chapter 86

84 10 2
                                    


The newest hanamichi sakuragi [cold-hearted]

Chapter 86:

***

Matapos ang eksenang nangyari kanina, muling nagpatuloy ang laban ng shoyo at okaido kahit na wala parin sa loob si sakuragi para lumaban. Kapansin pansin na din ang kakaibang aura kay sakuragi.

Wala na ang masamang titig nito at napalitan na ng magaang expression sa mukha

Hindi naman makalapit si aki dala ng sobrang kaba dahil sa ginawa ni sakuragi kanina, nandoon parin sa dibdib niya ang kasiyahang si sakuragi lang ang nakakaparanas non sa kanya.


"Go! Team, kaya niyo yan.." Gulat din sila sa biglaang pagche'cheer na binibigay ni sakuragi sa mga naglalaro.


"Nawe'weirduhan na ako sa kinikilos ni sakuragi, men! Bipolar masyaso." Bulong na anas ng isang player na taga abot ng towel at inumin sa mga players na naglalaro.


"Shhh! Manahimik ka dyan, baka marinig ka pa at mabago na naman mood niyan." Sita pa ng isa, narinig iyon ni coach kotaro kaya hindi nito mapigilang matawa dahil sa tama rin naman ang mga ito.


"Mag pokus na lamang kayong dalawa sa mga players ng may matutunan kayo sakanila." Salitang Saad ni coach sa mga ito. Napaupo naman ng tuwid ang mga ito kaya sabay na napasigaw ang mga ito.


"Yes, coach!"


Mula sa loob ng court! Kitang kita ang pagbabago ng galaw ng shoyo team mag mula ng lumabas si sakuragi mula sa paglalaro.

Pursigido silang muling makahabol sa puntos hanggat hindi pa nakakapasok si sakuragi sa loob.


"Okay team, siguro naman. Tapos na tayong magpaubaya sa kanila? Oras naman para tayo ang manguna sa kanila." Sigaw na Saad ni fujima na nakapag bigay ng hints sa mga kasamahan.



"Mukhang may binabalak si fujima na baliktarin ang sitwasyon habang wala si sakuragi sa loob." Anas ni tetsuya kay rukawa ng sa shoyo naman ang magpapasok ng bola.


"Kanina ko pa rin napapansin iyan, pero makikita natin kung talaga bang pinag bigyan lang ba tayo o sadyang puros salita lang talaga sila." Naiiling naman si tetsuya sa narinig mula kay rukawa



"Pambihira, Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa ugali na meron ka. Patagal ng patagal, pagaspang ng pagaspang ugali mo. Which is,. Good thing rin naman dahil ikaw lang ang may mature na sagot atin sa tuwing kinakausap kita."



"Sinasabi ko lang kung ano iyong napupuna ko, kanina pa nila sinasabi yan kay sakuragi pero wala parin namang pagbabago. Hindi ko malaman kung humihina lang ba sila o sadyang mas malakas lang talaga ang team natin kesa sa kanila." Dagdag pa na saad ni rukawa, wala nalang na sabi si tetsuya dahil nabigla din siya sa sinabi nito.



"Hindi ako aagree sa mga sinabi mo, hahayaan ko nalang makita kung hanggang saan ang kakayahan nila hanggang sa muling pumasok si sakuragi dito sa loob." Anas ni tetsuya bago pumwesto sa ilalim ng basket ng kalaban



Hawak na ni fujima ang bola, si takasugi ang nag babantay dito at kada dribble nito ay nakakapag bigay ng kakaibang kaba kay takasugi.


'Na ito na naman ang kakaibang sensasyong nararamdaman ko sa twing nakakaharap tong si fujima.' Sa isip isip ni takasugi, hanggang sa mabilis na pag cross over pakanan sa kanya ng hindi inaasahan ay agad siyang natameme.



"Okay lang yan, takasugi." Sigaw ni sakuragi mula sa bench


Samantalang patuloy parin sa pag didribble si fujima, palusot kay shintaro at rukawa, nang makita nitong ido'double team siya ay agad itong nag back pass mula kay eichi na mukhang inaasahan din na ipapasa sa kanya ni fujima ang bola.


Agad na tumakbong dinidribble ito ni eichi sabay preno at jump shot mula sa free throw line. Na I shoot nga ito ni eichi kaya napapalakpak si fujima dahil sa nakita.

Okaido 57
Shoyo 51


"Nice shot! Eichi, nice shot!" Nakangiting Saad nito bago tinapik sa braso si eichi.


"Back pass? Solid nun, Hindi naman sila nakapag usap kanina pero alam na agad ng mga kasamahan nila na sa kanila ipapasa ni fujima ang bola." Bilib na Saad ng manunuod sa ginawang pag back pass ni fujima.



"Napaka attentive din ng team nila, iyon ang wala ang okaido, pansin ko umaasa nalang sila palagi kay sakuragi porket ito ang makakapag dala sa kanila ng sa pagkapanalo." Anas pa ng manunuod na tila sinasadya talagang iparinig sa kanila.



Palihim na napangisi si fujima sa naririnig, tinignan din niya ang pwesto ni sakuragi na wala namang pakialam, imbes na mabahala ito sa mga sinasabi ng mga tao ay nakangiti lamang ito.


"Wag niyong pansinin ang mga sinasabi nila, magpokus kayo kung saan sa tingin niyo ay tama. Umaasa ako na mababawi niyo ang score na nawala satin." Malakas na sigaw ni sakuragi na nakapag patikom ng bibig ng dalawang taong nasa itaas nila na nag uusap kanina.



"Tama si sakuragi, nasa atin ngayon ang tyansa na mabawi ang puntos na nawala, Hindi rin dapat tayo umasa sa lakas ng isa, kundi sa sarili natin." Anas ni rukawa na seryoso ang mukha


"Hm. Sige! Pasensya na, natakasan pero handang lumaban ulit." Laban ni takasugi.


Sa team okaido na ang bola at ipinapasok na ito ni takasugi, mukhang naging epektibo naman ang pagpapalakas loob na ibinigay ni sakuragi sa mga kasamahan dahil mas naging seryoso pa sila kesa kanina.


"Magtapatan tayo fujima, natakasan mo ako kanina, pwes' ibabalik ko lang kung ano ginawa mo sakin kanina." At sa isang iglap lang ay agad ngang nawala si takasugi sa harapan ni fujima na nagulat din sa pinamalas na vanishing speed attack ni takasugi.



Napahiyaw naman ang mga ibang players na nasa bench at sabay sabay na nag cheer kay takasugi, mabilis itong nag uturn pakanan ng subukan ni eichi'ng bantayan siya. Naiwan si eichi dahil doon kaya si takasugi ay agad na nakalapit sa ilalim ng kanilang basket.


Subalit natigil iyon ng seryosong nakaabang si hanagata, mukhang Hindi ito naalarma sa ginawa nito kay fujima.



"Ako naman ngayon ang lusutan mo," paghahamon ni hanagata ngunit tanging blangkong expression lang ang naisukli ni takasugi bilang sagot.



"Kaya kong gawin ang paghahamon mo, pero dahil teammates kami hindi lang ako ang lalaro.. Kaya!" Pinutol ni takasugi ang sinasabi ng katulad ni fujima ay nag back pass din ito patungo sa direksyon ni shintaro, pagkakapit palang ng bola ay agad siyang tumira mula sa three point line



Natigil lang ang sigawan ng mga tao sa sobrang tuwa nila sa ginagawa ng okaido ng biglang iblock ni ezekiel ang bola na inirelease ni shintaro.


Napanganga sa pagkagulat ang lahat dahil sa hindi inaasahang ginawa ni ezekiel na pangba'block sa Tira ni shintaro.



"Hindi iyon ang inaasahan nating resulta." Saad ni bari na isa ding player ng okaido. Dismayado ito sa nakita ngunit hindi naman niya ipinapasa ang pagkadismaya kay shintaro kundi sa sarili niyang umaasa na papasok ito.


"Hindi na rin masama," bulong ni sakuragi na kinatingin naman ni bari


Naiblock nga ni Ezekiel ang bola mula sa three point shot sana ni shintaro. Nakarinig pa ang ilan ng mga "booo" pangangantyaw sa nangyari.



"Laban lang shintaro, Hindi ka matatalo dahil lang sa pagkakamaling hindi mo namang inaasahang mangyayari. Walang nagbe'blame sayo." Sigaw ni sakuragi mula sa bench.


Ngunit dinaramdam parin iyon ni shintaro kaya Hindi ito nakasagot sa sinabi ni sakuragi sa kanya.



'Akala ko pa naman, makakapuntos na ako. Hindi pa pala!" Bulong ni shintaro sa kanyang sarili.



****
(A/n: goodnight! Bukas nalang ulit siguro.. Inaantok na ako. salamat sa supports💕)

The newest hanamichi sakuragi(Cold-hearted)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang