chapter 103

98 13 3
                                    


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted


Chapter 103:

*****

Continuation...

***=>

Bahagyang nagulat si sakuragi sa biglaang pag yakap ni aki sakanya mula sa likod, akala kasi nito'y tulog ito kaya hahayaan niya nalang sanang makapag pahinga. Aminin man o hindi ni sakuragi, sobrang miss na miss niya na ito, hindi iyon maikakaila ng kanyang puso.


Dahan dahang inalis ni sakuragi ang mga kamay ni aki na nakapulupot sa kanyang katawan, hinarap niya ito sa paraan na hindi niya masyadong pangingitaan niya ng totoong emosyon. Ngunit tila di mapigilan ng emosyon ni sakuragi na makita itong nakatingin sakanya ng malamya at hinang hina, ang puna niya'y baka umiyak ito magmula pa kanina.


"S-sakuragi.. miss na miss na kita." Hikbing anas ni aki, di na nito natiis na mag hintay pa na magsalita at bigla na lamang siyang itaboy paalis.


Sinuyod ni aki ang buong mukha ni sakuragi, tila nag bago ang hugis ng mukha nito at mas nadepina ang panga nito na lalong kapansin pansin na ngayon. Katulad lang din ng dati, napaka gwapo parin nito.



Bumuntong hininga si sakuragi bago iniiwas ang tingin kay aki, hindi niya kayang tagalan ang pakikipag titigan dahil lumalambot siya bigla.


"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ni sakuragi, yumuko si aki at hindi sumagot sa naging tanong nito. Hinawakan ni aki ang sariling kamay dahil sa panlalamig non.


"Nung dalawang araw matapos tayong di magkita dahil sa insidenteng iyon sa party, nakiusap ako kay rukawa na samahan ako papunta dito sa bahay niyo. Tinuro niya ito kaya nalaman ko kung saan ka na nakatira ngayon." Sagot ni aki



"Bat mo naisipang pumunta dito nang ganitong oras? Di mo ba alam na baka mapano ka?" Puno ng kaseryosohan ang boses na saad ni sakuragi, muling napayuko si aki at nagbadya na namang tumulo ang luha.



"S-sorry, namiss l-lang talaga kita." Honest na sagot ni aki, napalunok si sakuragi ng makitang umiiyak na naman ito.


"Tumahan kana, ahm.. ano? Kumain ka na ba?" Tanong ni sakuragi, nahihiya namang umiling si aki.


"Okay, tara.. samahan mo akong kumain sa baba, hindi parin kasi ako kumakain. Sabayan mo ako." Anas ni sakuragi na sobrang ikinatuwa ni aki ng husto, dali dali itong tumango at tumayo patungo sa direksyon ni sakuragi.



Palihim namang napangiti si sakuragi dahil sa itsura at sa kinikilos ni aki.


Nang makababa ang dalawa mula sa sala, dumeretso si sakuragi sa kusina samantalang susunod na sana si aki ng pigilan siya ni sakuragi ng isang tingin na nagpapahiwatig na pumirmi lamang ito sa sala at manuod ng tv.


"Wag kanang sumunod, mag luluto pa ako kaya manuod ka nalang muna dyan." Anas ni sakuragi na kinanguso ni aki, nakita iyon ni sakuragi kaya tumikhim ito at namumulang umiwas nang tingin at dali daling naglakad paalis.


Binuksan ni aki ang tv na nasa sala, kahit naka'on na iyon ay di parin mapigilan ni aki na tumingin tingin sa direksyon ng kusina kung saan nandoon si sakuragi, nilibot nilibot ng kanyang paningin ang kabuuan ng sala, medyo sakto lamang ang sala sa isang taong naninirahan. Two-storey house ang bahay ni sakuragi kaya nakakapagtaka kung bakit siya lang mag isang nakatira sa malaking bahay na ito.


Nainip si aki kaya tumayo siya at nagtingin tingin sa mga nakasabit na pictures sa dingding kung saan nakalagay ang family pictures nila, nakita niya ang nag iisang picture ni sakuragi nung medyo bata bata pa ito. Mahaba ang buhok nito at kulay pula na talaga ang buhok.


Muli siyang nag tingin tingin hanggang sa madako ang paningin niya sa isang picture frame na nag iisa sa may table malapit sa bintana. Nang tignan niya iyon ay napaawang ang bibig niya nang makitang picture niya iyon nung bata pa siya. Aabutin niya na sana nang may biglang tumikhim mula sa likod niya kaya sa gulat niya ay napaatras siya.

Hindi niya namalayang si sakuragi ay nasa likod niya na pala kaya napatingala siya dito.



"S-sorry sakuragi, nagtingin tingin lang ako dahil bigla akong nabored sa panunuod." Reason nito, tumango naman si sakuragi bago tinignan si aki at ang picture na nasa table.


"Tara na, malapit na iyong maluto." Anas ni sakuragi bago hinila si aki patungo sa dining area.

Pagkapasok palang ay pumailanlan ang halimuyak na nanggagaling sa niluto ni sakuragi, mukhang nag abala talaga itong mag luto ng adobong ulam. (Filipino dish sa japan🤭)


"Wow! Sobrang bango naman, nakakatakam tuloy kumain." Anas ni aki, ngumisi si sakuragi bago umiling.


"Umupo kana dyan, maghahanda lang ako ng plato-." Agad na pinutol ni aki ang sasabihin nito at umiling..


"Hindi, ako na ang bahala sa mga plato, baso at kutsara.. ako na mag peprepare sa lamesa." Anas ni aki na agad tumungo sa kuhaan ng mga plato. Tatanggi pa sana si sakuragi subalit nakakuha na si aki ng plato, nagkibit balikat nalang si sakuragi bago inasikaso ang ulam na niluto at ang kanin.



Ilang minuto rin ay natapos rin sa pag lagay ng ulam mula sa kaldero. Nakahanda na rin ang plato at ilang baso sa hapag kaya naiiling na lihim si sakuragi.


'pakiramdam ko tuloy para na kaming mag asawa na dalawa.' anas sa isipan ng dalawa.


Namula ang mukha ng mga ito at sabay pang nagkatinginan at napaiwas din ng mabilis.


"Kumain na tayo.." anunsyong sabi ni sakuragi kaya tumango lang si aki, ito na mismo ang naglagay ng kanin sa plato ni sakuragi na kinagulat nito.


"Ako na, ikaw na nag luto e. Kaya gusto ko itong gawin sayo." Nahihiyang saad ni aki nang tignan siya ni sakuragi nang may pagtataka.


"Ako na ang bahala aki, kaya ko namang..." Umiling si aki bago muling kumuha ng kanin at pagkatapos ay ulam naman.


"Please, kahit ito nalang, payagan mo na ako oh." Malambing na boses na pakiusap nito, napabuntong hiningang tumango na lamang si sakuragi



"Okay," sabi ni sakuragi


Nag simula na ang dalawa sa pagkain, tahimik lamang at nag mamasid masid sa isa't isa, gustong mag tanong ni aki subalit napangungunahan na siya ng kaba. Napatingin siya kay sakuragi ng mapansin niya itong nakatingin pala ito sakanya.


"Sinabi sakin ni rukawa na pinaalis ka ng papa mo sa bahay niyo?" Hindi iyon inaasahan ni aki na sasabihin ni sakuragi, dahil nakiusap din naman siya kay rukawa na wag ditong ipapaalam ang mga nangyari sa buhay niya.


"May hindi lang kami napagkaunawaan kaya ganon.. pero, okay parin naman kami e." Anas ni aki na kiming ngumiti


"Wag kang ngumiti sakin nang ganyan, halata kasing peke lang." Anas ni sakuragi na kinatahimik ni aki


"Sorry.. ayaw ko lang pag usapan ang bagay na iyon." Anas ni aki, naiintindihan naman ni sakuragi pero gusto niya parin malaman ang lahat lahat na mga nangyari.


"Mag usap tayo pagkatapos natin kumain." Anas ni sakuragi na sinang ayunan naman ni aki, dahil ito rin talaga ang gusto niya umpisa palang.

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now