screenan ito agad ni takasugi na malapit lang sa kanila.



Napasinghal si ezekiel dahil doon kaya patalbog niya muling ipinasa kay fujima ang bola subalit nakuha ito ni rukawa. Tila nag slow motion ang lahat ng mabilis lamang inihagis ni rukawa pataas iyon ay dahil tumatakbo na pala si captain tetsu patungo sa basket nila na sinusundan naman ni minato. Pagkatalon ni tetsuya ay agad rin nitong nahawakan ang bola, subalit nakatalon rin si minato pahabol sa kanila ngunit huli na dahil naishoot na ni tetsu ito.

sa sobrang lakas ng impact non, dumagundong ang headboard ng ring nila, natahimik ang lahat sa nangyari maya maya pa ay narinig nila ang malakas na palakpak ni sakuragi mula sa table kung saan nakaupo ang mga judges..



napahiyaw ang lahat ng makita na nilang papasok na si sakuragi sa loob, maging ang kakampi niya ay nabuhayan ng loob dahil sa nakita nila. Tinawag ni aki si shintaro upang makapag palit na silang dalawa, nang makalapit sila sa isa't isa, tinapik lamang ni shintaro si sakuragi sa balikat.



tumingin si sakuragi kay fujima na seryosong seryoso bago tumingin sa scoreboard.


okaido 32
shoyo 27


'hindi ko na hahayaan na makascore pa ang shoyo sa pagkakataon na ito.' Anas ni sakuragi sa kanyang isipan bago naglakad papasok.



Kakaibang pressure ang naramdaman ni sakuragi ng makapasok siya loob, nandoon ang excitement na mapabagsak ang kalaban at ang mga matuwang nakikita nito sa mga taong nasa itaas kasama ang ilang mga nanunuod na players.



"mabuti naman pumasok kana." Bungad na saad ni rukawa na inakbayan pa si sakuragi, tinignan siya ni sakuragi..



"Mukha kana kasing mahihimatay kanina, pero good job, ang ganda ng pinakita niyo ni captain kanina." Nakangiting saad ni sakuragi na tinapik pa sa likod si rukawa habang nakaakbay parin ang huli.



"tsk! Hindi naman ikaw ang pinapakitaan ko, mukha kasing nawawalan na ng pag asa ang mga kasamahan natin dahil kay fujima kaya kailangan ko narin kumilos." Napakunot ang kilay ni sakuragi sa narinig.


'Fujima?' Anas ni sakuragi sa kanyang isipan bago tinignan si fujima na nakatingin na rin pala sakanya. Seryoso rin ito habang pinagmamasdan siya papasok sa loob.



"Pumasok kana rin sa wakas, dito tayo magkakaalaman kung sino ba ang mas magaling sa ating dalawa." Anas ni fujima na naka serious mode, wala namang naging imik si sakuragi sa sinabi nito.



Pumito ang referee dahil ang team shoyo na ang mag papasok ng bola, ipinapasok ito ni minato na agad namang ipinasa kay fujima. Nakaramdam naman ng kakaibang kaba ang lahat ng mga manunuod dahil magkaharap na ang dalawang pinaka inaabangan nila.



Si sakuragi at fujima na maglaban sa loob ng court, unang dribble ni fujima sa bola ay agad na pinag tibay ni sakuragi ang pag dedepensa, napansin at naramdaman ni fujima ang kakaibang sabik ni sakuragi sa mga sandaling iyon


Umatake si fujima sa pag depensa ni sakuragi subalit na haharangan lang siya ni sakuragi kaya napapaatras siya sa pag dribble, nanlalamig ang kamay nila aki at nang ilang manunuod sa hindi malamang dahilan.



"Go sakuragi!" Sigaw ng isa sa audience.. at sa isang mabilis na galaw ni sakuragi ay agad nitong na danggil ang bola na sobrang kinagulat naman ni fujima.



napahiyaw at napasigaw ang mga tao sa nakita, nagtaasan rin ang balahibo nila dahil doon bago sumigaw ng pangalan ni sakuragi.




kinuha iyon ni rukawa na nakaabang na pala  sa likod nito, tumakbo na si sakuragi habang dinidribble naman ni rukawa ang bola, nakababa na ang mga shoyo kaya mas naging ganado ang itsura ni sakuragi dahil doon.


tinignan niya si rukawa na agad namang naintindihan ng huli, agad nitong ipinasa kay sakuragi ang bola at si fujima naman ay napabantay agad kay sakuragi.



"Nakakabigla ang ginawa mong iyon. Hindi ko inaasahan na gagawin mo iyon." Ngumisi si sakuragi sa sinabi ni fujima, maya maya pa ay mabilis namang nitong idini'dribble ang bola sa harapan ni fujima, tila tinutukso siyang makisabay sa kanya.



napansin iyon ng team shoyo kaya napatingin sila kay fujima ng sinubukan nitong kunin din ang bola subalit naiiwas agad ni sakuragi ang bola na walang kahirap hirap. Tig dribble niya ito patungo sa likod niya patungo sa kaliwa kasabay ng mabilis na pag atake sa depensa ni fujima.



napahiyaw muli ang mga manunuod dahil sa ginawa ni sakuragi, nang mapalapit ito sa free throw line ay agad itong huminto, napatakbo rin si ezekiel para mapigilan sa pag tira si sakuragi ngunit tumalon si sakuragi paatras kasabay ng pag release ng bola. Halos malapit na itong tumama sa gitnang daliri ni ezekiel.



isang fade away shot!



Napatingin ang lahat doon, naipasok nga ni sakuragi ang bola, napangisi si rukawa dahil doon..




"nagpapasikat kana agad." Natatawang puna ni rukawa sa kaibigan.



"Ginanahan lang, puno na kasi ng kompyansa ang kabila, ayoko namang maangasan kaya inunahan ko nalang.." sagot ni sakuragi na medyo ipinarinig kila fujima. Napailing naman si rukawa at captain tetsu dahil doon bago tumingin sa oras at scoreboard nila.




okaido 34
shoyo 27


four minutes and 57 seconds nalang ang natitirang oras sa scoreboard..





*****
(a/n: enjoy reading po :)

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now