Chapter 40

244 25 5
                                    

Nagready na ang lahat para tumungo sa gym dahil magsisimula na ulit ang laban sa pagitan ng okaido team at shohoku, second half na at magkakatagisan na kung sino ba talaga ang pinakamalakas sa dalawang team. Sa susunod na linggo kasi ay laban nila sa shoyo kaya may one week pa sila para makapag pahinga after ng laban nila ngayon sa shohoku.




habang naglalakad sila ay saktong bumukas ang pintuan ng shohoku team dahil palabas din pala ang mga ito. Lahat sila automatic na napatingin kay sakuragi na deretso lang ang tingin sa daan, ni hindi man lang ito nabigla kahit na nakita niya ang mga ito.





Tila baliwala na para sakanya ang presensya ng team na kinasanayan niyang makasama nong umpisa. Ramdam ng okaido team ang tensyon ng sabay sabay pa ang mga itong naglakad sa kanila. okay lang naman sa iba ngunit ang kinababahala nila iyong kasamahan nilang may parihas na mainitin ang ulo.





Kahit wala silang imik ay ramdam nila ang namumuong tensyon sa dalawa. Napansin ni aki si haruko na mukhang balak puntahan si sakuragi kaya pupuntahan niya na sana ito ng may pumigil sakanya.





"pwede ba tayong mag usap mamaya aki?" Saad ni mitsui dahilan para matigil ang ilan sa paglalakad. Wala pang napapansin si sakuragi dahil nasa unahan ito ngunit nakakatatlong hakbang palang ito ng...






"Bitawan mo siya mitsui, binalaan ko na kayo. Wag na wag niyong idadamay si aki sa galit na nararamdaman niyo sakin. Huling beses na paalala pa ang gagawin ko, pero sa oras na makita ko ulit na hahawakan mo siya." Humarap bigla si sakuragi kah mitsui na may matatalim na titig.





"Hindi ako mag dadalawang isip na lampasuhin ang grupo niyo kahit pa may pinag samahan tayo." Saad ni sakuragi na kinatahimik ng lahat, napalunok ang ilang team shohoku dahil sa biglaang pag daan ng kaba sa kanilang dibdib.





"Gusto ko lang siyang makausap, wag kang mangialam." saad ni mitsui na ito pa ang nagmamalaki, iwinaksi naman ni aki ang kamay ni mitsui na nakahawak sa braso niya.




"Kahit hindi mag banta si sakuragi sayo, hinding hindi rin ako makikipag usap sayo." Saad ni aki na seryoso ring tinignan si mitsui bago nag martsa paalis.




"Masaya kana ba sakuragi? Maging si aki galit na rin sakin." Sigaw na saad ni mitsui na kinangisi naman ni sakuragi bago tumalikod.





"Hindi ko naman kasalanan kong bakit inaayawan ka ng lahat, sa ugali mo ba namang iyan hindi na ako magtataka." Saad ni sakuragi habang naglalakad parin palayo sa grupo ng team shohoku.





Hindi nalang pinansin pa ng ibang shohoku team si mitsui dahil wala rin silang balak na kausapin pa ito dahil sa lahat ng kasalanang ginawa nito. Ang kinababahala nila ay ang sinabi ni sakuragi sa kanila kanina.




Nang makapasok na ang lahat sa loob ng court para sa second half, agad na nag pulong pulong ang mga maglalaban para sa panibago nilang istratihiya na gagawin. Tanging si sakuragi ang hindi nakikinig habang relax na relax na nakaupo at nakapikit.





"Wala kabang balak makinig sa gagawin natin?" Saad ni rukawa na hinampas pa si sakuragi sa balikat. Sinamaan naman siya ng tingin ni sakuragi ngunit nilabanan din nito ng tingin ni rukawa pabalik.






"Tss.  Hindi na kailangan dahil alam ko na rin naman ang gagawin, ang usapan ay sakin niyo ibibigay ang bola." Saad ni sakuragi na tono nag uutos sa kaharap nito.




"Asa ka. Hindi ka lang naman ang maglalaro kaya wag mong solohin." Sagot ni rukawa na hindi namang ikinakibo ni sakuragi. Wala rin namang saysay kung mag uusap pa sila, parihas pa naman silang walang sense kausap.





"Okay team, para sa interhigh tournament at sa pag kamit ng ating mga pangarap. Mananalo ang team, mananalo tayo." Saad ni coach kotaro na nakisali pa sa pagpatong ng kamay sa gitna.





Tumunog na ang bell (not sure) hudyat na magsisimula na ang 3rd quarter. Nag sipasukan na ang lahat ng first five at muling si sakuragi at akagi ang mag jajump ball ng bola upang malaman kong kaninong team mapupunta ang bola.





Nang ihagis ng referee ang bola paitaas, agad na nag handa ng bawat team. Sabay na tumalon si akagi at sakuragi ngunit laki ng pagkagulat ng lahat ng isahang kamay lang ni sakuragi iniiwas ang bola kay akagi upang hindi nito matamaan ito. Nang matamaan ni sakuragi ang bola ay agad itong tumungo sa direksyon ni rukawa kaya agad nitong mabilis na idinidribble.





binantayan ito ni shin ngunit mabilis lang siyang nacross over ni rukawa kaya agad itong nakalusot at nakagawa ng lay up.





Okaido 56
shohoku 41





unang puntos agad ng okaido at ramdam na agad ng team shohoku ang takot na hindi na nila maabutan ang team okaido. Nadagdagan ang pressure nila dahil sa isiping nandito pa si sakuragi at wala silang laban na dito kahit mag sama sama pa sila.




"anong gagawin natin? Hanggat nandito si sakuragi hindi tayo mananalo sa laban." Saad ni shin



"Kailangan natin siyang ilabas sa laro, iyon lang ang tanging paraan para makahabol tayo sa score nila." Saad ni mitsui




"Hindi kami gagawa ng maruming paraan para lang makalamang." Saad ni miyagi sinamaan naman siya ni mitsui ngunit hindi na natinag pa si miyagi sa masamang titig nito.



"Tss. Wag kang gunggong, hindi tayo gagawa ng maruming kilos. Normal lang, ipafoul natin siya." Saad ni mitsui ng nakangisi pa na tila may plano na agad na naisip.





"Siguraduhin mo lang na hindi madudungisan ang pangalan ng shohoku sa gagawin mo." saad ni akagi na malamig na ang pakikitungo kay mitsui.



Hindi naman umimik si mitsui kay akagi dahil kahit papano ay takot parin siya dito. Tumango lang siya bilang pagsagot dito bago tumalikod.



Pero bago pa man makaalis si miyagi at akagi ay hinarangan na agad sila ni kyoushi. Nag taka naman ang dalawa sa inasta ni kyoushi sa kanila.



"Anong kailangan mo?" Tanong ni akagi



"Alam kong galit kayo kay mitsui dahil sa mga pinag gagawa niya, pero sana intindihin niyo rin siya. Kaibigan niyo rin naman si mitsui di'ba? Kayo nalang ang kakampi niya kaya sana sakanya kayo pumanig." Napangisi si akagi sa sinabi ni kyoushi samantalang si miyagi naman ay tahimik tila may malalim na iniisip.




"Hindi ka dapat nang hihimasok pa sa problema namin at kung ano man ang iniutos sayo ni mitsui para kombinsihin kami na kumampi sakanya, tumigil na kamo siya dahil hindi pa rin magbabago ang isip namin hanggat hindi siya humihingi ng tawad kay sakuragi." Saad ni akagi bago naglakad palayo sinundan naman ito ni miyagi paalis





Nang magsimula muli ang laban ay hawak na ng team shohoku ang bola, si miyagi amg nagpapasok nito kaya mahigpit naman siyang binabantayan ni takasugi. Ipapasa niya na sana ito kay mitsui ng muling naalala niya ang pinag usapan nila at sinabi niya dito. Kaya imbes na ipasa dito ay agad niya nalang inatake ang depensa ni takasugi.




"Wag mo nang ipilit, hindi ka makakalusilot sa pag babantay ko." Saad ni takasugi




"Maaaring tama ka, ngunit isa rin ako sa pinaka magaling na point guard ng kanagawa." At isang iglap ay biglang nawala sa harapan ni takasugi si miyagi na mabilis na tumakbo at nakakaiwas sa pagbabantay sakanya. Nakipag sabayan pa siya kila tetsu at kazuko ngunit matagumpay parin nitong naipasok ang easy lay up.



Okaido 56
shohoku 43




"Ipagpatuloy mo lang yan miyagi," sigaw ni ayako, ngumiti lang si miyagi dito pabalik.



'Anong klaseng pagpa-foul kaya ang gagawin ni mitsui kay sakuragi?' Tanong ni akagi sa sariling isipan.


The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Where stories live. Discover now